PABATID!
* Para sa lahat ng nabigyan ng Wrist tag / Stub para sa Paskuhan 2025
Kaugnay po sa pamamahagi ng PAMASKONG HANDOG (PASKUHAN 2025) mula sa ating mahal na Punong Lungsod Mayor Ate Rida Robes at Congressman Arthur B. Robes.
Petsa: December 3, 2025
Oras: 7:00 am
MAHALAGA:
* Kinakailangan po na ang mga nabigyan ng stub ay maglabas ng silya / monoblock sa mga kanto/hi-way ng inyong mga kalye bilang paghahanda sa pamamahagi ng Christmas
Food Packs.
* Ang mga taga-pamahagi ng naturang Christmas Food Packs ay HINDI PAPASOK SA LOOB NG MGA ISKINITA.
* Muling pinaaalala din po ang " 1 STUB, 1 PERSON, 1 CHAIR POLICY".
Ibig sabihin:
> May tao, may stub, walang silya = walang Food Pack
> May silya, may tao, wala stub = walang Food Pack
> May silya, may stub, walang tao = walang food pack
> Tao na may hawak /dala na 2 o higit pa sa isang stub = isa lamang na Food Pack.
PAUNAWA:
- Mangyari pong maglabas ng upuan bago pa sumapit ang ika-7:00 ng umaga.
- Antabayanan ang pagdating ng mga tagapamahagi ng Christmas Food Pack sapagkat walang eksaktong oras ang kanilang pagdating maliban lamang sa ibinigay nilang oras mula ika-7:00 am
- Sakali na kayo ay malampasan o hindi umabot sa itinakdang oras, wala pong pananagutan ang Pamahalaang Barangay San Martin IV sapagkat hindi ie-endorso sa Barangay Hall ang mga Unclaimed Christmas Food Packs.
PAALALA SA MGA LUGAR NA PAGLALAGYAN NG MGA SILYA/UPUAN.
- Ang mga may stub mula sa Sampaguita Street ay maaaring maglagay ng silya mula sa kalye o kanto ng Campo (145th) pababa sa BBC Elementary School.
- Ang mga may stub mula sa Carnation St, Dahlia St. Camia St. Morning Glory Street ay maaring maglagay ng silya mula naman sa kanto ng Campo pahaba sa kahabaan ng HI-Way.
- Ang mga may stub mula sa Waling Waling Street ay maaring maglagay ng silya sa kalsada ng Hi-way (malapit sa tindahan ni Kagawad Abutin) hanggang papunta sa Barangay Hall o di kaya naman sa ibabang kalsada katapatan ng Alfamart (Purok 8 ). Depende na lamang kung saan kayo mas malapit.
_ Ang mga may stub mula sa Gumamela St. Lavender St, Sunflower St., Daisy St., Tulip St. Bonggainvilla St., Violeta St. Petonia St., Amarillo St, Milflores St., Kamantigue St., Champaca St., Jasmin St., at Everlasting St. ay maaring maglagay ng silya sa kahabaan ng Ilang-ilang St (kalsada mula sa Barangay pababa ng Purok 11).
Maraming Salamat po sa inyong pakikiisa.
Highlights
Kap. Christian “Kalbo” Tamayo.
Kap. Christian ‘Kalbo’ Tamayo
27/10/2025
𝐎𝐧𝐞 𝐖𝐞𝐞𝐤 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐎𝐟 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐭𝐢𝐧 𝐈𝐕 𝐅𝐢𝐞𝐬𝐭𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟓
Mark your calendars and don’t miss a beat Barangay San Martin IV! Dahil starting November 3, every evening offers something special. ✨
Tipunin natin ang ating pamilya, mga kaibigan, at mga kapitbahay, at ipagdiwang natin ang bawat isa. Hayaan nating magningning ang mga ilaw, punuin ng musika, at magkaisa ang ating mga puso sa iisang ritmo ng kasiyahan. Ito ay higit pa sa isang fiesta, ito ay isang pagdiriwang ng kung sino tayo bilang mamamayan ng ating Barangay San Martin IV! 🎊🎉
In Collaboration ng ating Punong Barangay, 𝗛𝗼𝗻. 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗣. 𝗧𝗮𝗺𝗮𝘆𝗼, 𝗦𝗕 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 at ng ating SK Chairwoman, 𝗛𝗼𝗻. 𝗚𝗶𝗿𝗹𝗵𝗲𝗮 𝗛𝗮𝘆𝗮𝗴𝗮𝗻, 𝗦𝗞 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹.
