Anakbayan San Pedro City

Anakbayan San Pedro City Balangay panlungsod ng pinaka komprehensibong organisasyon ng kabataan na nagsusulong ng pambansang demokrasya kasama ang malawak na hanay ng masang pilipino.

Kabataang San Pedrense, Makibaka! Tutulan ang Pax Silica!TIGNAN: Nagsabit ng mga balatengga ang Anakbayan San Pedro sa i...
18/09/2026

Kabataang San Pedrense, Makibaka! Tutulan ang Pax Silica!

TIGNAN: Nagsabit ng mga balatengga ang Anakbayan San Pedro sa iba't ibang bahagi ng City Upper ng San Pedro upang patambulin ang panawagan para tutulan ang Pax Silica at Luzon Economic Corridor na mga proyektong higit na nagsisilbi sa interes ng dayuhang kapital at imperyalismong pandarahop kaysa sa pangangailangan ng mamamayang Pilipino.

Kasabay ng nagpapatuloy na deliberasyon sa pambansang badyet para sa 2027, malinaw na mas pinapaboran ng rehimeng US-Marcos ang mga programang nagsusulong ng dayuhang interes habang binabarat ang pondo para sa edukasyon at iba pang batayang serbisyong panlipunan. Kabilang dito ang mga panukalang budget cuts sa mga pampublikong pamantasan gaya ng PUP, sa panahong lalong lumalala ang krisis sa edukasyon.

Sa halip na pondohan ang edukasyon, trabaho, at serbisyong panlipunan, inuuna ang mga patakarang nagbubukas sa mas malawak na kontrol ng dayuhan sa ating ekonomiya, lupa, at likas-yaman, habang pinapayaman ang malalaking dayuhang korporasyon at kanilang mga lokal na kasabwat.

Sumali sa Anakbayan San Pedro City:
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD





β€œPanagutin ang Utak ng Korapsyon, Patalsikin ang Rehimeng Marcos!”Mariing kinikilala ng Anakbayan San Pedro City ang pag...
13/09/2026

β€œPanagutin ang Utak ng Korapsyon, Patalsikin ang Rehimeng Marcos!”

Mariing kinikilala ng Anakbayan San Pedro City ang pag-aresto kay Martin Romualdez kaugnay ng malawakang anomalya sa mga proyektong flood control. Subalit hindi sapat na si Romualdez lamang ang managot. Siya ay isa lamang sa mga mukha ng malalim na sistemang burukrata kapitalismo na nagpapayaman sa mga naghaharing uri habang inilulubog sa kahirapan at sakuna ang sambayanang Pilipino.

Sa nakalipas na mga taon, daan-daang bilyong piso ang ibinuhos ng estado sa flood control habang nananatiling bulnerable sa pagbaha ang mga komunidad. Sa panukalang 2027 National Expenditure Program, β‚±643.95 bilyon ang inilaan sa Department of Public Works and Highways (DPWH), kabilang ang β‚±107.4 bilyon para sa flood control. Sa kabila nito, ito pa rin ang pinakamababang flood-control allocation mula 2019.

Mas malinaw ang kabulukan nang noong 2026 ay alisin sa DPWH proposal ang β‚±263.54 bilyon na locally funded flood-control projects matapos ang mga kontrobersiya at alegasyon ng anomalya. Gayunman, patuloy na may pondong inilalagak sa mga foreign-assisted projects: halos β‚±15.7 bilyon ang kailangang ipatupad noong 2026 dahil nakatali sa umiiral na foreign loan agreements. Kabilang dito ang JICA-funded Pasig-Marikina River Channel Improvement Project na nagkakahalaga ng humigit-kumulang β‚±17.45 bilyon, at Cavite Industrial Area Flood Risk Management Project na humigit-kumulang β‚±5.52 bilyon.

Ipinapakita nito na hindi simpleng kapalpakan ng isang opisyal ang problema kundi bunga ng sistemang burukrata kapitalismo, kung saan ginagawang negosyo ng mga naghaharing uri ang pondong dapat sana'y nagsisilbi sa mamamayan. Sa mismong imbestigasyon sa flood-control scandal, lumitaw ang halos 10,000 proyekto na nagkakahalaga ng mahigit β‚±545 bilyon, kung saan marami ang iniulat na substandard, overpriced o hindi naman naitayo. Si Martin Romualdez ay sinampahan ng kasong plunder kaugnay ng umano'y β‚±7.44 bilyong nakulimbat mula sa naturang sistema.
Hindi sapat, kung gayon, na si Romualdez lamang ang managot. Ang lawak ng anomalya ay hindi kayang ipaliwanag bilang gawain ng isang tao lamang.

