03/06/2026
๐ช๐๐๐๐ข๐ ๐ ๐ง๐ข ๐ข๐จ๐ฅ ๐๐ฆ๐ ๐๐ข๐จ๐ก๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฌ
Malugod nating binabati si CAMILLE ZAPANTA bilang bagong talaga na Kagawad sa Barangay San Jose.
Pinangunahan ni Mayora Menchie Abalos ang panunumpa ng katungkulan kasama si Kap. Joan Batan-Pintang, Ms Czarina G. Del Espiritu Santo LGOO VII, Cluster Head DILG Mandaluyong, Kagawad Joswa Cruz, SK Chairman Romark Orias, at pamilya.
Anak siya ni yumaong kagawad Dikong Zapanta at nagsisilbi rin bilang Barangay Nutrition Action Officer (BNAO) sa loob ng halos tatlong taon.
Muli, congratulations, Kagawad Camille Zapanta!
03/06/2026
๐ Narito ang ating updated landline number para sa inyong mga katanungan, concerns, at mga problemang nais ipaabot:
โ๏ธ 8-782-3191
Handa po kaming tumugon at magbigay ng kaukulang tulong. Maraming salamat! ๐
02/06/2026
๐ ๐ซ๐จ๐ 2 | ๐ณ๐ฐ๐ฎ๐ป๐จ๐บ ๐ป๐ฐ๐ฎ๐ซ๐จ๐บ ๐ช๐จ๐ด๐ท๐จ๐ฐ๐ฎ๐ต 2026
Patuloy ang ating pagbabakuna para sa ikalawang araw ng ๐ป๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐ 2026!
Maraming salamat sa mga magulang, health workers, volunteers, at mga katuwang na patuloy na sumusuporta sa programang ito. Ang bawat batang nababakunahan ay isang hakbang tungo sa mas ligtas na komunidad at mas malusog na kinabukasan.
Kung hindi pa nababakunahan ang inyong anak na ๐๐
๐๐
6 ๐๐๐๐๐๐๐๐ 59 ๐๐๐๐๐, maaari pa rin kayong magtungo sa pinakamalapit na vaccination site sa inyong lugar.
๐ก๏ธ LIGTAS TIGDAS: Handa. BakunaDOH. ProtektaDOH.
02/06/2026
๐ ๐ฟ๐ผ๐ 1 | ๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐๐๐ฟ๐ผ๐ ๐พ๐ผ๐๐๐ผ๐๐๐ 2026
Opisyal nang nagsimula kahapon ang Ligtas Tigdas Campaign 2026 sa Barangay San Jose!
Inaanyayahan natin ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak na ๐๐๐๐ 6 ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ 59 ๐๐ช๐ฌ๐๐ฃ sa pinakamalapit na vaccination site upang mabigyan ng proteksyon laban sa tigdas at tigdas-hangin.
Ang bakuna ay ligtas, epektibo, at libre. Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga anak para sa mas ligtas at mas malusog na kinabukasan.
๐ Barangay San Jose - Banana Court
โฑ๏ธ 8:00 AM - 11:30AM
๐
Hunyo 1โ30, 2026
๐ก๏ธ LIGTAS TIGDAS: Handa. BakunaDOH. ProtektaDOH.
01/06/2026
๐๐๐๐ง๐๐ฆ ๐ง๐๐๐๐๐ฆ ๐๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐ก 2026 ๐๐ถ
Ngayong Hunyo 1, opisyal nang magsisimula ang LIGTAS TIGDAS Campaign sa Metro Manila bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng Department of Health upang maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa Tigdas at Tigdas-hangin.
Kaya naman mga magulang, lolo't lola, tito't tita, at mga tagapag-alagaโhalina't makiisa! Dalhin ang mga batang edad 6 hanggang 59 buwan sa pinakamalapit na vaccination site o health center sa inyong lugar.
โ
Ang pagbabakuna ay nagbibigay-proteksyon laban sa pagka-ospital at pagkamatay dulot ng Tigdas at Tigdas-hangin.
๐ Libre at madaling makuha ang bakuna sa pinakamalapit na health center.
๐ค Nakaantabay ang ating mga health workers upang magbigay ng gabay at agarang tulong kung kinakailangan.
