Public Information of Gumaoc Central

Public Information of Gumaoc Central

Share

This is the Official Public Information Page of Barangay Gumaoc Central, City of San Jose Del Monte, Bulacan.

04/06/2026

Bored ka na ba sa same routine?

Tara, Break muna sa routine! Join Amazing Race 2026 ng Youth on the Rock para sa isang araw na puno ng games, tawanan, bagong friends, at memories na di mo malilimutan.

Introvert ka man, extrovert, o tahimik lang pwedeng pwede ka dito. At mas solid pag kasama mo ang barkada mo! Walang kailangan dalhin kundi sarili mo lang, magandang energy, at readiness for fun.

One race, One Squad, One Unforgettable day.

🗓 June 5, 2026 | 1-5 PM
📍Sampaguita Hall, City Convention Center, Sapang Palay Proper


Photos from Public Information of Gumaoc Central's post 04/06/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍

3RD QUARTER BRGY. DEVELOPMENT FUND-PROJECT
JUNE 4, 2026 (THURSDAY)
📍Blk 7, Brgy. Gumaoc Central

Ngayong araw, personal na ininspeksyon nang ating Punong Barangay Hon. Manuel Gabion ang kasalukuyang ginagawang repair at declogging sa pathwalk ng Blk 7.

Kasunod nito, bilang pagsunod ng ating Barangay sa mga rekomendasyon mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa nakaraang inspeksyon nito sa ating Material Recovery Facility (MRF), tayo po ay nagpalagay ng sariling linya ng kuryente at nagpa-flooring at cr bilang tugon sa mga nakitang kailangan ayusin sa ating MRF.

Dagdag pa rito, hinihintay po natin maiaward sa ating ang makinang Shreder para may sarili na tayong gilingan ng mga basura.

Pagsisikapan at Sisikapin pa po ng ating Barangay na matugunan ang mga pangangailangan ng ating nasasakupan sa pagsasaayos at pagpapaganda sa ating Barangay.

📷📸 Kapitan



| via Crismon Montero/Brgy. Public Information Office

04/06/2026

PAANYAYA PARA SA MGA TATAY AT LOLO NA TODA DRIVERS, DELIVERY RIDERS AT MOTO TAXI DRIVERS!

Kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day ngayong June 2026, magsasagawa ang San Jose Koop ng isang Gender Sensitivity Training Seminar na may kasamang Basic Motorcycle Repair and Maintenance Training sa darating na June 19, sa San Jose Koop Main Office Function Room, mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN.

Para ito sa mga masisipag na daddy na biyahe is life, pero safety first lagi!

Makatatanggap ng ₱500.00 Fuel Subsidy ang mga participants.

Bukas ito para sa members at non-members ng San Jose Koop, ngunit limitado lamang sa 50 slots.

Para makapag-register, i-text lamang ang inyong pangalan at contact number sa 0956-750-7529.


04/06/2026

Kapakanan muna ng taumbayan!

‘Yan ang nanaig sa hatol ng magkahiwalay na korte sa Bulacan at Las Piñas matapos paboran ng dalawa ang interes ng publiko na ipinaglalaban ni Mayor Ate Rida Robes. Nauna nang ibinasura ng Regional Trial Court - Bulacan ang isinampang Temporary Restraining Order (TRO) petition ng PrimeWater laban sa pansamantalang pangangasiwa at pagtulong ng City Government of San Jose del Monte sa operasyon ng distribusyon ng tubig. Ngayon naman, nagdesisyon din ang RTC - Las Piñas pabor din sa LGU.

Batay sa mga desisyon ng mga hukom, higit na mahalaga ang serbisyo publiko at pagtugon sa krisis sa suplay ng tubig na nararanasan ng libu-libong San Joseño kaysa sa Joint Venture Agreement ng Primewater at ng San Jose del Monte Water District.

Ang buong detalye sa report ni Gelo Darantinao.








