Mayor Ate Rida Robes

Mayor Ate Rida Robes

Share

The Official page of Mayor Ate Rida Robes of the City of San Jose del Monte, Bulacan.

Photos from Mayor Ate Rida Robes's post 05/06/2026

May we learn to listen not just with our ears, but with our hearts, following the example of Jesus, whose love is open to all. 🧡

Ngayong unang Biyernes ng Hunyo, matapos ang pagdaraos ng Banal na Misa at pagbabasbas ng mga bagong water lorries, sama-sama po tayong nagkatipon sa New Government Center upang ipagdiwang ang selebrasyon ng pagbababa ng mga sagisag ng ating bayan, simbolo ng pagtatapos ng unang linggo ng paglilingkod na puno ng biyaya at pagpapala.

Sa ating buhay-paglilingkod, napakahalaga pong lagi nating isapuso ang aral ng ating pananampalataya bilang isang pamilyang nagkakaisa. Sa paggabay ng ating Panginoong Diyos, patuloy po nating pakikinggan ang ating taumbayan, hindi gamit ang tenga kundi puso, upang walang humpay nating mailapit ang Alagang San Joseño at serbisyong may malasakit na ramdam ng bawat San Joseño.







Photos from Mayor Ate Rida Robes's post 05/06/2026

Maraming salamat po, PCSO at sa ating Pamahalaang Nasyunal! 🧡

Sa pamamagitan ng isang Ceremonial Memorandum of Agreement (MOA) Signing, opisyal na po nating tinanggap ang stationary X-ray machine mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sa pamamagitan ni PCSO General Manager Melquiades A. Robles.

Ang bagong kagamitang ito na laan para sa ating Ospital ng Lungsod ng San Jose del Monte ay magsisilbing instrumento upang mas mapaganda pa po natin ang serbisyong pangkalusugan sa lungsod at higit pang mapaglingkuran ang ating mga minamahal na kababayan.







Photos from Mayor Ate Rida Robes's post 05/06/2026

Paying kindness forward 🩷🌸

Sa diwa ng pagbibigayan at pagmamahalan, muli pong umarangkada ang Tindahan ni Maria para handugan ang mga residente, kawani, opisyal, at masisipag na jeepney drivers mula sa Jeepney Operators and Drivers Association (JODA) ng SAJOSMA Transport Service Cooperative, Sapang Palay Resettlement Transport Service Cooperative, Sampol-Bulac, Sta. Maria-Meycauayan Transport Service Cooperative, Daop-Palad Transport Cooperative, Sapang Palay Minuyan Multipurpose Cooperative, at CHED-Multipurpose Transport Service Cooperative, ng abot-kaya at abot-kamay na mga pangunahing produkto.

Hangad ko na sa pamamagitan ng ating tuloy-tuloy na programang pangkabuhayan, maramdaman ng bawat isa na ang inyong lokal na pamahalaan ay handang umagapay sa inyong pagharap sa araw-araw nang may pag-asa at pagmamahal.







Photos from Mayor Ate Rida Robes's post 05/06/2026

Doble Aksyon ang Solusyon! ☝🏻

Pamilyang San Joseño, matapos po ang ating masusing due diligence process kasama ang Technical Working Group (TWG), ikinagagalak ko pong ibalita na opisyal na po nating itinalaga bilang bagong interim operator ang Metro Pacific Water (MPW), na magsisilbing katuwang ng ating Pamahalaang Lungsod sa pagsasaayos ng operasyon at distribusyon ng tubig sa Lungsod ng San Jose del Monte.

Maraming salamat po sa Metro Pacific Investments Corp. (MPIC), sa pangunguna ni MPIC Chairman, President, and CEO Manuel V. Pangilinan, sa inyong matibay na suporta at pakikibahagi sa ating layuning mapanumbalik ang dekalidad na serbisyo ng tubig para sa mga San Joseño! Sa ating pagtutulungan, dalangin ko po ang pangmatagalang kapakinabangan nito para sa bawat isa.

