KapE Center Brgy. Nueva

KapE Center Brgy. Nueva

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from KapE Center Brgy. Nueva, Public Service, 4th Street, Corner 5th, Street Sibulo 1 Brgy. Nueva, San Pedro.

Photos from KapE Center Brgy. Nueva's post 08/11/2024

Libreng pang Laboratory para kay kuya Kervin Miranda. Handog ng ating Lagunanay. Nais po nila magpasalamat kay Congresswoman Ann Matibag sa pagbibigay ng GL at sa kapitan ng Brgy.Nueva na si Kap.Edwin Matunog, ganun dn po sa Department Head ng KapE center na si Amir Aviles at sa mga Staff ng KapE Center Brgy. Nueva .Ito ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng Alagang LaguNanay sa Mahal CONG bayANN ng San Pedro❤️






Photos from KapE Center Brgy. Nueva's post 07/11/2024

Hospital Assistance, sagot 'yan ni LaguNanay! Libreng pang Laboratory para sa asawa ni Nanay Carmelita Tabar na si Tatay Leonardo Tabar 73 years old. 5 years ng may Thyroid. Nais po nila magpasalamat kay Congresswoman Ann Matibag at sa kapitan ng Brgy.Nueva na si Kap.Edwin Matunog, ganun dn po sa Department Head ng KapE center na si Amir Aviles at sa mga Staff ng KapE Center Brgy. Nueva .Ito ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng Alagang LaguNanay sa Mahal CONG bayANN ng San Pedro❤️






Photos from KapE Center Brgy. Nueva's post 06/11/2024

Libreng pang Laboratory ni nanay Flordeliza Flores 66 years old, sagot po ni Congresswoman Ann Matibag.. Sya po ay lubos na nagpapasalamat sa ating Lagunanay Cong.Ann Matibag at sa ating kapitan ng brgy.Nueva Kap.Edwin Matunog, ganun din sa Department head ng KapE center na si Amir Aviles at sa mga staff nya.



Photos from KapE Center Brgy. Nueva's post 09/09/2024

IBA NA TALAGA SA NUEVA..!! Mabilis at agad ang pagtugon pagdating sa pangangailangang pang Medical ng aming mga kabarangay at maging sa ibang barangay na lumalapit dito sa KapE Center Brgy. Nueva ,,,sa pamamagitan ng Guarantee Letter sa tulong ng isang Congresswoman Ann Matibag ang ating Lagunanay,,,,kung saan ay nasasagot na ang kanilang mga gastusin para sa pang Laboratory, CT scan, MRI at maging sa Hospital Bill ng mga pasyente.
Lubos din ang pasasalamat sa butihing kapitan ng Nueva kap Edwin Matunog at sa mga staff ng KAPE CENTER❤️❤️
Maraming Salamat Congresswoman Ann Matibag,,FM Melvin Matibag dahil po dito sa inyong programa ay marami po kayong natutulungan....❤️❤️❤️👍👍👍




Photos from KapE Center Brgy. Nueva's post 15/07/2024

KapE Tayo: 𝐆𝐈𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀 𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐓𝐀𝐎𝐍 𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐘 𝐈𝐍𝐈𝐈𝐍𝐃𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐌𝐃𝐀𝐌𝐀𝐍, 𝐍𝐀𝐓𝐔𝐋𝐔𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐄 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑!

Sa gitna ng kanyang laban sa matagal nang karamdaman, si Herlinda Pampangga, 65 taong gulang at may asawa, mula sa 403 5th street, Brgy. Nueva, ay lubos na nagpapasalamat.

Sa tulong ng 𝐊𝐚𝐩𝐄 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫, agad siyang nailapit kay Congresswoman Ann Matibag para sa kanyang laboratory test upang matukoy ang kanyang kalagayan. Ito ay nagkakahalagang 𝐏𝐡𝐩 𝟓,𝟕𝟒𝟓.𝟎𝟎 at isinagawa sa pribadong ospital ng 𝐖𝐞𝐬𝐭 𝐋𝐚𝐤𝐞 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫

Ang programa ni Kapitan Edwin Matunog na 𝐊𝐚𝐩𝐄 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 at ang proyekto ni Cong. Ann Matibag, ay nagbibigay ng pag-asa sa mga tulad ni Herlinda na mayroong matagal nang karamdaman ngunit walang kakayahan magpatingin.



Photos from KapE Center Brgy. Nueva's post 09/07/2024

KapE Tayo: 𝐄𝐃𝐔𝐀𝐑𝐃𝐎 𝐁𝐀𝐑𝐁𝐎𝐒𝐀, 𝐍𝐀𝐁𝐈𝐆𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆-𝐋𝐀𝐁𝐎𝐑𝐀𝐓𝐎𝐑𝐘 𝐒𝐀 𝐖𝐄𝐒𝐓 𝐋𝐀𝐊𝐄 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑

Siya si Eduardo Barbosa, 45 taong gulang, at kasalukuyang naninirahan sa Purok 5, Brgy. Nueva. Isang masipag na construction worker, si Eduardo ay anim na taon nang may iniindang karamdaman. Sa tulong ng programa ni Kapitan Edwin Matunog na 𝐊𝐚𝐩𝐄 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫, agad siyang nailapit kay Congresswoman Ann Matibag para sa kanyang laboratory test sa 𝐖𝐞𝐬𝐭 𝐋𝐚𝐤𝐞 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫
na nagkakahalaga ng 𝐏𝐇𝐏 𝟏𝟎,𝟑𝟓𝟗.𝟗𝟏.

