13/05/2025
Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng sumuporta sa laban ni "BENG". Hindi man tayo pinalad, masaya po kaming nakasama namin kayo hanggang dulo. Hindi madali ang naging laban natin ngunit sa ipinaramdam nyong suporta, pagmamahal at tiwala naging magaan ang aming pakiramdam habang ipinagpapatuloy ang laban.
Hindi man tayo pinalad alam naming masaya si Tita Beng dahil hindi tayo sumuko. Hanggang huli inilaban natin sya at ang kanyang adhikaing makapaglingkod sa San Joseño. Minahal nyo at sinuportahan ang humalili sa kanya - CARMINA CAMUA. Ginawa natin ang lahat sa maikling oras na mayroon tayo sa panahon ng kampanya.
Muli, mula po sa Team CAMUA...
MARAMING SALAMAT PO! 💚
10/05/2025
IPANALO NATIN TO! ❤️
IBOTO para KONSEHAL ng Distrito Dos, Konsehala Carmina "BENG" CAMUA!
⚫5 CAMUA, BENG (AR) sa balota
10/05/2025
Kwentong house-to-house
Madalas kong maisip kapag nag-ccommute ako pauwi mula sa trabaho ko mula BGC pauwi ng Bulacan na sana gumagamit din ng public transport ang mga opisyales ng bansa natin. Dahil sa kalsada mo makikita ang mga problema ng lipunan, ang totoong hirap ng buhay.
Kaya ngayong tumatakbo ako, sinigurado kong umikot ako sa iba-ibang lugar. Siguro dahil eto ang default ko bilang dating social worker. Suki ako noon ng pag house visit ng mga iskolar namin sa ADF kaya sanay akong lumibot, tumingin, magtanong.
Ang gampanin ng isang konsehal ay gumawa at magpasa ng mga ordinansa o resolusyon para sa mga nasasakupan. Hindi ko malalaman anong mga dapat kong gawin kung hindi ko nilalakaran ang kalsadang binabagtas ninyo, kung hindi ako sumilip sa loob ng tahanan ninyo, o mangamusta ano bang pananghalian ninyo.
Hindi ako magiging epektibong kawani ng gobyerno kung hindi ko alam o ako’y ‘out of touch’ sa pang araw araw na buhay ng tipikal na San Joseño.
At ngayon pa lang, madami na akong assignment. Madami na akong kailangang balikan. Sayang nga at limitado lang ang oras na naibigay sakin para mas makilala kayo - marami pang lugar na dapat ikutin. Pero kung papalarin, itutuloy ko ito. Dahil parte ito ng trabaho. At malaking gampanin ng isang public servant.
Sapang Palay, isang malaking karangalan na tahakin ang maliliit mong eskinita at makilala ka pa ng mas malalim. Maraming salamat 💕
09/05/2025
Maraming salamat, Barangay Fatima! 🫶🏻
Salamat po sa lahat ng sumusuporta, at mga kasama namin sa laban na ito. Siguradong masaya po si Tita Beng sa pagmamahal at suportang ipinapadama ninyo.
IBOTO para KONSEHAL ng District 2, KONSEHALA Carmina "BENG" CAMUA!
⚫5 CAMUA, BENG (AR) sa balota
Sama-sama po tayo hanggang dulo, walang bibitiw!
VOTE STRAIGHT ARANGKADA! 🩷🧡
07/05/2025
Maraming salamat po, Barangay Sapang Palay Proper! ❤️
IBOTO para KONSEHAL ng District 2, Konsehala Carmina "BENG" CAMUA!
⚫5 CAMUA, BENG (AR) sa balota
Sama-sama nating IOANALO ANG LABAN! 💚