01/05/2025
Magkaiba ang PAGSASABI NG TOTOO sa PANINIRA.
Sa panahon ng kampanya, natural na mas mapanuri ang mga tao. Ngunit paalala lang po: hindi paninira ang pagbabahagi ng katotohanan β lalo na kung may batayan.
Ang Team NEAT ay naninindigan sa malinis at tamang pamamahala, hindi kami gumagawa ng kwento para manira, dahil hindi namin kailangang sirain ang iba para umangat. Ang totoo, wala naman kaming sinisiraan. Kung ikaw ay tinatamaan, baka hindi dahil sa paninira, kundi dahil sa katotohanang ayaw mong marinig.
Kaya tigilan na po ang drama at pagpapa-awa. Ang lungsod ng San Pedro ay karapat-dapat sa mga lider na totoo, malinaw ang hangarin, at may paninindigan.
Hindi lahat ng paglalantad ay pag-atake. Minsan, ito ay pagkilos para sa mas maayos na kinabukasan.
Malaya. Makatao. Marangal.
01/05/2025
Kasama natin sa ginanap na house-to-house campaign ang ating kaibigan na si Pauleen Luna, na buong puso ang suporta sa ating adbokasiya para sa malinis at tamang pamamahala.
Ang kanyang presensya ay patunay na maraming naniniwala sa ating layunin, isang gobyernong Malaya, Makatao, at Marangal para sa buong San Pedro!
Lubos din kaming nagpapasalamat kay Kapitan Gary Remoquillo sa kanyang bukas-palad na pagtanggap at suporta. Salamat po, Kap, sa pagtitiwala at pakikiisa sa ating hangaring makapaglingkod ng tapat at may malasakit.
Kasama sa bawat pagkatok at pakikipagkamay ang pangakong hindi kayo bibiguin ng mga lingkod-bayang tunay na para sa tao:
π 1. ALMORO, CARLO β for Board Member
π§‘ 1. ALMORO, NIΓA β for Vice Mayor
π 4. ALVIAR, EGROY β for City Councilor
π 3. AMBAYEC, ELOY β for City Councilor
π 24. TAYAO, ANA β for City Councilor
Maraming salamat, Barangay Landayan, sa masiglang pagtanggap at inspirasyong ibinigay ninyo sa amin! Sama-sama nating isulong ang isang San Pedro na tapat, maayos, at may malasakit. β€οΈ
22/04/2025
Bumalik ang Team Neat sa Brgy. Laram kahapon para ituloy ang naudlot naming pagbisita, at gaya ng dati, mainit pa rin ang inyong pagtanggap.
Maraming salamat sa bawat pamilyang muling nagbukas ng kanilang tahanan at puso para sa aming adhikain. Ang ugnayang nabubuo sa bawat pagbisita ay patunay na buhay na buhay ang diwa ng Serbisyong Marangal sa ating komunidad.
Kasama ninyo ang mga lingkod-bayang tunay na Malaya, Makatao, at Marangal:
π 1. ALMORO, CARLO β para sa Board Member
π§‘ 1. ALMORO, NIΓA β para sa Vice Mayor
π 4. ALVIAR, EGROY β para sa City Councilor
π 3. AMBAYEC, ELOY β para sa City Councilor
π 24. TAYAO, ANA β para sa City Councilor
Tuloy-tuloy lang ang ating pagkilos para sa mas maayos, mas tapat, at mas makataong pamamahala sa lungsod ng San Pedro.
Maraming salamat, Brgy. Laram! Hanggang sa muli!
22/04/2025
TEAM NEAT sa Barangay Nueva!
Isang mainit at taos-pusong pasasalamat sa lahat ng taga-Barangay Nueva na bukas-palad na tumanggap at sumuporta sa aming House-to-House Campaign!
Kasama ng TEAM NEAT ang ating mga lingkod-bayan na tunay na Malaya, Makatao, at Marangal:
π #1 ALMORO, CARLO β para sa Board Member
π§‘ #1. ALMORO, NIΓA β para sa Vice Mayor
π #4. ALVIAR, EGROY β para sa City Councilor
π #3. AMBAYEC, ELOY β para sa City Councilor
π #24. TAYAO, ANA β para sa City Councilor
Dahil sa inyong suporta, lalong tumitibay ang paniniwala naming posible ang isang gobyernong tapat at tunay na naglilingkod para sa bayan. Sama-sama nating isulong ang isang malinis at tamang pamamahala!