Habang inilalaglag ng MalacaΓ±ang ang mga tauhan nitong nadadawit, kailangang siyasatin ang papel ng buong burukrasya at ng pinakamataas na antas ng kapangyarihan. Hindi dapat maging panangga ang pag-aresto sa isang Romualdez upang mailigtas si Ferdinand Marcos Jr. at ang kanyang rehimen.

Samantala, sa panukalang 2027 budget, humihingi ang Office of the President ng β‚±4.55 bilyon para sa Confidential and Intelligence Funds, β‚±2.25 bilyon para sa confidential funds at β‚±2.3 bilyon para sa intelligence funds. Sa halip na pondohan nang sapat ang edukasyon, kalusugan, pabahay at iba pang batayang serbisyo, patuloy na binibigyan ng malaking pondong halos walang pampublikong transparency ang mga makinaryang pampulitika at paniktik ng rehimen.

Kasabay nito, lalo namang isinasangkalan ng rehimeng Marcos ang imperyalismong US sa patakarang panseguridad ng bansa. Sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement, may $128 milyon na karagdagang US budget request para sa imprastraktura sa pitong EDCA sites, habang tinatayang β‚±5.2 bilyon na ang ginastos ng Pilipinas sa mga pasilidad sa mga naturang lokasyon. Habang may pondong inilalagak para sa mga pasilidad na nagsisilbi sa pagpapalawak ng presensyang militar ng US, patuloy namang inilulubog sa baha ang mga komunidad.

Ito ang mukha ng burukrata kapitalismo na bilyun-bilyong pondo ng bayan ang ginagawang pagkakakitaan ng mga burukrata kapitalista at naghaharing dinastiya, habang ang pambansang ekonomiya at soberanya ay lalong isinasailalim sa interes ng dayuhang kapangyarihan.

Ang pag-aresto kay Romualdez ay hindi hustisya kung mananatiling malaya ang mga pangunahing utak at nakinabang sa sistematikong pandarambong. Hindi isang tao kundi ang buong bulok na sistemang pinamumunuan ng rehimeng US-Marcos ang dapat managot.

Sumali sa Anakbayan San Pedro City:
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD




04/09/2026

ππ€ππŽπŽπ‘πˆπ | Pahayag ng Anakbayan San Pedro City hinggil sa malawakang budget cuts sa mga pamantasan sa Timog Katagalugan.

Sa panukalang pambansang badyet para sa 2027, muling pinatutunayan ng rehimeng US-Marcos Jr. ang pagpapabaya nito sa karapatan ng kabataan sa edukasyon. Habang patuloy na kinakaltasan ang pondo ng mga pampublikong pamantasan at kolehiyo, bilyun-bilyong piso naman ang inilulustay sa mga proyektong imprastraktura na pabor sa malalaking negosyo, gayundin sa confidential at intelligence funds na ginagamit laban sa mamamayan.

Partikular sa Laguna State Polytechnic University (LSPU) na mula sa 1,171,621,000 pisong badyet sa 2026 GAA ay magiging 991,485,000 piso na lamang ito sa ilalim ng 2027 NEP; sa buong sistema naman ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ay magkakaroon ng tinatayang 7.7% na tapyas sa pondo ng PUP system kung kaya't β‚±3.501 bilyon lamang ang mailalaan na pondo sa buong sistema ng pamantasan kahit nasa 15B na piso ang orihinal na hiling ng unibersidad, kitang-kita sa mga kampus ng PUP sa Laguna ang manipestasyon ng ganitong tapyas sa badyet ng edukasyon sapagkat kagyat sa mga kampus ay mayroong mga klasrum na walang maayos na bentilasyon at bentilador, mga klasrum na hindi na talaga magamit, kakulangan sa mga bagong upuan, at kakulangan mismo sa mga pasilidad ng paaralan.

Ang malakihang budget cuts na ito ay malaking sampal para sa mga kabataang estudyante na nakikipagsapalaran para lamang matuto sa kani-kanilang paaralan na pinapabayaan ng ating sariling gobyerno.

Sa gitna ng tumitinding krisis sa edukasyon, kawalan ng sapat na pasilidad, at pagtaas ng gastusin ng mga estudyante, malinaw na hindi prayoridad ng rehimeng Marcos Jr. ang kabataan. Sa halip, pinagsisilbihan nito ang interes ng mga dayuhan, malalaking negosyante, at ang sariling paghahari ng naghaharing-uri.

