03/06/2026
Happy birthday, Konsi Oliver “Obeng” Robes! 🎉
Greetings from,
Konsi Jojo Gerona
Official FB Page of Councilor Victorino “Jojo” Gerona Jr. City Councilor, District 1, City of San Jose del Monte, Bulacan.
03/06/2026
Happy birthday, Konsi Oliver “Obeng” Robes! 🎉
Greetings from,
Konsi Jojo Gerona
16/05/2026
Patuloy po ang pagpapatupad ng ating "Serbisyong Solar" program upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan ng ating mga komunidad. Tagumpay pong naitayo ang mga bagong solar street lights sa mga sumusunod na lugar:
📍 Brgy. Ciudad Real
📍 Area E, Nazario Road Purok 4, Brgy. Paradise 3
Ang proyektong ito ay tugon sa hiling ng ating mga kababayan na magkaroon ng maliwanag at ligtas na daanan sa gabi. Dahil kapag maliwanag ang paligid, iwas-sakuna at mas ligtas ang bawat pamilyang naglalakad pauwi.
Sama-sama nating itaguyod ang mas progresibo at ligtas na komunidad!
Maraming salamat po.
10/05/2026
PAGPUPUGAY SA MGA ILAW NG TAHANAN! 🌸
Isang malugod na pagbati ng HAPPY MOTHER’S DAY sa lahat ng mga dakilang ina, lola, at mga tumatayong ina sa bawat pamilya.
Kayo ang pundasyon at ang tunay na lakas ng ating mga pamilya. Ang inyong higit at walang sawang pagmamahal at sakripisyo ang nagbibigay-liwanag sa ating kinabukasan. Saludo po ako sa inyong tatag at dedikasyon!
Muli, Happy Mother's Day po sa inyong lahat!
04/05/2026
Sinalubong natin ang ating unang Flag Raising Ceremony ngayong Mayo na puno ng karangalan at bagong pag-asa para sa ating lungsod. Tunay na nakatutuwa na masaksihan ang galing at husay ng ating mga kabataan at lingkod-bayan:
✨ Husay ng Kabataan: Binabati ko ang ating mga National Schools Press Conference (NSPC) winners, ang ating mga delegadong lumaban sa CLRAA 2026, at ang ating Gold Medalist mula sa World Youth Stem Invention Innovation (WYSI). Kayo ang patunay ng galing ng mag San Joseño!
💼 Bagong Serbisyong Tapat: Isang mainit na pagbati rin sa ating mga Newly-hired at Promoted na kawani ng Pamahalaang Lungsod na nanumpa ngayong araw. Kasabay nito, ang Ceremonial Turnover of City Government Employees Health Cards.
Patuloy tayong magkaisa para sa mas progresibong lungsod!
Maraming salamat po.
Photo Credits: City of San Jose del Monte Public Information Office Mayor Ate Rida Robes
24/04/2026
Mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming salamat sa lahat ng nagpaabot ng inyong mga pagbati at panalangin sa aking kaarawan.
Ang inyong pagmamahal at suporta ang nagsisilbing inspirasyon ko upang lalo pang pagbutihin ang paglilingkod sa ating lungsod.
Karangalan ko ang maging bahagi ng inyong buhay. Maraming salamat po at pagpalain tayong lahat ng Maykapal!
Muli, Maraming salamat po sainyong lahat. 🧡
23/04/2026
Nitong nagdaang 42nd Regular Session ng 9th Sangguniang Panlungsod, ating itinalakay ang mahahalagang resolusyon at ordinansa para sa ating mahal na lungsod.
Isa sa mga highlight ng ating sesyon ang pagbibigay-pugay sa San Jose del Monte City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PLTCol. Reyson M. Bagain. Sila ay kinilala bilang Number 1 sa Unit Performance Evaluation Rating para sa buwan ng Marso 2026 sa buong lalawigan ng Bulacan. Isang patunay ito ng inyong dedikasyon sa seguridad at kaayusan ng ating mga Kapwa San Joseño. Saludo po kami sa inyo!