Sama-sama nating tiyakin na ligtas, malusog, at masigla ang ating mga anak. Dahil mas masaya ang kulitan, habulan, at laro kapag protektado laban sa tigdas ang bawat bata! ๐
๐ก๏ธ LIGTAS TIGDAS: Handa. BakunaDOH. ProtektaDOH.
01/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐! ๐จ๐
Isang makulay at makabuluhang paghahanda para sa panibagong taong panuruan!
Sa pangunguna ni Kap Joan Batan, SK Chairman Romark Orias, Kagawad Eson Banda at ng buong konseho ng ONEBSJ, nagkaloob ang Barangay San Jose ng mga pintura at cleaning materials para sa Filemon P. Javier Elementary School bilang suporta sa pagpapaigting ng Brigada Eskwela at paghahanda sa pagbubukas ng klase!
Kasama ang pamunuan ng paaralan sa pangunguna ni Punong-guro Elizabeth Catibug, taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot sa buong konseho ng barangay para sa patuloy na suporta at malasakit sa kapakanan ng mga mag-aaral at sa pagpapabuti ng kanilang kapaligiran sa pagkatuto.
Kayo ang ๐๐๐ sa serbisyong kayo ang ๐๐๐๐๐๐! ๐๐
31/05/2026
๐๐๐๐ฌ-๐๐จ๐จ๐ง๐ ๐๐ญ๐๐ญ๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐๐ซ๐!
Isang makulay na Pride Month para sa lahat nang parte ng LGBTQ community! katuwang ninyo ang suporta ng ๐๐๐๐๐๐ sa pangunguna ni ๐๐๐ฉ๐ข๐ญ๐๐ง๐ ๐๐จ๐๐ง ๐๐๐ญ๐๐ง at ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ!
Patuloy tayong magkakaisa sa lahat nang uri ng pagmamahal at paghuhubog ng kumunidad para sa malaya at pantay-pantay. Ipagdiriwang natin ang mahalagang pagkakataon upang ibandera ang paninindigan, pakikibaka, kalayaan, at paggalang sa ating kapwa.
30/05/2026
Para sa mga abala tuwing Lunes hanggang Biyernes, bukas rin po ang ating Barangay Hall tuwing Sabado!
๐ ๐๐๐ก๐๐๐ฎ๐ฅ๐: 9:00 ๐๐ - 4:00 ๐๐
Maaari ninyong asikasuhin ang mga sumusunod na serbisyo:
โ
๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐๐ซ๐ญ๐ข๐๐ข๐๐๐ญ๐๐ฌ
โ
๐๐จ๐ซ๐ค ๐๐๐ซ๐ฆ๐ข๐ญ๐ฌ
โ
๐๐ฎ๐ฉ๐จ๐ง ๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ฆ๐๐ฒ๐๐ฉ๐
Huwag nang ipagpaliban ang inyong mga kailangan. Bisitahin lang ang ating FB page na Barangay San Jose para sa mga anunsyo.
Sama-sama at tulong-tulong para sa mas maayos na komunidad.
29/05/2026
Maligayang Kaarawan sa ating masipag at mahusay na ๐๐ ๐พ๐๐๐๐ง๐ข๐๐ฃ, ๐๐ค๐ข๐๐ง๐ ! ๐
Nawaโy patuloy kang pagpalain ng mabuting kalusugan, tagumpay, at lakas upang maipagpatuloy ang iyong paglilingkod sa kabataan at sa ating barangay.
28/05/2026
Kasama ang ating Bantay Bayan, Street Sweepers, Canal Estero Rangers, at mga TUPAD Beneficiaries, tuloy-tuloy ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ating Barangay bilang paghahanda sa nalalapit na tag-ulan.
Nagsagawa sila ng paglilinis at pagbabaklas ng mga bara sa kanal, gayundin ng pagsasaayos sa mga lugar na madalas naiipunan ng tubig upang makatulong sa pag-iwas sa pagbaha at pagkalat ng sakit.
Ang sama-samang pagkilos at bayanihan ng bawat isa ay malaking hakbang tungo sa isang mas malinis, ligtas, at maayos na Barangay San Jose!
Maraming salamat po sa inyong patuloy na serbisyo at malasakit para sa ating Barangay.