MAIBA NAMAN Movement

Website

MAIBA NAMAN Movement Ang social media page na ito ay katuwang ng pamahalaang Maiba Naman sa pagpapatupad ng maayos at malinis na pamahalaan.

Ang lahat po ay malayang makapagpahayag ng kanilang saloobin, makapagbigay ng puna at suhestyon para sa kagalingan ng lahat.

PANGAMBA NG ISANG MAGULANGIsa sa mga sektor na nangangailangan pa ng mas malalim na pag-aaral at pangmatagalang suporta ...
23/09/2026

PANGAMBA NG ISANG MAGULANG

Isa sa mga sektor na nangangailangan pa ng mas malalim na pag-aaral at pangmatagalang suporta ay ang ating mga Persons with Disabilities (PWDs).

May mga benepisyo na para sa kanila, pero sapat ba ang mga ito para sa kanilang kinabukasan?

May mga paaralan, ngunit kulang pa ang mga pasilidad at espasyong angkop sa kanilang pangangailangan. May mga serbisyong medikal, ngunit marami pa ring pamilya ang nahihirapang tustusan ang occupational at speech therapy.

At higit sa lahat, may isang tanong na madalas kinatatakutan ng isang magulang:

“Paano na ang anak ko kapag wala na ako?”

Ito ang isa sa mga pangmatagalang usaping tinutugunan sa ilalim ng TEK–Kalusugan Program ng pamahalaang lungsod sa ilalim ni Mayor Najie Gapangada.

Kung magpapatuloy ang kanyang panunungkulan, kabilang sa mga nakahandang hakbang ang Occupational Therapy Clinic. Natapos na ang Physical Therapy Clinic, at malapit na ring mabuksan ang ICU (Intensive Care Unit).

Ngunit hindi lamang gamutan ang dapat pagtuunan.

Pinag-aaralan din ang PWD Work Integration Program para sa mga taong may autism at iba pang challenging behaviors, kasama ang kanilang full-time carers—na kadalasan ay kanilang mga magulang.

Layunin nitong magkaroon sila ng makabuluhang gawain at oportunidad na kumita, ayon sa kanilang kakayahan.

Isa sa mga maaaring pagkunan ng kabuhayan ay ang paggawa ng artworks at souvenir items na maaaring iugnay sa turismo ng San Pablo. Maaari ring pag-aralan ang high-value crops bilang alternatibong livelihood.

At mula rito, maaaring mabuo ang mas malaking pangarap:

INDEPENDENT LIVING FACILITIES—isang lugar kung saan maaaring manirahan, matuto, magsanay at unti-unting maging mas independent ang ating mga PWD, habang patuloy pa rin ang suporta ng kanilang pamilya at komunidad.

Dito natin makikita kung bakit mahalaga ang Agro-Industrial Park.

Mas maraming negosyo → mas maraming trabaho → mas maraming kita → mas malaking kakayahan ng pamahalaan na pondohan ang mga programang tunay na makabuluhan sa buhay ng mga tao.

Dahil ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa mga gusali at imprastraktura.

Nasusukat ito sa kung paano natin inihahanda ang kinabukasan ng mga taong nangangailangan ng ating suporta.

Para sa bawat magulang na may pangambang:

“Sino ang aalaga sa anak ko kapag wala na ako?”

Ang sagot ay dapat hindi lamang manggaling sa pamilya.

Dapat kasama ang buong komunidad.
fans









BATIKOS AT ANG MGA TROLLSMinsan ay tinatanong ang inyong lingkod kung naaapektuhan ba tayo ng mga batikos mula sa mga tr...
21/09/2026

BATIKOS AT ANG MGA TROLLS

Minsan ay tinatanong ang inyong lingkod kung naaapektuhan ba tayo ng mga batikos mula sa mga trolls.

Bago natin pag-usapan ang isyung ito, alamin muna natin kung ano ang ibig sabihin ng salitang trolls.

Ang trolls ay mga taong gumagamit ng social media upang magpasiklab ng galit, mang-insulto o magpakalat ng provokasyon para guluhin ang isang tao o grupo. May ilan ding maaaring kumilos dahil sa pansariling interes o bayad na kampanya.