Hindi rin nakaligtas ang inyong lingkod sa isang maagang sorpresa na ibinahagi ng aking SP Family para sa aking nalalapit na kaarawan. Maraming salamat sa inyong pagmamahal at pagbati! Patuloy po tayong maglilingkod nang may puso. 🩷
Maraming salamat po.
Miyerkules | April 22, 2026
📍SP Session Hall, New Government Center, Brgy. Dulong Bayan
Sa gitna ng abo at pinsala, mas magniningning ang MALASAKIT at PAGKAKAISA.
Ngayong umaga po tayo ay bumisita sa ating mga kababayan sa Brgy. Muzon Proper na lubhang naapektuhan ng kamakailang sunog.
Kasama ang ating kasamahan sa konseho, Konsehal Oliver Robes, tayo po ay naki-almusal at nagpamahagi narin ng grocery packs.
Bagaman mabigat ang pinagdaraanan, naniniwala tayong babangon muli ang bawat pamilya. 🙏
Sa mga nais pong magpahatid pa ng tulong sa ating mga kababayan, maaaring makipagugnayan sa tanggapan ng ating Pamahalaang Barangay ng Muzon Proper. Maraming salamat po.
DISCLAIMER: No Copyright Infringement intended. The audio and music belongs to their rightful owners.
10/04/2026
9th Sangguniang Panlungsod — 40th Regular Session
Patuloy ang ating pakikibahagi at pakikinig sa bawat Regular Session ng Sangguniang Panlungsod. Mahalaga ang bawat sandali rito dahil dito binubuo ang mga ordinansa at resolusyon na makatutulong sa ating mahal na lungsod.
Kasabay nito, isang maligayang kaarawan ang aking pagbati sa ating kasamahan sa konseho, Konsehal Allan Baluyut! 🥂🎂
Maraming salamat po.
April 8, 2026 | Wednesday
📍 SP Session Hall, New Government Center, Brgy. Dulong Bayan
07/04/2026
Nagpapaabot po kami ng pakikiramay sa pamilyang naiwan nina CESAR E. PARCO at ROGELIO P. JOSON.
Dalangin namin ang kapayapaan at kalakasan para sa buong pamilya. Hindi man sapat ang salita para maibsan ang lungkot, nawa’y magsilbing lakas ang mga magagandang alaala na iniwan nila sa lahat.
Hanggang sa muli 🕊️
07/04/2026
ISANG MAGANDANG SIMULA PARA SA BUWAN NG ABRIL! ☀️
Hindi lang ang sikat ng araw ang matindi ngayong Lunes, kundi pati na rin ang tagumpay ng ating mga kapwa San Joseño! Kasabay ng ating unang Flag Raising Ceremony ngayong Abril, binabati natin ang mga bagong bayani ng ating lungsod:
👮♂️ Board Passers: Saludo sa mga graduates ng City College of San Jose del Monte (CCSJDM) na matagumpay na pumasa sa Criminologist Licensure Examination!
👑 Campus Royalty: Congratulations, Emmanuel Loreto at Nicole Andrea Bodis (Mr. and Ms. City College 2026)! Ready na silang magsilbi bilang mukha ng ating mga kabataang mag-aaral.
🏀 Sports Champions: Kay galing at kay tapang! Congrats kay Carl Anakin Villegas (Asia Youth Basketball Champion - Fukuoka, Japan) at Anthony Basilone Tan (Gold Medalist, 7th Karate Pilipinas National Karate Championship).
✍️ Campus Journalists: Proud na proud tayo sa DepEd San Jose del Monte sa pag-uwi ng titulong Overall 1st Runner Up sa Regional Schools Press Conference (RSPC) sa Baler, Aurora!
Patunay lamang na sa San Jose del Monte, basta’t may sipag at tiyaga, tagumpay ay abot-kamay. Mabuhay ang mga San Joseño! 💎
Photo Credits: Mayor Ate Rida Robes