12/05/2025
Lord, Ikaw na po ang bahala sa araw na ito. Nawa'y ipagkaloob Ninyo ang inyong patnubay at kaliwanagan sa lahat ng botante, upang sila ay makapagpasya nang may karunungan, katapatan, at malasakit para sa kapwa. Loobin Ninyo na ang kanilang pagpili ay magbunga ng mabuting pamamahala at tunay na serbisyo para sa bayan. Amen.
10/05/2025
Maligayang Araw ng mga Ina!
Sa araw na ito, binibigyang-pugay natin ang mga dakila, matatag, at mapagmahal na ilaw ng tahanan—ang ating mga ina. Hindi matatawaran ang kanilang sakripisyo, walang hanggang pagmamahal, at walang sawang pag-aaruga sa atin mula sa ating pagkabata hanggang sa kasalukuyan.
Salamat Inay, Mommy, Mama, Nanay - sa bawat yakap na nagbigay ng ginhawa, sa bawat salitang nagbigay ng pag-asa, at sa bawat sakripisyong hindi namin lubos na mauunawaan. Ang inyong pagmamahal ay hindi lamang nararamdaman—ito ay ang haligi ng aming buhay.
Sa kabila ng lahat ng pagsubok, patuloy kayong tumatayo nang matatag. Kayo ang gabay naming laging nandiyan, ang inspirasyon namin sa araw-araw. Ang inyong pagmamahal ay walang kapantay, at walang kahit anong salita ang makasasapat upang ipahayag kung gaano kayo kahalaga.
Ngayong Araw ng mga Ina, nawa’y mapuno kayo ng saya, pagmamahal, at pagpapahalaga. Nararapat lang na ipagdiwang ang inyong kadakilaan—hindi lamang ngayon, kundi sa bawat araw!
Mahal na mahal namin kayo, mga Ina!💖
09/05/2025
Ako po si Engr. Biboy Alday Ona.
Ang pamilya pong aking pinanggalingan ay subok na sa masigasig at tapat na pagtulong at paglilingkod sa ating bayan ng San Jose!
Ako po ay apo ng isang abogado at dating vice mayor Don Ikoy Ona! Apo ng dating mayor Dr. Tiyo Alday, pamangkin ng dating mayor Dr. Tony Alday! Pinsang buo po natin si Dok Gerald Alday!
Ako po ay anak ni Dr. Orvieto "Boy" Ona na naging anesthesiologist sa ating District Hospital na kadalasan po ay nagbibigay ng libreng turok at mga reseta ng gamot!
Ako po ay anak din ni Gracia Alday na nanguna sa pagbibigay halaga sa ating Inang kalikasan at nagsikap na maipakilala at maingatan ang kasaysayan ng bayan ng San Jose!
Ang akin pong paglilingkod ay mula pa sa pagiging chairman ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. 4! Gayon mang ako po ang pinakabatang SK chairman ng aming panahon, naging masikap po tayo sa ating paglilingkod sa ating mga kabataan ng San Jose! Sa pamamagitan po ng mga Liga sa Brgy na ating binuo sila po ay ating naiingatan at higit sa lahat nailalayo sa masamang bisyo!
Nagtapos po ako ng elementarya at high school sa De La Salle Lipa at nakapagtapos po tayo ng kursong Civil Engineering sa Unibersidad ng Santo Tomas. Habang nasa UST po tayo, naging presidente po tayo ng Civil Engineering Students sa buong Lungsod ng Maynila kabilang po jan ang mga kilalang universidad. (UST, Mapua, PUP, DLSU, Adamson, EARIST, PLM, TIP, TUP, FEU, NU, UE, MLQU, FEATI).
Pagkatapos po natin sa kolehiyo, ako po ay nagtrabaho bilang structural engineer sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila.
Ang atin pong kasanayan sa pagiging Civil Engineer ang iaambag natin sa konseho ng ating bayan!
Mga kababayan, kitang-kita po natin na ang atin pong bayan ng San Jose ay sa paunlad na!
Pansin po natin ang namumuong traffic sa ating bayan dahil sa pagdami ng mga bumibisita dala ng paglakas ng turismo sa bayan ng San Jose!