Ito ang dahilan kung bakit hindi natin sila binibigyan ng labis na pansin. Ang layunin ng ganitong mga gawain ay madalas na galitin ang target upang magkaroon ng pakinabang ang mga nasa likod nito.

Pero epektibo ba ito?

Kung ang layunin ay maibalik ang tiwala ng mamamayan sa mga dating tinanggihan sa pamamagitan ng paninira at mga kasong ginagamit sa pulitika, maaaring maging malaking pagkakamali ang ganitong pamamaraan.

Sa panahong mas mapanuri at mas gising na ang taumbayan, hindi sapat ang paninira upang mabawi ang tiwala. Ang tiwala ay pinatutunayan sa pamamagitan ng katotohanan, maayos na paglilingkod at pananagutan.

Dahil sa huli, ang mamamayan pa rin ang nagpapasya.

Samantala, sa kabila ng mga kasinungalingan na ipinakakalat ng mga taong nagtatago sa huwad na pangalan, walang nasasayang na oras sa ama ng lungsod. Patuloy ang pagtatrabaho para hindi masayang ang mga naumpisahan.

Mas maraming mamumuhunan ang nagbigay ng positibong senyales ng pagtatayo ng negosyo sa ilalim ng pamamalakad ng tunay na halal ng bayan.

fans

🏥 MAY GUSALI. BAKIT HINDI PA OSPITAL?Marami ang nagtatanong tungkol sa ospital sa Malamig.Ang sagot: May gusali, pero hi...
21/09/2026

🏥 MAY GUSALI. BAKIT HINDI PA OSPITAL?

Marami ang nagtatanong tungkol sa ospital sa Malamig.

Ang sagot: May gusali, pero hindi pa ibig sabihin na maaari na itong gamiting ospital.

Nang maupo si Mayor Najie, naroon na ang gusali. Pero nang suriin ito, nakita na may mga bahagi ng disenyo at specifications na kailangang iayon sa standards ng DOH.

At hindi hinintay ng administrasyon na lumala ang problema.

Unang buwan pa lang ng panunungkulan ni Mayor Najie, nakipagpulong na siya sa DOH officials para alamin kung ano ang kailangang ayusin at kung paano ito magagamit sa lalong madaling panahon.

Oo, malaki ang maaaring gastusin.

Pero mas mahalagang malaman muna kung ano talaga ang kailangang gawin kaysa gumastos nang paulit-ulit at saka malalaman na may iba pang kailangang baguhin.

Dahil ospital ito.

Hindi puwedeng “pwede na.”

Dapat ligtas. Dapat compliant. Dapat handang tumanggap ng pasyente.

Kaya ang goal ay hindi lang buksan ang gusali.

Ang goal ay gawing tunay na gumaganang ospital.

May gusali na. Ngayon, kailangang tiyaking handa itong maglingkod.

🏥 PRAYORIDAD ANG KALUSUGAN.

Kung mahalaga sa atin ang kalusugan ng mga San Pableno, ibahagi natin ang buong kuwento.
fans

PRAYORIDAD ANG KALUSUGAN, SERBISYO PARA SA BAWAT SAN PABLEÑO!Nasa tamang direksyon po ang ating pamahalaan. Sa unang ta...
19/09/2026

PRAYORIDAD ANG KALUSUGAN, SERBISYO PARA SA BAWAT SAN PABLEÑO!

Nasa tamang direksyon po ang ating pamahalaan. Sa unang taon ng administrasyon ni Mayor Najie Gapangada, unti-unti nating tinutugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan sa ilalim ng TEK PROGRAMS — Trabaho, Edukasyon, at Kalusugan.

May mga programang nasimulan na. Mayroon ding nangangailangan ng panahon, proseso, at tamang paghahanda. Ngunit ang mahalaga, may malinaw na direksyon at nakahandang mga prayoridad.

: Dagdag na Silid-Aralan

Bago natin hinarap ang pansamantalang suspensyon, dalawang gusali ng paaralan ang nakatakdang itayo. Bahagi ito ng 368 classrooms na ipinangako ng DepEd sa ating lungsod.

: Oportunidad Para sa mga Kababayan

Ang Agro-Industrial Park ay isang pangmatagalang proyekto na nangangailangan ng masusing pagpaplano at proseso. Hindi man ito agad maitatayo, patuloy nating hinahanap ang mga oportunidad sa trabaho.