Ibasura ang budget cuts sa sektor ng edukasyon!
Ipaglaban ang sapat at libreng edukasyon para sa lahat!

Sumali sa Anakbayan San Pedro City:
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD

π“πˆππ†ππ€π: Mariing kinokondena ng Anakbayan San Pedro City ang Imperyalistang paninibasib ng Estados Unidos sa Pilipinas s...
27/08/2026

π“πˆππ†ππ€π:

Mariing kinokondena ng Anakbayan San Pedro City ang Imperyalistang paninibasib ng Estados Unidos sa Pilipinas sa pamamagitan ng Pax Silica Initiative. Ang paggamit sa likas na yaman ng bansa para sa interes ng dayuhan at armas pangdigmaan ay tahasang pagyurak sa ating pambansang soberanya at demokrasya ng masang anakpawis.

Kung kaya't nagsagawa ng isang pose to oppose ang mga kabataang San Pedrense para tutulan ang panghihimasok ng mga dayuhang mga bansa, at ipanawagan ang tuloy-tuloy na pag-laban sa kamandag ng imperyalismong patuloy na sinasakal ang ating bansa sa pagkamit ng tunay na kalayaan.

Naninindigan ang kabataang San Pedrense na dapat unahin ng administrasyong Marcos Jr. ang mga demokratikong kahilingan ng masang magsasaka at manggagawa, tulad ng tunay na reporma sa lupa para sa mga magsasaka at nakabubuhay na sahod para sa mga manggagawa, dagdag pondo para sa edukasyon at kalusugan, at iba pang mga demokratikong karapatan ng mamamayang Pilipino.

Halina kabataang San Pedrense, sumama sa pagtindig at pagtutol sa mapanirang Pax Silica, baguhin ang bulok na sistema! Sumali na sa Anakbayan San Pedro City!

Registration form:
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD

Kabataan ang pag-asa ng bayan! Hindi na bago ang militanteng paglaban natin  kontra sa pananakop, pagsasamantala, at nga...
14/08/2026

Kabataan ang pag-asa ng bayan! Hindi na bago ang militanteng paglaban natin kontra sa pananakop, pagsasamantala, at ngayo'y Imperyalistang pandarambong ng Estados Unidos sa ating bansa.

Mahalagang alamin ang mahabang kasaysayan ng ating pakikibaka kasama ang malawak na hanay ng masang pilipino!

Hali't dumalo, at magpadalo sa ating Educational Discussion tungkol sa Youth on the March.

When: August 19 | 7:00PM
Via: Jisti App

https://bit.ly/AnakbayanSanPedro_EDRegForm
https://bit.ly/AnakbayanSanPedro_EDRegForm
https://bit.ly/AnakbayanSanPedro_EDRegForm

REJECT PAX SILICA!TIGNAN: Kasalukuyang nagsasagawa ng Educational Discussion hinggil sa Pax Silica Initiative ang Anakba...
12/08/2026

REJECT PAX SILICA!

TIGNAN: Kasalukuyang nagsasagawa ng Educational Discussion hinggil sa Pax Silica Initiative ang Anakbayan San Pedro City. Sa pag-aaral tinatalakay ang kasaysayan kung paano pinagsasamantalahan ng Imperyalismong US, at ang pakikibaka ng mamamayan pilipino mula noon hanggang sa ngayon sa banta ng pagtatayo ng mga AI Hubs na direktang banta sa ating kalikasan, kalupaan, at mga pambansang soberanya ng ating bayan.

Sa mga nais umupo sa pag-aaral, maaaring direktang magmessage sa page. Maraming salamat!


Galit ka ba sa bulok na sistema? ang patuloy na pagbaha dahil sa mga palyadong flood control na dahilan ng malawakang mg...
08/08/2026

Galit ka ba sa bulok na sistema? ang patuloy na pagbaha dahil sa mga palyadong flood control na dahilan ng malawakang mga baha sa lungsod ng San Pedro City, habang inaabot ng syam-syam bago tumulo ang tubig sa gripo ng bawat bahayan. Sasabayan pa ito ng pagtatayo ng Pax Silica na wawasak sa ating kalikasan at kukunsumo sa malaking katubigan ng bayan.

Dapat lamang kondenahin natin ang pamahalaang ito sa pangunguna sa pagyurak sa ating kasarinlan at pagpapabaya sa mamamayang pilipino.