Indeed, this milestone is not only about changing the operator. It is about restoring accountability, proper service, and dignity to every family that has long endured the city’s water problems. We ask for a little time and continued cooperation as we carry out the rehabilitation and necessary changes in the system. You can be assured that your local government will not stop until we achieve the water service that every San Joseño household deserves.







05/06/2026

🎶 On the beat, on the go! 🎶

Mas pinasaya at pinasarap ng Tindahan ni Maria On The Go sa Tungkong Mangga ang araw ng mga San Joseño mula sa sulit na paninda hanggang sa masayang vibes, siguradong may dahilan para mapahinto, makisaya, at mamili. ARYA San Joseño!







05/06/2026

The bare minimum we could ever give to Mother Earth is respect. 🌱

Ngayong World Environment Day, sama-sama nating isulong pa lalo sa ating lungsod ang pangangalaga sa kalikasan, sa patuloy nating pakikibahagi sa Basura No Way Program at Weekly Clean-Up Drive, wastong pagtatapon ng basura, at walang patid na pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapaligiran.

Pamilyang San Joseño, let's create a greener, more livable world for everyone. 🌍🧡







04/06/2026

Patuloy nating pinapalawak ang mga oportunidad para sa ating mga mag-aaral sa pagbubukas ng bagong Alternative Learning System (ALS) Building sa Barangay Graceville. Dahil dito, mas marami na sa ating mga kababayan ang magkakaroon ng pagkakataong makabalik sa pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap.

Muli nating pinagtibay ang ating paninindigan na walang maiiwang San Joseño pagdating sa edukasyon. Patuloy tayong maglalaan ng suporta at mga programa upang mabigyan ng mas maliwanag na kinabukasan ang bawat pamilya sa ating lungsod. Ang buong detalye, panoorin sa Balitang San Jose N'yo.







Photos from Mayor Ate Rida Robes's post 04/06/2026

Turismong planado, tuloy tuloy ang progreso!

Nakasama po natin sa isang pagpupulong ang mga opisyal ng Council on Culture, Arts, and Tourism (CCAT) at ang City Tourism Office. Sa pagpupulong na ito, pormal nilang ibinahagi at inilatag ang ating Tourism Development Plan (TDP) 2026-2031 na kanilang binalangkas sa nakalipas na apat na buwan.

Sa pangunguna ni City Tourism Office Head, Roberto Ramirez, Jr., ay naibinahagi nila ang kanilang mga proposed programs, projects and activities na makatutulong sa pagpapalakas at pagpapaganda pa ng turismo sa Lungsod. Bilang Chairperson ng CCAT, katuwang ang mga opisyal nito sa pamumuno ni President Marilyn Bardos, ay patuloy po ang ating suporta sa sektor ng turismo.

Para sa bawat San Joseño, sama-sama nating itampok ang ganda, sining, at kultura ng ating mahal na lungsod! ARYA San Joseño!







Photos from Mayor Ate Rida Robes's post 04/06/2026

A city prepared is a city protected 🩺🧡

Sinimulan po natin ang linggong ito, sa pagsalubong sa bagong buwan, sa pakikipagpulong kasama ang mga City Health Office Physicians, Ospital ng Lungsod ng San Jose Del Monte Medical Heads, at Hospital Administrator upang balangkasin ang mas pinalawak na prioritasyon sa dekalidad na public healthcare system sa lungsod.

This is only the first step towards a bright future of better health opportunities and benefits for our Pamilyang San Joseño.







Photos from Mayor Ate Rida Robes's post 04/06/2026

Kaagapay sa katotohanan at katarungan ⚖️☝🏼

Isang karangalan pong mainit na salubungin at tanggapin sa ating opisina ang mga magigiting na kapulisan mula sa Philippine National Police - Scene of the Crime Operations na sina PCPT Camille A. Borja, PCPT Mario S. Lazaro, at PCPT Arlyn A. Tolentino.

Asahan po ninyong laging kaisa sa inyong dedikasyon sa pagpapanatili ng hustisya, kapayapaan, at kaayusan ang Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte dito sa The Rising City.







Want your business to be the top-listed Government Service in San Jose del Monte?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Emerald Street Pecsonville Subdivision Brgy. Tungkong Mangga
San Jose Del Monte
3023