A Better Heart for Alex

A Better Heart for Alex

Share

Help us raise a fund for Alex's Open Heart Surgery :)

Photos from A Better Heart for Alex's post 16/03/2023

Pinagpalang araw po sa lahat! Nadischarge na po ngayong gabi si Alex! Maraming salamat po sa lahat ng inyong tulong at walang sawang pagsuporta!

16/03/2023

Magandang araw po sa lahat!

Nagumpisa na po pala ang therapy ni Alex para sa Cardiac Rehab. Naka 3 sessions na rin po siya at maganda naman po ang progress. Nalipat na rin po kami sa semi-ward nung Lunes. Ilang sessions pa po at practice sa bahay ay makakabalik po sa normal ang lakad at kilos ni Alex.

Maraming salamat po sa inyo!

10/03/2023

Magandang araw po sa lahat! Update po about sa status ni Alex 😊

Nailipat na po siya ng kwarto kahapon ng umaga, mula Surgery ICU (Feb 22-Mar 2) to Medical ICU (Mar 2-Mar 9) to Telemetry Ward. Siya po ay nasa Private Ward dahil na rin po sa kagustuhan ng mga doktor upang hindi siya mahawaan ng ibang sakit.

Siya po ay under close monitoring pa rin dahil sa naging komplikasyon niya sa baga matapos ang operasyon. Ginagamitan pa rin po siya ng NIV (Non-Invasive Ventilator) para matulungan siya sa paghinga.

Mas maganda na po ang progress ni Alex ngayon kaysa noong mga nakaraang linggo pagkatapos ang operasyon.

Kami po ay muling nakikiusap na sana po ay masama niyo pa rin po kami sa inyong mga daing at panalangin sa Panginoon 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

27/02/2023

Magandang araw po sa lahat!

Sa awa at tulong po ng Panginoon ay lumalakas na po si Alex. Nasa ICU pa rin po siya at naka-intubate pa rin po dahil di pa po niya kayang huminga ng wala ang tulong ng ventilator. May tubig pa rin po siya sa baga kaya iu-ultrasound po siya ngayon para mas makita kung gaano karami yung tubig sa baga. Pagkatapos po ay lalagyan siya ng tubo para madrain yung tubig at plema (kung mayroon man) sa kanyang baga. Loobin nawa ay magtuloy-tuloy na po siya sa paggaling.

Patungkol po sa pagdodonate ng dugo ay hininto po muna namin pansamantala ang blood donation dahil nakahold pa naman po ang mga nireserbang dugo para kay Alex.

Maraming salamat po sa tulong ninyong lahat, mapapinansyal man o sa mga panalangin ninyo para kay Alex. Samahan nawa po tayong lahat ng Panginoon!

23/02/2023

Ingat po sa mga manloloko na manghihingi po ng donasyon at sasabihing para po kay Alex. Dito lang po kayo magsend ng inyong mga tulong. Tumawag po muna kayo sa 0927-374-0799 bago po kayo magpadala para po ikumpirma. Maraming salamat po!

23/02/2023

Magandang gabi po sa lahat!

Nakakausap na po si Alex. Medyo stable na po siya kaso po may tubig pa rin po siya sa baga kaya nakatubo pa rin po siya. Kailangan pa rin po magsalin ng dugo sa kanya sa mga susunod na araw. Nangangailangan po kami ng 50 Donors pa po.

Kaya humihingi po sana kami ng tulong sa inyo, na kung may mga kakilala po kayo na willing po magdonate ng dugo dito sa Philippine Heart Center ay maaari po lamang na tawagan or itext niyo po kami sa numerong ito: 0927-374-0799.

Bukas po ang PHC Blood Bank araw-araw (kahit Holidays) mula 8am-5pm po. Maraming salamat po sa inyong lahat!

23/02/2023

Maraming salamat po sa mga kasamahan sa trabaho ni Alex mula sa JG Summit! Lubos pong natuwa po si Alex ng nalaman niyang nagdonate kayo kaya po nagpapaabot po siya ng pasasalamat sa inyong lahat! 🥰🥰🥰

22/02/2023

Pinagpalang araw po sa lahat! Ipinasok po ulit si Alex sa Operating Room kaninang umaga dahil may bleeding pa po siya. Sa awa at tulong po ng Dios ay stable na po siya ulit ngayon at nasa ICU na for close monitoring. Nangangailangan pa po kami ng maraming dugo, kahit anong type po, pero mas ok po kung O, para po sana kay Alex. Bukas po ang PHC Blood Bank mula 8am - 5pm. Maaari po ninyo kaming kontakin sa 0927-374-0799 kung kayo po ay may mga tanong 😊 Maraming salamat po! Samahan nawa tayo ng Panginoon 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

21/02/2023

Pinasok na po sa OR si Alex 🙏🏻🙏🏻🙏🏻 Aabutin po ng maghapon ang operasyon. Pakisama po kami sa inyong mga panalangin 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

19/02/2023

Sa mga gusto pong magdonate ng dugo para kay Alex, araw-araw pong bukas ang PHC Bloodbank, 8am-5pm (including Holidays).

Sino ang MAAARING magdonate ng dugo?
- Edad 16 - 65
- may timbang 50kgs
- Blood Pressure Systolic 90 -150
Diastolic 60 to 100
- Pulse Rate 60 to 100bpm
- Hemoglobin, at least 12.5 g/dL
Hematocrit: >39%

Sino ang DI MAAARING magdonate ng dugo?
- may lagnat, sipon at ubo
- umiinom ng gamot (antibiotics, Aspirin)
- kakatapos lang magpabutas ng tainga at magpatattoo
- kakatapos lang magpabunot ng ngipin
- kakadonate lang ng dugo
- kakakuha lng ng dugo (blood transfusion)
- bagong bakuna
- sa mga Babae: may regla, buntis o nagpapasuso

Maaari niyo po kaming tawagan kung kayo po ay may mga katanungan: 0927-374-0799 / 0917-174-4190

19/02/2023

Sa mga willing po magdonate ng dugo, kahit anong blood type po, pwede nanpo kayo magumpisa na magdonate po ng dugo dito sa Philippine Heart Center, every 8am-5pm po, para po magkapondo na po tayo ng dugo sa blood bank 😊 Text or tawag lang po kayo sa mga numbers na ito kung may mga tanong po kayo: 0927-374-0799 / 0917-174-4190

Photos from A Better Heart for Alex's post 18/02/2023

Pinagpalang araw po sa lahat! Naka-admit na po ngayon si Alex sa Philippine Heart Center. Negative naman po siya sa antigen 😊

Want your business to be the top-listed Government Service in San Jose?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

San Jose
4227