31/05/2026
Isang malaking PASASALAMAT po sa lahat ng tumugon at nakiisa sa ating isinagawang Clean Up Drive sa ating Barangay mula po sa inyong Barangay Council sa pangunguna ng ating Kapitan Hon. Manolito B. Blen! πΏβ»οΈ
Sa pamunuan po ng Guardians Viking Chapter, 4 Ps Gumaoc West, Barangay Scholars, Sangguniang Kabataan at ating mga Kawani, Maraming salamat po sa inyong paglalaan ng oras, lakas at walang sawang malasakit para panatilihing malinis at ligtas ang ating Barangay.
Dahil po sa ating pagtutulungan, mas nagiging maganda at maayos ang ating kapaligiran!
Sa ating pong mga kabarangay, nawa'y ipagpatuloy natin ang disiplinang ito. Simulan natin sa ating sariling tahanan at bakuran ang disiplina ng maayos at malinis na kapaligiran. Ito po ay napakalaking tulong na sa ating Barangay!
Sama-sama nating alagaan ang ating barangay, lahat po tayo ay responsable dito!
30/05/2026
Ngayong araw ng pahinga, maglaan tayo ng oras para sa mga taong pinakamahalaga sa ating buhay. β€οΈ
Sa kabila ng pagod at pagsusumikap sa araw-araw, huwag nating kalimutang pahalagahan ang mga sandaling kasama ang ating pamilya. Happy Sunday po!β¨
Magandang Linggo po sa ating lahat! ππ¨βπ©βπ§βπ¦
30/05/2026
π MISSION ACCOMPLISHED: 5-Day School Supplies Distribution Success!
Matagumpay nating nairaos ang 5 araw na pagbibigay ng School Supplies para sa mga kabataan mula sa mga nangangailangang pamilya sa ating Barangay! Dahil sa pagtutulungan ng ating mga kasamahang Kagawad at sa pamumuno ng ating butihing Kapitan Hon. Manolito B. Blen, tayo po ay nakapaghatid ng serbisyo para sa ating mga piling mag aaral.βοΈπ
Tapos pusong Pasasalamat po sa:
- mga kapwa ko Kagawad na nakaalalay sa ating programa, Kag Reymon Genuino Kagawad Alex Casper Acosta Kag Kimberly Natividad Mars Kagawad Gadiane Kag Rosanna Delpilar Kag Jeremy Ambray
- BCPC Committee (Barangay Council for the Protection of Children)
- VAWC Committee (Violence Against Women and their Children)
-LLN at Mother Leaders
At sa lahat ng mga volunteers at staff na naglaan ng kanilang oras at lakas ngayong linggo upang maging kaagapay natin sa mas maayos na serbisyo para sa ating mga ka-Barangay.
Muli, maraming, maraming salamat po sa lahat ng nakiisa mga ka-Barangay! At sa ating mga beneficiaries, baunin niyo po ang Pag-asa na ang bawat pangarap ay walang limitasyon, kaya mong magtagumpay, ilaban mo lang sa pagkilos at panalangin!β¨
29/05/2026
πFAQS: MGA KAALAMAN SA CHILD SUPPORT PATUNGKOL SA VAWC
Marami pa rin ang nalilito tungkol sa child support at mga karapatan ng bata.
Tandaan:
β
Ang child support ay KARAPATAN ng bata.
β
Obligasyon ng magulang na suportahan ang anak, kasal man o hindi.
β
Walang fixed amount ang child support. Ito ay nakadepende sa:
β’ Kakayahan ng magulang
β’ Pangangailangan ng bata
β’ Kita at kalagayan ng pamilya
Maaaring kabilang dito ang:
πΆ Pagkain
π Tirahan
π Edukasyon
π Gamot at iba pang pangangailangan
βοΈ Ang batas ay para sa kapakanan ng bata at hindi dapat ginagamit para sa personal na away ng magulang.
28/05/2026
π FREQUENTLY ASKED QUESTIONS
Tungkol sa kustodiya ng mga illegitimate children o anak sa labas ng kasal π©βπ§βοΈ
Marami ang nagtatanong:
- Sino ba talaga ang may karapatan sa kustodiya?
- May karapatan ba ang ama?
- Kailan maaaring mapunta sa ama ang kustodiya?
- Ano ang sinasabi ng batas?
Sa ilalim ng batas sa Pilipinas, mahalagang malaman ang tamang impormasyon upang maprotektahan ang kapakanan ng bata at maiwasan ang maling akala.
β
Alamin ang inyong mga karapatan.
β
Maging aware sa tamang proseso.
β
Unahin ang βbest interest of the child.β
26/05/2026
Isang mapagpalang araw po sa ating mga kabarangay!
Ang kawalan po ng tubig nitong mga nakaraang araw ay talagang nakakaubos ng pasensya. Kami po, sa ating pamunuan ay hindi hahayaang wala tayong gagawin ukol dito. Gusto ko pong ipaalam sa lahat na opisyal po tayong nag-request at nakipag-ugnayan sa mga kinauukulan para magpadala ng Water Supply Tanker sa ating lugar Kasama Ang buong sangguniang at sa kaalaman Ng ating butihing Punong Barangay Hon. Manolito B. Blen.. Ito po ay para pansamantalang matugunan ang ating pangangailangan.
Ito po ay problema nating lahat, sama-sama po tayong kumilos at magkaisa para sa kaginhawaan ng ating bawat tahanan.
Maraming salamat po sa ating CDRRMO sa assistance! Ingat po tayong lahat.
24/05/2026
Magandang araw at Happy Sunday, mga ka-Barangay!β¨
Sa gitna ng ating abalang linggo sa trabaho at paglilingkod, ang araw ng Linggo ay paalala na ang pamilya ang ating lakas at inspirasyon.
Spend quality time with your loved ones and recharge for the upcoming week!
Kasama ninyo sa bawat araw para sa tapat at maaasahang serbisyo. Ingat po tayong lahat! π
18/05/2026
πPABATIDπ£π£π£
Nais po nating ipagbigay alam sa ating mga ka-Barangay na ongoing na po ang Enrollment para sa ating Alternative Learning System.
Maaring makipag ugnayan lang po sa ating Barangay upang kayo ay matulungan o para sa iba pang mga katanungan.
Maraming salamat po.
17/05/2026
Happy Sunday po!π«Ά
Spend quality time kasama ang pamilya!β¨
Mag enjoy at mag relax, saglit na kalimutan ang mga problema..
Deserve mo yan pagkatapos ng isang linggong grind para sa kanila..β€οΈ
14/05/2026
Ang tunay na pagmamahal sa barangay ay nakikita sa bawat simpleng serbisyong may ngiti at totoong pagkalinga..β€οΈ
Nawa'y maging inspirasyon tayo ng kabutihan sa bawat taong makakasalamuha natin sa araw-araw.
Happy Thursday mga ka-Barangay!