Photos from City of San Jose del Monte Public Information Office's post 04/06/2026

BTS: CONSEFF nature adventure sa Kids Discovery Camp and Resort sa 20th episode ng PIO Live

Ngayong unang linggo ng Hunyo, balik na sa 5-Day work week ang lahat ng ahensya ng City Government upang makapagbigay ng serbisyong may puso sa bawat Pamilyang San Joseño.

Nakasama rin natin ang mga mahuhusay na Campus Broadcasters mula sa First City Providential College sa paghahatid ng mga balita mula sa iba't ibang bahagi ng The Rising City.

Ito ang PIO Live — ang programang maghahatid ng mahahalagang pangyayari, impormasyon at mga opinyong para sa iyo San Joseño!

Para maging updated sa mga latest na ganap sa ating lungsod, i-click lamang ang link at balikan ang PIO Live hatid ng CSJDM Public Information Office: https://www.facebook.com/share/v/1Fx64nxerM/

📍 New Government Center, Barangay Dulong Bayan
📸 Jonathan Dasal








04/06/2026

🌧️ Tag-Ulan Is Here! Handa na ba ang inyong mga payong San Joseños? ☔️

Ayon sa PAGASA, pormal nang nagsimula ang panahon ng tag-ulan sa mga kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas matapos makapagtala ng madalas na pag-ulan dulot ng Habagat sa nakalipas na limang araw.

Gayunpaman, nilinaw ng ahensya na maaari pa ring magkaroon ng tinatawag na “monsoon breaks” o pansamantalang paghina ng pag-ulan na maaaring tumagal ng ilang araw o linggo.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling mapagmatyag sa mga weather updates at mga abiso ng lokal na pamahalaan upang maging handa sa mga posibleng epekto ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa mga susunod na buwan.



04/06/2026

It's time to tune in sa ating paboritong Thursday Habit! 🩷

Para makapagbigay ng serbisyong may puso sa bawat Pamilyang San Joseño, balik na sa 5-Day work week ang lahat ng ahensya ng City Government. Kasabay niyan ang samu’t saring mga aktibidad sa buong Rising City.

Makakasama rin natin sa paghahatid ng balita ang ating mga Campus Broadcasters mula sa First City Providential College.

Tutok na sa PIO Live, ang 4PM bonding ng bawat Pamilyang San Joseño! ☝🏻


Photos from City of San Jose del Monte Public Information Office's post 04/06/2026

IN PHOTOS

Upang suportahan ang mga nano-enterprises o mga maliit na uri ng Negosyo gaya ng mga sari-sari store, karinderya, at mga cash assistance beneficiaries ng Pamahalaang Lungsod, binuo ang mga guideline sa mas episyenteng pagpaparehistro ngayong Huwebes, June 4.

Kabilang sa pagbabalangkas nito sina Business Development Division Head Ronald Soriano, City Councilor Oliver Robes, Chief of Staff Juan Miguel Perez at iba pang miyembro ng Technical Working Group para aralin ang mas maayos na pangangasiwa ng mga negosyong makapag-aambag sa lokal na ekonomiya ng The Rising City.

📍4th Floor, Meeting Room A, New Government Center, Barangay Dulong Bayan
📸 Mags Oliva








Photos from City of San Jose del Monte Public Information Office's post 04/06/2026

TINGNAN

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng kaayusan, kalinisan, at kaligtasan sa Barangay Paradise III, isinagawa ang road cleaning operation ngayong Huwebes, June 4.

Layunin ng aktibidad na ito na panatilihin ang kaayusan, kalinisan, at kaligtasan ng mga kalsada at pampublikong lugar para sa maayos na pagdaan ng mga residente.

📸 Barangay Paradise III


04/06/2026

PANOORIN

Pagpapaunlad ng Turismo at Pagpupugay sa mga Natatanging San Joseño, tinalakay sa 48th Regular Session ng 9th Sangguniang Panlungsod.








Want your business to be the top-listed Government Service in San Jose del Monte?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Blk 5 Gumaoc Central
San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 9am - 12pm
Sunday 9am - 12pm