02/06/2026
BASAHIN
Double win para sa mga San Joseño! Bigo ang Primewater na pigilan ang City Government ng San Jose del Monte sa mga gagawing hakbang upang maisaayos ang sitwasyon ng tubig sa Lungsod matapos paboran ng dalawang magkaibang korte ang interes ng publiko na ipinaglalaban ni Mayor Ate Rida Robes. Nauna nang ibinasura ng Regional Trial Court - Bulacan ang isinampang Temporary Restraining Order (TRO) petition ng PrimeWater laban sa pansamantalang pangangasiwa ng City Government ng San Jose del Monte sa operasyon ng tubig. Ngayon naman, nagdesisyon din ang RTC - Las Piñas pabor din sa LGU.
Ayon sa mga desisyon ng mga korte sa Bulacan at Las Piñas, higit na mahalaga ang pagtugon sa krisis sa suplay ng tubig na nararanasan ng libu-libong San Joseño kaysa sa Joint Venture Agreement ng Primewater at ng San Jose del Monte Water District.
02/06/2026
🇵🇭 FLAG RAISING CEREMONY | June 1st Monday 🇵🇭
Sa pagsisimula ng unang Lunes ng buwan ng Hunyo, matagumpay na isinagawa ang ating Flag Raising Ceremony kasama ang Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kapitana Genelyn Piano kasama ang mga kawani
Sama-sama nating harapin ang panibagong buwan na may pag-asa, sipag, at determinasyong makapaghatid ng mas maayos na serbisyo para sa lahat.
📸Crisanto de Guia
02/06/2026
📚🎒 BALIK ESKWELA 2026 | SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTION
Noong Sabado, Mayo 30, matagumpay nating naisagawa ang School Supplies Distribution para sa ating mga mag-aaral bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Ang simpleng handog na ito ay sumasalamin sa ating patuloy na layunin na suportahan ang edukasyon at makatulong sa bawat pamilyang nangangailangan. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon at dagdag na sigla sa ating mga kabataan upang lalo nilang pagbutihin ang kanilang pag-aaral.
Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating kabataan.
📸Crisanto de Guia
02/06/2026
Upang matiyak ang mahusay na paghahatid ng serbisyo publiko at ang tuluy-tuloy na operasyon ng Pamahalaang Lungsod, sa direktiba ni Mayor Ate Rida Robes, balik na sa regular na five-day work week and schedule ng City Government of San Jose del Monte.
Mananatiling bukas ang lahat ng mga tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes, 8AM to 5PM.
24/05/2026
100 days to go as we move closer to the Tanglawan Festival! ✨🔆
Pamilyang San Joseño, handa na ba kayo sa mas engrande, maliwanag, at makulay na selebrasyon sa The Rising City?
The wait is almost over! Abangan, malapit na…
23/05/2026
✨ MATAGUMPAY NA NAISAGAWA ngayong araw ang ating Weekly Clean-Up Drive sa ating Barangay sa pangunguna ng ating Kapitana Genelyn Piano kasama ang masisipag na kawani ng Barangay. 💚🧹
Patuloy po nating pinapanatili ang kalinisan at kaayusan sa ating Barangay para sa mas ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran para sa lahat. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong sa gawaing ito.
Ang simpleng pagtutulungan ay malaking hakbang tungo sa mas maunlad at disiplinadong Barangay. 💪🌱
📸Crisanto de Guia