Congresswoman Ann Matibag

Congresswoman Ann Matibag

Share

LaguNanay on the Go's Official FB Page. View her work, advocacies, passion and love for San Pedro! Congresswoman Ma. Rene Ann Lourdes G. Cong. Melvin Matibag.

Matibag is the duly-elected Representative of the 1st District of Laguna. Matibag received her Juris Doctor degree at the San Beda College Alabang. As a Former Board Member of Laguna from 2019 to 2022, she was the External Vice President of the Lady Local Legislators League of the Philippines, a member of the Board of Directors of the National Movement of Young Legislators, and Public Relations Of

Photos from Congresswoman Ann Matibag's post 04/06/2026

FIRST REGULAR SESSION NG 20TH CONGRESS, OPISYAL NANG NAG-ADJOURN SINE DIE!

Sa pagtatapos ng First Regular Session ng 20th Congress, aktibong nakilahok si LaguNanay Cong. Ann Matibag sa huling plenary session, bilang bahagi ng kanyang patuloy na pagtupad sa tungkulin para sa sambayanan.

Sa loob ng sesyong ito, naghain si Cong. Ann ng ilang mga bagong mungkahing batas na tumutugon sa mga napapanahong isyu sa lipunan. Kabilang dito ang Expanded Anti-Violence Against Women and Children (EVAWC) Act, na naglalayong palakasin ang proteksyon para sa kababaihan at mga bata, at ang Smoke-Free and Vape-Free Environment Act, na nagsusulong ng mas ligtas at mas malusog na pampublikong kapaligiran para sa lahat.

Bagama’t nag-adjourn sine die na ang Kongreso, hindi natatapos ang kanyang misyon na magsulong ng mga batas at programang magbibigay ng tunay na pagbabago at mas magandang kinabukasan para sa bawat pamilyang San Pedronian.




3 June 2026 | Adjournment of the First Regular Session of the 20th Congress | House of Representatives

Photos from Congresswoman Ann Matibag's post 03/06/2026

Our final farewell to our gentle giant Machu. You’ll forever be a part of our family. Rest peacefully. 🀍🌈🐾🀍

Photos from Congresswoman Ann Matibag's post 03/06/2026

LAGUNANAY CONG. ANN MATIBAG, PRESENT SA BRIGADA 2026! β™₯οΈπŸ’™

Katuwang ng sektor ng edukasyon si LaguNanay Cong. Ann Matibag sa opisyal na pagbubukas ng Brigada Eskwela 2026 Regional Kick-Off na ginaganap sa Pacita Complex 1 Integrated School, Lungsod ng San Pedro.

Bilang panauhing tagapagsalita, ibinahagi ni Cong. Ann ang kanyang buong suporta sa mga programang naglalayong ihanda ang mga paaralan para sa ligtas, maayos, at makabuluhang pagbubukas ng klase. Patunay ito ng kanyang paninindigan na ang edukasyon ay pundasyon ng mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat batang Lagunense.

Sama-sama para sa dekalidad na edukasyon, ligtas na paaralan, at mas matatag na kinabukasan ng kabataan!




3 June 2026 | Brigada 2026 | San Pedro City

03/06/2026

KALUSUGAN NG BAYAN, IPINAGLALABAN!

Inihain ni Congresswoman Ann Matibag kasama ang ilang mambabatas ang Smoke-Free and Vape-Free Environment Act, na naglalayong palakasin ang proteksyon ng publiko laban sa masamang epekto ng paninigarilyo at va**ng.

Layon ng panukalang batas na gawing mas ligtas ang mga pampublikong lugar at lugar ng trabaho, habang pinoprotektahan lalo na ang mga kabataan laban sa ni****ne addiction at second-hand smoke.




1 June 2026 | Smoke-Free and Vape-Free Environment Act Filing | House of Representatives

03/06/2026

ATM: Kasalukuyang nakikiisa si LaguNanay Cong. Ann Matibag sa Brigada Eskwela 2026 Regional Kick-Off Program sa Pacita Complex 1 Integrated School sa Lungsod ng San Pedro, kasama ang mga pangunahing lider at katuwang ng edukasyon sa rehiyon upang pagtibayin ang sama-samang paghahanda para sa pagbubukas ng panibagong taon ng pag-aaral.