Isa na rito ang pagpasok ng DALI, na inaasahang magbibigay ng halos 1,000 trabaho sa ating lungsod.

: Serbisyong Mas Malapit sa Mamamayan

Marami na tayong naidagdag na serbisyo sa San Pablo City General Hospital:

✅ Mga karagdagang operasyon

✅ Pagbubukas ng Physical Therapy Unit

✅ Paghahanda sa pagsisimula ng Intensive Care Unit (ICU)

Samantala, ang ospital na hindi pa nagagamit ay nasa proseso na rin ng pagsasaayos, kasunod ng mga disenyong kailangang baguhin ayon sa mga puna at pagtutol ng DOH.

ANG DIREKSYON: ISANG MODERNONG OSPITAL PARA SA SAN PABLO

Sa pamumuno ni Mayor Najie Gapangada, layunin ng lokal na pamahalaan ang isang modernong ospital na may:

* Mas malaking bed capacity
* Mas maraming major operations
* Occupational Therapy services

* Zero Billing Policy para sa mga lehitimong taga-San Pablo, alinsunod sa naaangkop na patakaran at kakayahan ng ospital

Hindi lahat ng prayoridad ay agad na nakikita. Ang ilan ay nasa proseso pa lamang ng paghahanda, pag-aayos, at pagpapatupad.

Ang mahalaga, ang kalusugan, edukasyon, at trabaho ay nananatiling bahagi ng direksyong tinatahak ng ating pamahalaan.

TEK PROGRAMS: Trabaho. Edukasyon. Kalusugan.

Para sa mas maayos na serbisyo. Para sa mas magandang kinabukasan. Para sa bawat San Pableño.


fans

NAKATUON ANG ATING ISIPAN SA DIREKSYON NG KAUNLARAN AT PAGBABAGOMarami pong nagpapadala ng mga mensahe bilang suporta sa...
18/09/2026

NAKATUON ANG ATING ISIPAN SA DIREKSYON NG KAUNLARAN AT PAGBABAGO

Marami pong nagpapadala ng mga mensahe bilang suporta sa ating administrasyon. Maraming salamat po sa inyong lahat.

Ang tiwalang ipinagkakaloob ninyo ay hindi po para sa akin. Ito po ay para sa ating lungsod at sa kinabukasan ng ating mga kababayan.

Hindi rin po maiiwasan ang mga mensahe ng pag-aalala dahil sa mga batikos na ating tinatanggap sa social media. Huwag po kayong mag-alala. Kagaya ng laging sinasabi, kapag maingay, madalas ay walang laman.

Ang mga paghuhusga na walang sapat na batayan ay may panahon at tamang lugar para maresolba. Naniniwala tayo na mas mahalaga ang tamang direksyon kaysa sa pakikipagtalo sa mga taong nagtatago dahil alam nilang ang dala nila ay kasinungalingan.

Sa huli, ang mga kababayan natin ang magpapasya.

Patuloy po ang inyong halal na alkalde sa pakikipag-ugnayan sa mga taong sumusuporta sa kanyang magagandang balakin para sa ating lungsod. Nakahanda na ang lahat at uumpisahan sa lalong madaling panahon sa kanyang pagbabalik.

Bakit siya ang hinihintay ng mga mamumuhunan? Dahil sa TIWALA. Hindi maglalagak ng bilyong pisong puhunan ang mga mamumuhunan kung wala silang tiwala sa namumuno.

Para sa atin, sapat na itong patunay na ang mga alegasyon laban sa ating administrasyon ay hindi dapat maging dahilan upang ihinto ang mga oportunidad na naghihintay para sa San Pablo.

Mananahimik tayo sa mga pukol na kasinungalingan dahil ayaw na ng mga San Pablenyo ang ingay at awayan. Ang hangad ng lahat ay katinuan, kapayapaan, at malinis na pamahalaan.

Para sa BAYAN. Kapit lang.
fans



MARAMING TRABAHONG NAGHIHINTAY SA MAY KASANAYAN! Hindi lang lupa at mga pabrika ang paghahanda para sa City Agro-Industr...
18/09/2026

MARAMING TRABAHONG NAGHIHINTAY SA MAY KASANAYAN!