Kung may mga katanungan maaaring mag-mensahe sa 𝘽𝙧𝙜𝙮. 𝙎𝙖𝙣 𝙈𝙖𝙧𝙩𝙞𝙣 𝙄𝙑 𝙁𝙖𝙘𝙚𝙗𝙤𝙤𝙠 𝙋𝙖𝙜𝙚 - https://www.facebook.com/profile.php?id=61553626360011 hanapin si 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩𝙖𝙧𝙮 𝙅𝙤𝙣𝙖, 𝙃𝙚𝙖𝙧𝙩, at 𝙈𝙚𝙡𝙞𝙨𝙨𝙖 sa ating Pamahalaang Barangay o tumawag sa 09050872980
🎶 “Sayawan, kantahan, at walang humpay na tawanan! Fiesta na naman sa San Martin IV! 💃🕺
Mga ka Barangay San Martin IV
Narito po ang ating mga PROGRAMA para sa ating 7 araw na celebration ng FIESTA 🪅
Sa mga Nais na sumali maari maki pag ugnayan sa ating Barangay official page, pumunta sa ating Pamahalaang Barangay o mag text/tumawag sa
(0905) 087 2980.
Wag kalimutan ibigay ang mga sumusunod na detalye sa pag papa rehistro:
Pangalan/pangalan ng grupo:
Contact Person:
Contact Number:
‼️Maari din na basahin sa ating Barangay Page ang mga Mechanics ng Bawat programa .
Hatid ng inyong lingkod ang kasiyahan sa ating darating na FIESTA 🪅
Magandang Hapon mga ka barangay!
08/10/2025
1st day EVENTS/PROGRAMS
of Barangay San Martin IV
A week FIESTA CELEBRATION 🎉
Unang araw , Unang pasabog agad ang hatid ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan para sa ating mga ka Barangay .
Hatid ng inyong lingkod ang kasiyaan para sa ating nalalapit na KAPISTAHAN kung kaya’t hinihikayat ko ang lahat na sumali sa ating mga PATIMPALAK.
22/09/2025
WALANG PASOK
Mga anak, nananatiling SUSPENDIDO ang klase sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bukas, September 23, dahil pa rin sa epekto ng Super Typhoon sa hilagang bahagi ng bansa.
Kasalukuyan pa ring nakataas sa TWC Signal No. 1 at nasa Orange Warning Level ang Lalawigan ng Bulacan base sa Tropical Cyclone Bulletin NR. 24 at Heavy Rainfall Warning No. 8 na inilabas ng DOST-PAGASA nitong 5:00PM.
Asahan pa rin ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang pabugso-bugso at malakas na hangin. Kaya naman pinapayuhan ng inyong Mayor Ate Rida na ‘wag munang lumabas kung wala namang importanteng gagawin.
Maging alerto at ingat po tayong lahat, pamilyang San Joseño!
22/09/2025
Barangay San Martin IV
WALANG PASOK
Mga anak, nananatiling SUSPENDIDO ang klase sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bukas, September 23, dahil pa rin sa epekto ng Super Typhoon sa hilagang bahagi ng bansa.
Kasalukuyan pa ring nakataas sa TWC Signal No. 1 at nasa Orange Warning Level ang Lalawigan ng Bulacan base sa Tropical Cyclone Bulletin NR. 24 at Heavy Rainfall Warning No. 8 na inilabas ng DOST-PAGASA nitong 5:00PM.
Asahan pa rin ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang pabugso-bugso at malakas na hangin. Kaya naman pinapayuhan ng inyong Mayor Ate Rida na ‘wag munang lumabas kung wala namang importanteng gagawin.
Maging alerto at ingat po tayong lahat, pamilyang San Joseño!
Pabatid !
Mga ka Barangay San Martin IV, dahil po sa hindi magandang PANAHON dulot mg bagyo. Panandalian pong hindi pa naayos ang ilan sa mga sirang ilaw sa purok 10, asahan po na matapos ang bagyong ito ay muling itutuloy ang pag sasa ayos.
Mag ingat po ang lahat !
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
San Jose Del Monte
3023