Kaya po bilang inyong Civil Engineer, kasama po ng ating planning at engineering department ng ating munisipyo pagaaralan po natin at pagtutulungan ang paglalagay ng mga access roads at mga tulay na magdudugtong sa magkakahiwalay na brgy.
Sa pamamagitan po nito hindi lamang turismo ang mapapalakas natin mapapataas din po natin ang presyo ng lupa na madadaanan, papasok ang mga investors, dadami ang mga negosyo, at dadami rin ang mabibigyan ng trabaho sa ating bayan! Yan po ay magagawa natin!
Sa darating pong halalan, pagtulungan po natin. Iboto ang susunond na Mayor Vanessa Patron, Vice Ben Patron at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist.
Sa kanila pong mga connection ay mapopondohan ang mga proyektong ito. Isa po iyan sa ating tututukan. Ako po ay inyong pagkakatiwalaan! at asahan nyo po, tulad ng pamilyang aking pinanggalingan ang masikap at tapat na paglilingkod sa ating bayan ng San Jose!
Sa darating po na election, tatandaan! Engr. Biboy Alday Ona! Ang ONAng uunahin sa balota. Number 21, binatang binata ang numero. Ang masigasig na inhinyero ng konseho!
Tunay na dugong San Joseño para sa inyo!
Muli po, Numero bente uno! Engr. Biboy Alday Ona.
Maaasahan nyo Aldey Onayt! Maraming salamat po! NYT NYT! 🙏
08/05/2025
Maraming salamat po sa inyong lahat! Regalo nyo na po sakin ang boto nyo... 😘
07/05/2025
Apat na araw na lang bago ang halalan—isang mahalagang sandali kung saan tayo, bilang mamamayan, ay may kapangyarihang pumili ng lider na tunay na may malasakit sa bayan. Ang ating boto ay hindi lamang isang simpleng papel na inilalagay sa balota—ito ay isang desisyon na may direktang epekto sa kinabukasan ng ating komunidad, sa kalidad ng ating pamumuhay, at sa direksyon ng ating bansa.
Ngayong kaarawan ko, ang tanging dasal ko ay mabigyan ng pagkakataon na mas makatulong sa nakararami. Isang pangarap na hindi lamang para sa sarili, kundi para sa bayan kung saan ako ipinanganak at naninirahan. Ang hangarin ko ay maibahagi ang aking kaalaman at kakayahan upang makapaghatid ng tunay na progreso—isang kaunlarang hindi pansamantala, kundi pangmatagalan. Ang aking adhikain ay hindi lamang para sa kasalukuyan, kundi para sa mas magandang kinabukasan ng bawat mamamayan.
Sa darating na halalan, Numero 21 Engr. Biboy Ona ang maaaring maging daan tungo sa mas maunlad na kinabukasan.
07/05/2025
Limang araw na lang pipili na tayo ng tamang kandidato, mahalagang isaalang-alang ang kanyang kakayahan, integridad, at konkretong plano para sa progreso. Ang isang lider na may tunay na malasakit ay hindi lamang nangangako, kundi may malinaw na aksyon upang maisakatuparan ang kaunlaran. Ang ating boto ay dapat ibigay sa isang taong may kakayahang magdala ng positibong pagbabago—isang lider na hindi lamang magpapabuti sa kasalukuyan kundi magbibigay ng mas maliwanag na hinaharap para sa ating mga anak.
Kung ang ating hangarin ay progreso, kaunlaran, at magandang kinabukasan, mahalagang piliin ang isang kandidato na may kakayahang magpatupad ng mga konkretong programa para sa ikauunlad ng bayan. Sa darating na halalan Numero 21 Engr. Biboy Ona ang maaaring maging daan tungo sa mas maunlad na kinabukasan.
06/05/2025
Anim na araw na lang bago ang botohan. Suportahan po natin ang mg kandidato na may magagawa sa ating bayan. Isipin po natin ang kinabukasan ng ating mga anak at ikakaunlad ng ating bayan.
Bumoto nang may alam! Kilalanin ang mga kandidatong may kakayahang magdala ng progreso.
Numero 21 Engr. Biboy Ona—isang lider na handang maghatid ng pag unlad sa ating bayan!