Hindi lang lupa at mga pabrika ang paghahanda para sa City Agro-Industrial Park ni Mayor Najie. Kasama rito ang paghahanda ng mga San Pablenong may tamang skills para sa mga trabahong darating!

📌 Naisumite na ng lungsod ang proposal sa PEZA, na tutulong sa paghahanap ng mga locators at industriya. Nagpahayag din ng interes ang Franklin Baker para sa operasyon na nangangailangan ng humigit-kumulang 20 hectares.

Mula food processing, quality control, machine operation, maintenance, cold chain, hanggang industrial technology—libo-libong oportunidad ang maaaring mabuksan.

Ang layunin? Hindi na kailangang lumayo ng mga San Pableno para maghanap ng trabaho. Ihahanda natin ang ating workforce upang maging handa ang lungsod sa industriya.

> “Trabaho ang kailangan ng San Pablo. Hindi ayudang pansamantala.” — Mayor Najie

🌾 Trabaho. Kasanayan. Kaunlaran. Bagong San Pablo!


fans

THE WAY MAYOR NAJIE WORKS-Simpleng tao si MayorHindi laging nasusukat ang work ethic sa malalaking proyekto, grand speec...
17/09/2026

THE WAY MAYOR NAJIE WORKS-Simpleng tao si Mayor

Hindi laging nasusukat ang work ethic sa malalaking proyekto, grand speeches, o photo ops. Minsan, makikita ito sa simpleng habits araw-araw.

⏰ Maaga pumasok. Madalas lampas alas-singko umuwi.

📱 Full attention sa meeting. Hindi basta scroll sa cellphone habang may talakayan.

👂 Marunong makinig. Nagbibigay ng inputs, nagtatanong, at nakikilahok.

🤝 Iginagalang ang lahat. Supporter man o hindi, lahat ay empleyado ng lungsod na may responsibilidad.

🍱 Simple sa buhay. Sariling baon, ordinaryong pagkain, at pakikisalo sa mga empleyado.

Bago naging negosyante at pulitiko, naging construction worker at driver si Mayor Najie. Marahil dito nagmula ang kanyang praktikal na pananaw:

Pumasok sa oras. Gawin ang trabaho. Tapusin ang kailangang tapusin.

Dahil ang tunay na work ethic ay hindi lang nakikita sa posisyon at titulo, kundi sa mga simpleng gawain na ginagawa araw-araw.

Leadership is not always about being above others. Sometimes, it is about working alongside them. 💙
Yan si Mayor!
fans

🏆 NAGBUBUNGA ANG ITINANIM! 🌴✨Ang sipag, malasakit, at tamang direksyon—may bunga!Kasama sa mga programang pangkabuhayan ...
17/09/2026

🏆 NAGBUBUNGA ANG ITINANIM! 🌴✨

Ang sipag, malasakit, at tamang direksyon—may bunga!

Kasama sa mga programang pangkabuhayan ng ating lungsod ang pagpapaunlad at pagpapayabong ng industriya ng turismo. Sa maikling panahon, unti-unting naiaayos at naitataguyod ang turismo ng San Pablo sa pangunguna ni Ms. An Alcantara ng Department of Tourism.

Hindi maipagkakaila ang saya at ganda na hatid ng Coco Festival, na naging isang makabuluhang pagdiriwang para sa buong pamilya. Gayundin, ang ginanap na Foundation Month noong Mayo, na pinangalanang "YAKAP LAWA," ay dinaluhan ng libo-libong tao—patunay na may pag-asa ang turismo sa San Pablo!

At ngayon, nagbubunga na ang mga itinanim na programa at inobasyon.

Napansin ang San Pablo City at kinilala ang mga pagsisikap nito sa pagpapaunlad ng turismo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng:

🏆 DIRECTOR’S CHOICE AWARD mula sa Department of Tourism – Region IV-A (CALABARZON)

Ipinagkaloob ang parangal bilang pagkilala sa kahusayan, inobasyon, at patuloy na suporta sa mga programa at inisyatiba ng DOT-Calabarzon.

"Your remarkable dedication and inspiring efforts continue to elevate the region's tourism industry and serve as a model of excellence for others."

