02/06/2026
📍Isinagawa nitong Lunes June 1, 2026 ang ika-22 Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan sa Salvador H. Laurel Session Hall, Apolinario M. Mabini Legislative Building, Provincial Capitol Compound, Batangas City.
Kabilang sa mga tinalakay na Committee Report sa ilalim ng Committee in Ways and Means na pinangunahan ng inyong lingkod na si Bokala/Konsehala Kaye Briones ay ang:
📌 MUNICIPAL ORDINANCE NO. 794 SERIES OF 2026 OF THE MUNICIPALITY OF MATAASNAKAHOY, BATANGAS.
Patuloy nating isinusulong ang mga panukala at ordinansang makatutulong sa mas maayos na pamamahala at higit na kaunlaran ng ating mga lokal na pamahalaan para sa kapakanan ng bawat Batangueño. 🩷💚
27/05/2026
Eid al-Adha Mubarak! 🌙✨
Maligayang pagdiriwang ng Eid al-Adha sa ating mga kapatid na Muslim.
Nawa’y pagpalain tayo ng kapayapaan at kasaganaan.
26/05/2026
📍 Isinagawa nitong Lunes, May 25, ang ika-21st Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan sa Salvador H. Laurel Session Hall, Apolinario M. Mabini Legislative Building, Provincial Capitol Compound, Batangas City.
Kabilang sa mga tinalakay na Committee Report sa ilalim ng Committee on Ways and Means na pinangunahan ng inyong lingkod na si Bokala/Konsehala Kaye Briones ay ang:
📄 Resolution No. 2026-032/Ordinance No. 084 of the Municipality of Tuy, Batangas.
Patuloy nating pagtutulungan ang mga programang magdadala ng mas maayos na serbisyo at kaunlaran para sa bawat Batangueño.🩷💚
26/05/2026
📍 Isinagawa nitong Lunes, May 18 ang ika-20th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan sa Salvador H. Laurel Session Hall, Apolinario Mabini Legislative Building, Provincial Capitol Compound, Batangas City. 🏛️🇵🇭
Kasunod naman nito ay ang Committee Hearing ng Committee on Ways and Means na pinangunahan ng inyong lingkod na si Bokala/Konsehala Kaye Briones. 💼✨
Dito ay masusing tinalakay at pinag-usapan ang:
📌 Resolution No. 2026-03-225 / Ordinance No. 15 Series of 2026 of the Municipality of San Pascual, Batangas.
📌 Resolution No. 2026-032 / Ordinance No. 084 of the Municipality of Tuy, Batangas.
Patuloy po nating isinusulong ang maayos, tapat, at makabuluhang serbisyo publiko para sa bawat Batangueño.🩷💚
20/05/2026
Matagumpay na isinagawa nitong Huwebes, Mayo 14, 2026 ang Monthly Meeting ng Philippine Councilors League – Batangas Chapter sa Bugaan West, Laurel Batangas.
Pinangunahan ng inyong lingkod, Bokala/Konsehala Kaye Briones bilang PCL President, kasama ang mga kapwa opisyal, sa patuloy na pagsusulong ng maayos, nagkakaisa, at mas progresibong pamamahala para sa lalawigan ng Batangas.
Patuloy po tayong magtulungan para sa mas epektibong serbisyo publiko at kapakanan ng bawat Batangueño.🩷💚