Kabilang sa mga dumalo sa programa sina Department of Education Undersecretary Atty. Filemon Ray L. Javier, DOLE Secretary Francis N. Tolentino, Laguna Governor Sol Aragones, DepEd CALABARZON Regional Director Carlito D. Rocafort, Assistant Regional Director Loida N. Nidea, at San Pedro City Mayor Art Mercado.


Photos from Congresswoman Ann Matibag's post 02/06/2026

π— π—”π—žπ—”π—¦π—”π—¬π—¦π—”π—¬π—”π—‘π—š π—›π—”π—žπ—•π—”π—‘π—š 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—žπ—”π—Ÿπ—¨π—¦π—¨π—šπ—”π—‘ π—‘π—š 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑: 𝗠𝗔𝗦 π— π—”π—›π—œπ—šπ—£π—œπ—§ 𝗑𝗔 π—”π—žπ—¦π—¬π—’π—‘ π—Ÿπ—”π—•π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—¦π—œπ—šπ—”π—₯π—œπ—Ÿπ—¬π—’ 𝗔𝗧 π—©π—”π—£π—˜! β™₯οΈπŸ’™

Pinangunahan ni Congresswoman Ann Matibag ang paghahain ng Smoke-Free and Vape-Free Environment Act, isang panukalang batas na naglalayong gawing mas ligtas at mas malusog ang mga pampublikong lugar para sa lahat ng Pilipino.

Kasama sa paghahain ng panukala ang mga kinatawan mula sa LGU Baguio City, LGU Balanga, Bataan, Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD), at mga advocates ng Smoke-Free Philippines na matagal nang nagsusulong ng mas matibay na proteksyon laban sa pinsalang dulot ng sigarilyo at v**e.

Sa ilalim ng panukala, paiigtingin ang pagbabawal sa paninigarilyo at va**ng sa mga pampublikong lugar at lugar ng trabaho, magpapataw ng mas mahigpit na regulasyon sa pagbebenta ng to***co at v**e products, at palalakasin ang pagpapatupad ng mga smoke-free policies sa buong bansa.

β€œAng karapatan sa malinis na hangin ay karapatan ng bawat Pilipino. Panahon na upang higit nating maprotektahan ang ating mga anak, pamilya, at komunidad,” ani Cong. Ann.




1 June 2026 | Filing of HB Smoke-Free and Vape-Free Environment Act | House of Representatives

Photos from Congresswoman Ann Matibag's post 02/06/2026

PRIDE MONTH, PANININDIGAN PARA SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY β™₯οΈπŸ’™

Sa pagsisimula ng Pride Month, nakipagpulong sina Cong. Ann Matibag, Chairperson ng Committee on Women and Gender Equality, kasama sina House Speaker Bojie Dy at iba pang mambanatas sa iba’t ibang LGBTQIA+ organizations upang pakinggan at talakayin ang mga ulat ng diskriminasyon sa mga paaralan at lugar ng trabaho.

Sa pulong, tinalakay ang mga posibleng hakbang upang mas maprotektahan ang LGBTQIA+ community, kabilang ang pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya at pagsusulong ng mga administratibong hakbang upang agarang matugunan ang mga reklamo at maiwasan ang mga kahalintulad na insidente sa hinaharap.

Para kay Cong. Ann, ang Pride Month ay hindi lamang pagdiriwang ng identidad at pagmamahal, kundi isang pagkakataon upang palakasin ang mga hakbang tungo sa isang lipunang may pantay na oportunidad, respeto, at dignidad para sa lahat.




1 June 2026 | Audience with LGBTQIA+ Groups | House of Representatives

01/06/2026

ATM: Inihain ni Congresswoman Ann Matibag kasama ang ilang mambabatas ang panukalang Smoke-Free and Vape-Free Environment Act, na naglalayong palakasin ang proteksyon ng bawat Pilipino laban sa masamang epekto ng paninigarilyo at va**ng.

Layunin ng panukalang batas na gawing 100% smoke-free at v**e-free ang mga pampublikong lugar at lugar ng trabaho, habang pinapalakas ang pagpapatupad ng mga hakbang para maprotektahan lalo na ang mga kabataan laban sa ni****ne addiction at second-hand smoke.


Want your business to be the top-listed Government Service in San Pedro?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address

#9013 Matibag Headquarters, Heron Street Berroya Compound Camella Homes Woodhills Brgy. San Antonio
San Pedro
4023