Lubos ang pasasalamat ni Eduardo kay Cong. Ann Matibag sa kanyang walang sawang pagtulong na nagbibigay pag-asa sa marami. Malaking tulong din ang proyekto ni Kapitan Edwin Matunog na KapE Center sa mga katulad ni Eduardo na nangangailangan ng agarang tulong medikal.



24/06/2024

Tara KapE: 𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐀𝐩𝐝𝐨, 𝐋𝐮𝐬𝐥𝐨𝐬, 𝐚𝐭 𝐀𝐥𝐦𝐮𝐫𝐚𝐧𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚!

Sa patuloy na pagmamahal at pagsisikap ni Kapitan Edwin Matunog na magbigay ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan, libre na ngayon ang operasyon para sa Bato sa Apdo, Luslos, at Almuranas!

Sa kanyang pakikipag tulungan kasama ang mga doktor at iba pang ahensya ng pamahalaan, mas marami na ang matutulungan sa ating barangay.

Kung kayo ay may problema sa Bato sa Apdo, Luslos, o Almuranas, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan o bumisita sa ating KapE Center. Ang mga operasyon ay LIBRE at wala kayong babayaran!


Photos from KapE Center Brgy. Nueva's post 21/06/2024

𝟏𝟎𝟎, 𝟎𝟎𝟎 𝐧𝐚 𝐇𝐨𝐬𝐩𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐁𝐢𝐥𝐥 𝐬𝐚 𝐖𝐞𝐬𝐭𝐥𝐚𝐤𝐞 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 𝐧𝐢 𝐃𝐢𝐨𝐧𝐢𝐬𝐢𝐚 𝐄𝐬𝐭𝐨𝐫𝐧𝐢𝐧𝐨𝐬 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐒𝐢𝐧𝐚𝐠𝐨𝐭 𝐧𝐢 𝐂𝐨𝐧𝐠. 𝐀𝐧𝐧 𝐌𝐚𝐭𝐢𝐛𝐚𝐠

Isang malaking pasasalamat ang ipinapaabot ni Dionisia Estorninos kay Cong. Ann Matibag matapos nitong sagutin ang kanyang hospital bill na umabot sa halagang 100,000 pesos sa Westlake Medical Center.

Ang proyekto ni Cong. Ann Matibag nagdadala ng ginhawa at pag-asa sa marami. Ito ay naglalayong magbigay ng mas magandang bukas sa bawat-isa lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Hindi rin matatawaran ang kontribusyon ng KapE Center na itinatag ni Kapitan Edwin Matunog. Dahil sa KapE Center, mas mabilis at maayos na naipararating ang tulong at serbisyo sa mga tao.

Salamat, Congresswoman Ann Matibag at Kapitan Edwin Matunog, sa walang sawang pagseserbisyo at pagtulong sa mga nangangailangan. ❤️💙



18/06/2024

IBA NA SA NUEVA: 𝐊𝐚𝐩𝐄 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 ☕️

Sa likod ng maraming natulungan sa hospital, burial, financial, at iba't ibang assistance sa Barangay ay ang masisipag at buhay na bayani ng KapE Center. Bilang bahagi ng pagtupad ni Kapitan Edwin Matunog sa kanyang ipinangako sa mga residente ng Brgy. Nueva na sa lahat ng problema siya ay kanilang kasama, naitatag ang KapE Center.

Ang KapE Center ay pinamumunuan ni Amir Aviles, kasama ang iba pang masisipag na empleyado ng Brgy social welfare. Layunin ng KapE Center na matulungan ang mga residente ng Nueva sa kanilang mga suliranin at pangangailangan.

Kaya naman sa mga residente ng Barangay Nueva, hangga't si Kapitan Edwin Matunog ang inyong kasama, may agarang solusyon sa mga problema dahil iba na sa Nueva! ❤️💙


Photos from KapE Center Brgy. Nueva's post 13/06/2024

IBA NA SA NUEVA: 𝟏𝟔,𝟎𝟗𝟕.𝟖𝟓 𝐧𝐚 𝐥𝐚𝐛𝐨𝐫𝐚𝐭𝐨𝐲 𝐧𝐢 𝐀𝐫𝐬𝐞𝐧𝐢𝐚 𝐀. 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨𝐬, 𝐬𝐚𝐠𝐨𝐭 𝐧𝐢 𝐂𝐨𝐧𝐠. Ann Matibag

Labis na nagpapasalamat si Ginang Arsenia A. Santos kay Congresswoman Ann Matibag sa agarang pagtulong nito at pagsagot sa 𝐬𝐢𝐱𝐭𝐞𝐞𝐧 𝐭𝐡𝐨𝐮𝐬𝐚𝐧𝐝 𝐧𝐢𝐧𝐞𝐭𝐲-𝐬𝐞𝐯𝐞𝐧 𝐩𝐞𝐬𝐨𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐞𝐢𝐠𝐡𝐭𝐲 𝐟𝐢𝐯𝐞 𝐜𝐞𝐧𝐭𝐚𝐯𝐨𝐬 para sa kanyang laboratory na ginawa sa Westlake Medical Center.

Dahil sa magandang programa ni Cong. Ann Matibag, marami sa ating mga kabaranggay ang nabibigyan ng pagkakataon na makapag laboratory sa pribadong ospital ng walang binabayaran. Tunay na nararamdaman natin ngayon ang matibay, matatag at alagang matibag sa Brgy. Nueva. Atin ang Magandang Bukas dahil Iba na sa Nueva! ❤️💙



Want your business to be the top-listed Government Service in San Pedro?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


4th Street, Corner 5th, Street Sibulo 1 Brgy. Nueva
San Pedro
4023