Ang parangal na ito ay hindi lamang pagkilala sa isang tao, kundi bunga ng sama-samang pagsisikap na iangat ang turismo, kabuhayan, at kinabukasan ng San Pablo City.

Mula sa mga itinanim na pangarap, sa mga programang isinakatuparan, hanggang sa pagkilalang natanggap—patuloy nating patunayan na:

WALANG IMPOSIBLE KAPAG MAY TAMANG DIREKSYON, MATATAG NA PAMAMALAKAD, AT SERBISYONG MAY PUSO!

🌴 Nagbubunga ang itinanim. Umaangat ang San Pablo!

CONGRATULATIONS, Ms. An Mercado Alcantara and the City of San Pablo!


fans

HINDI ITO PANGARAP. ITO AY MAY DIREKSYON.Sa mga programang inilatag ng Punong Lungsod Mayor Najie Gapangada, tila para s...
16/09/2026

HINDI ITO PANGARAP. ITO AY MAY DIREKSYON.

Sa mga programang inilatag ng Punong Lungsod Mayor Najie Gapangada, tila para sa ilan ay puro pangarap at imposibleng maisakatuparan.

May mga pagtutol na hindi man lamang dumaan sa masusing pag-aaral—at kung minsan, nagmumula sa takot, pagdududa, o kawalan ng tiwala na kaya nating baguhin ang nakasanayan.

Pero walang imposible kapag may tamang direksyon, maayos na pagpaplano at wastong pamamalakad.

Hindi pangarap ang mga proyektong pinaghandaan at pinag-aralan. May plano. May timeline. May mga susunod na hakbang.

Agro-Industrial Park? May mga mamumuhunang nakahanda.

Multi-Level Parking? May mga posibleng magpopondo.

Paliparan o Community Airport? Maaaring maging bahagi ng susunod na yugto habang umuunlad ang mga negosyo at industriya.

Modernong paaralan at Skills Training Center? Kasama sa programang magbubukas ng mas maraming oportunidad.

At marami pang proyekto ang maaaring umusbong sa ilalim ng T.E.K. — Trabaho, Edukasyon, Kalusugan.

Ang kailangan ay pagkakaisa, pasensya at pagkakataong maisakatuparan ang mga planong inilatag.

Hindi makatutulong ang patuloy na paghila pababa kung ang layunin ay dapat nating isipin ay ang kinabukasan ng buong lungsod.

Dahil ang mga programang ito ay hindi lamang tungkol sa mga gusali o proyekto.

Sagot ito sa kawalan ng trabaho.

Sagot ito sa mga gumigising nang madaling-araw at umuuwi nang gabi dahil kailangang magtrabaho sa ibang bayan.

Sagot ito sa kakulangan ng pasilidad at serbisyo para sa ating mga may sakit.

Sagot ito sa mga kabataang hindi makapag-aral dahil sa kahirapan.

Sagot ito sa mga suliraning matagal nang kinakaharap ng ating lungsod.

Para ito sa ating mga anak.
Para sa susunod na henerasyon.
Para sa bawat pamilyang nangangarap ng mas magandang buhay.

Hindi lamang para sa ngayon.

PARA ITO SA KINABUKASAN.

PARA ITO SA LAHAT.
PARA ITO SA BAYAN.
fans

14/09/2026

HANDA TAYONG MAGTIIS

Minsan lang tayo dadaan sa mundong ito. Kaya piliin nating mag-iwan ng kabutihan at mas magandang kinabukasan para sa susunod na henerasyon.

Ang bawat sakripisyo ay kayang tiisin kung ang kapalit nito ay mas maayos na buhay para sa ating mga kababayan.

Hindi ito para sa sarili, kundi para sa mga taong umaasa, sa mga pamilyang nais mabuhay nang marangal, at sa mga kabataang karapat-dapat sa magandang kinabukasan.

Piliin nating mag-iwan ng pamana sa buhay ng mga taong ating napagsilbihan.

PARA SA BAYAN. 🇵🇭

https://www.facebook.com/share/v/1BYBS6kMRi/
fans

Address

Medex, Calihan
San Pablo City
4000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MAIBA NAMAN Movement posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share