Sumali sa Anakbayan San Pedro City! Dumalo sa Mass Orientation sa darating na August 14, 2026, ganap na 7:00PM.

Magregister dito:
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD

TIGNAN: Bilang pakikiisa ng kabataang Lagunense sa laban ng uring manggagawa, nagsagawa ng Educational Discussion ang mg...
08/08/2026

TIGNAN: Bilang pakikiisa ng kabataang Lagunense sa laban ng uring manggagawa, nagsagawa ng Educational Discussion ang mga pambansang demokratikong organisasyong masa, kasama ang Anakbayan San Pedro City, sa picket line ng mahigit walong daang manggagawang ilegal na tinanggal ng San Miguel Integrated Logistics and Services Inc. (SMILSI) nitong ika-8 ng Agosto.

Sa pagtalakay ng Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino (MKLRP), masusing pinag-aralan ang kasaysayan ng lipunang Pilipino, ang ugat ng kahirapan, at ang pangangailangan ng sama-samang pagkilos upang wakasan ang pagsasamantala sa mamamayan. Matatandaang noong ika-4 ng Hulyo, maramihang tinanggal sa trabaho ang mga manggagawa ng SMILSI sa utos ng kapitalistang si Ramon Ang matapos nilang itayo ang kanilang unyon.

Mariing natin kinokondena ang marahas at anti-manggagawang tanggalan sa SMILSI. Sa gitna ng lumalalang krisis sa ekonomiya at pulitika, lalong pinahihirapan ang mamamayan sa pamamagitan ng pag-agaw sa kanilang kabuhayan. Ang mahigit walong daang manggagawang ilegal na tinanggal ay nangangahulugan ng mahigit walong daang pamilyang itinulak sa gutom at kawalan ng seguridad sa buhay.

Nanawagan rin tayong ibalik sa trabaho ang lahat ng ilegal na tinanggal, kilalanin ang kanilang karapatang mag-unyon.

SUMALI SA ANAKBAYAN SAN PEDRO CITY:
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD



Tunay na reporma sa lupa ang kailangan ng masang magsasaka, hindi AI hubs na wawasak sa kalikasan sa pamamagitan ng Pax ...
06/08/2026

Tunay na reporma sa lupa ang kailangan ng masang magsasaka, hindi AI hubs na wawasak sa kalikasan sa pamamagitan ng Pax Silica! Hindi natin hahayaaang mga kabataan na maging makinarya ng dayuhan ang malawak na lupain nating mga pilipino't yurakan pa lalo ang ating pambansang soberanya para sa interes ng iilan! Kaya halina't makinig sa pag-aaral ng Pax Silica na isasagawa ng Anakbayan San Pedro City, upang palalimin kung paano ibinebenta ng rehimeng US-Marcos ang ating bayan sa Imperyalismong US.

When: August 12, 2026 | 7:00PM
Where: On Jitsi App

Sa mga gustong umupo sa pag-aaral, mangyaring mag-register dito:
https://bit.ly/AnakbayanSanPedro_EDRegForm
https://bit.ly/AnakbayanSanPedro_EDRegForm
https://bit.ly/AnakbayanSanPedro_EDRegForm

Sumali sa Anakbayan San Pedro City:
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD



TIGNAN: Kaisa ang malawak na hanay ng mamamayan ng Timog Katagalugan, sumama sa State of the Region Address ng TK ang An...
27/07/2026

TIGNAN: Kaisa ang malawak na hanay ng mamamayan ng Timog Katagalugan, sumama sa State of the Region Address ng TK ang Anakbayan San Pedro City upang muling ilantad ang tunay na kalagayan ng mamamayan ng rehiyon at muling maningil sa bulok na sistemang pinapanatili ng rehimeng US-MARCOS.

Nanawagan tayo ng tuluyang mapanagot lahat ng sangkot sa malawakang korapsyon simula noong nakaraang taon, Lalo ang
pagpapatalsik kay Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., at tuluyang pagpapa-convict kay Sara Duterte dahil sa mga kaso ng pandarambong sa Confidential and Intelligence funds noong 2024.

Nandito rin ang malawak na hanay ng mamamayang Lagunense upang ilahad ang iba't-ibang mga isyu sa lalawigan sa mga batayang sektor panlipunan.

SUMALI SA ANAKBAYAN SAN PEDRO:
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD
https://bit.ly/JoinAnakbayanSPD

Address

San Pedro

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anakbayan San Pedro City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share