Barangay Pacita 2 - San Pedro City

Barangay Pacita 2 - San Pedro City

Share

Sangguniang Barangay ng Pacita 2

Photos from Barangay Pacita 2 - San Pedro City's post 02/06/2026

Maraming salamat po DILG Laguna at DILG San Pedro sa pagkataon ninyong ibinigay para maging bahagi ng LGC RevAmp (Local Government Code Review & Amendment Program), hangad po ang tunay na paglilingkod at asenso ng bawat Barangay.



Photos from Barangay Pacita 2 - San Pedro City's post 02/06/2026

π™‡π™„π™‚π™π˜Όπ™Ž π™π™„π™‚π˜Ώπ˜Όπ™Ž: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) πŸ’‰

Inaanyayahan po namin ang lahat ng magulang at guardian na pabakunahan ang inyong mga anak na 6-59 months laban sa Tigdas at Rubella (Tigdas Hangin) sa pamamagitan ng MR-SIA Vaccination. Ito po ay bahagi ng nationwide immunization campaign ng Department of Health.

Ang pagbabakuna ay mahalagang proteksyon laban sa malubhang sakit, pagkaka-ospital, at iba pang komplikasyong dulot ng tigdas at rubella. Ito po ay magsisimula ngayong June 2026 at ang ating Barangay Health Workers po ay mag iikot-ikot bawat subdivision upang magbigay ng Immunization. Maaari rin po kayong magtungo sa ating Health Center para sa booster.

Nasa ibabang larawan ang schedule ng mga subdivision.





01/06/2026

ππ‘π„π’πˆπƒπ„ππ“πˆπ€π‹ π’π‚π‡πŽπ‹π€π‘π’π‡πˆπ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πˆππ‚πŽπŒπˆππ† πŸ’π“π‡ π˜π„π€π‘ π‚πŽπ‹π‹π„π†π„ 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π“π€πŽππ† πŸπŸŽπŸπŸ”-πŸπŸŽπŸπŸ•

Nais po naming ipabatid na magkakaroon po tayo ng Limang (5) slots para maging bahagi ng programang Bagong Pilipinas Presidential Scholarship.

Narito po ang mga requirements na kailangang ipasa simula bukas June 02 (Martes) hanggang June 04 (Huwebes) mula 08:00AM-04:30PM sa Admin Office:

πŸ“Œ Residente ng Barangay Pacita 2

πŸ“Œ Incoming 4th year student

πŸ“Œ Registration Form para sa taong 2026-2027

πŸ“Œ Photocopy ng Valid ID na may recent address

❗️❗️❗️PARA SA CRITERIA AY PAKIBASA PONG MAIGI ANG NASA LARAWAN SA IBABA NG POST NA ITO.





29/05/2026

πŸ“’ BRIGADA ESKWELA 2026 πŸ“’

β€œTara na, Magbrigada Na!”
June 1–5, 2026

Inaanyayahan po namin ang lahat ng magulang, mag-aaral, g**o, alumni, at mga miyembro ng komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela 2026. Sama-sama nating ihanda ang ating paaralan para sa ligtas, malinis, at maayos na pagbubukas ng klase.

Ang inyong oras, talento, at simpleng pagtulong ay malaking ambag para sa mas magandang kinabukasan ng ating mga kabataan.

🧹 Maglinis
πŸ”¨ Mag-ayos
🎨 Magpintura
🀝 Magkaisa

Bawat tulong ay mahalaga. Makiisa at makibahagi para sa tagumpay ng ating paaralan!



28/05/2026

Congratulations, Brgy. Pacita 2 Zumba ladies for winning 1st Runner- Up and Best in costume @ Congresswoman's Night: ZumbayANN πŸŽ‰πŸŽ‰

Barangay Pacita 2 is proud of you!



Photos 26/05/2026

Mga Ka-Barangay! atin pong suportahan ang ating mga zumba ladies sa darating na Huwebes May 28, 2026 para sa Congresswoman's Night: Grand ZumbayANN πŸ’ƒ i-LIKE (πŸ‘) lamang po ang mismong larawan na nasa post mismo ni Congresswoman Ann Matibag

Maraming salamat po!



26/05/2026

πŸ“’ ANUNSYO:

Kanselado po ang BABY IMMUNIZATION bukas May 27, 2026 (Miyerkules) sa kadahilanang HOLIDAY (Eid'l Adha).

Magre-resume po ang Immunization sa susunod na Miyerkules June 03, 2026.



26/05/2026

ANNOUNCEMENT | Pursuant to Proclamation No. 1264, s. 2026, issued by the Office Office of the President, 27th of May 2026 (Wednesday), is declared a Regular Holiday throughout the country in observance of Eid’l Adha (Feast of Sacrifice), honoring our Muslim brothers and sisters.

May this sacred occasion bring peace, unity, gratitude, and abundant blessings to all as we celebrate the values of faith, sacrifice, and compassion.


25/05/2026

πŸ“’ LIBRENG GENERAL CHECK-UP PARA SA MGA RESIDENT NG ATING BARANGAY PACITA 2

Sa patuloy na programang pangkalusugan ng ating Barangay magkakaroon po ulit ng Libreng Check-up (Doc Wong) bukas, May 26, 2026 na magsisimula ng ala 01:00 hanggang alas 04:00 ng hapon.

πŸ“Œ Magdala lamang po ng Valid ID na may recent address.
πŸ“Œ Para sa mga kukuha ng Laboratory Vouchers o gamot na may maintenance ay kinakailangan na meron pong Valid Barangay ID.

Photos from Barangay Pacita 2 - San Pedro City's post 21/05/2026

Mula po sa pamunuan ng Barangay Pacita 2 ay binabati namin ng Maligayang Kaarawan ang ating butihing Mayor Art Mercado πŸ’š

Hiling namin para sayo ang isang malakas na pangangatawan, masaya at mahabang buhay para sa patuloy na paglilingkod sa iyong nasasakupan.




Want your business to be the top-listed Government Service in San Pedro?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Kiwi Street Phase 1 Pacita 2
San Pedro
4023