Aaron Cataquiz

Aaron Cataquiz

Share

The Official page of the City Councilor Aaron Cataquiz of San Pedro, Laguna

09/12/2022

My HERO. Rest well. We LOVE you🧡

Photos from Mayor Lourdes S. Cataquiz's post 30/11/2022
10/05/2022

Mga minamahal kong taga-San Pedro,

Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng nagpakita ng suporta sa akin at sa Team Tayong Lahat mula sa simula hanggang sa dulo ng ating laban.

Mula po sa puso ko, MARAMING MARAMING SALAMAT PO!

Ako po si Aaron Cataquiz, isang karangalan ang mapaglingkuran kayo.

Photos from Aaron Cataquiz's post 09/05/2022

Nakaboto na po ako.

Gamitin po natin ang ating karapatang bumoto. May kapangyarihan ang bawat boto para iguhit ang ating kinabukasan.

Patuloy po tayong magdasal para sa Pilipinas at para sa mahal nating San Pedro.

08/05/2022

Saludo po ang inyong lingkod sa katatagan at sakripisyo ng lahat ng mga ina at tumatayong ilaw ng tahanan. Taos-pusong pasasalamat sa pagmamahal at ang paghihirap na dinaanan nyo.

Hindi sapat ang isang araw para ipagdiwang ang malaking tungkulin ng mga ilaw ng ating tahanan. Muli, happy mother's day sa lahat!





07/05/2022

Sa naganap na magkasabay na miting de avance ni Bokal Ann Matibag at Dave Almarinez noong May 5, pormal nilang inendorso ang Team Cataquiz-Campos sa pagka-Mayor at Vice Mayor.





07/05/2022

MARAMING SALAMAT, SAN PEDRO!

Balikan natin ang mainit na pagtanggap ng 27 barangays kina Mayor Aaron Cataquiz, Vice Mayor Raffy Campos, at lahat ng konsehal ng Team Tayong Lahat!

Dalawang tulog na lang tapos na ang laban.

Walang bibitiw dahil ang panalo ng Team Tayong Lahat ay panalo rin ng buong San Pedro!






07/05/2022

9.6K LIVE VIEWERS!

Maraming salamat sa SAKALAM na suporta Team Bahay o mga nanood sa live streaming ng miting de avance ng Team Tayong Lahat!

Hindi man kayo nakadalo, ramdam na ramdam namin ang inyong suporta dahil umulan ng burger at orange hearts sa comment section!

Iba talaga ang mga supporters ng Team Tayong Lahat! Walang iwanan hanggang sa finale. Balita namin maraming napuyat sa panonood? Worth it naman 'di ba? Burger kayo diyan! 🍔🍔🍔

Ipanalo na natin ito!

Dalawang tulog na lang eleksyon na, walang bibitiw dahil ang tagumpay nina Mayor Aaron Cataquiz, Vice Mayor Raffy Campos at lahat ng konsehal ay tagumpay nating lahat!

Maraming maraming salamat mula sa Team Tayong Lahat! Mahal namin kayo!






Photos from Aaron Cataquiz's post 07/05/2022

Maraming salamat sa SAKALAM na suporta Team Plaza sa na ipinakita niyo sa Team Tayong Lahat!

Maraming salamat sa bonggang mga paandar - mula sa placards, sa pakikisabay sa ating pausong BURGER WAVE, sa sigawan hanggang mamalat, at sa pag-stay hanggang dulo.

Ramdam na ramdam namin ang inyong solid na suporta. Taong bayan na ang nagsalita!

Ipanalo na natin ito!

Dalawang tulog na lang patapos na ang laban, walang bibitiw dahil ang tagumpay ni Mayor Aaron Cataquiz, Vice Mayor Raffy Campos at ang lahat ng konsehal ay tagumpay nating lahat!

Maraming maraming salamat mula sa Team Tayong Lahat! Mahal namin kayo!






06/05/2022

Limang oras na lang, miting de avance na!

Mula pa noong una, TAYONG LAHAT ang palagi naming isinisigaw.

Kaya naman lahat welcome sa Team Tayong Lahat Grand Rally!

Undecided ka man o nakapili na, hindi mo dapat palampasin ang gabing ito.

Dahil sa huling pagkakataon, maririnig natin ang bando na subok na sa paglilingkod.

Selebrasyon din ito at pasasalamat sa mainit at sakalam na pagtanggap ng 27 barangays sa Team Cataquiz-Campos!

Pinatunayan niyo na kahit sino pang humadlang, walang makakapigil sa inyong pagtindig para sa Team Tayong Lahat.

Ang laban na ito ay hindi lang namin laban, kundi laban ng buong San Pedro!

Kitakits mamaya sa San Pedro City Plaza ng 6pm!






06/05/2022

Napuno ang kalsada sa Southville, San Antonio para salubungin ang Team Cataquiz-Campos!

Halos hindi makapasok ang motorcade nina Mayor Aaron Cataquiz, Vice Mayor Raffy Campos, at mga konsehal dahil sa dami ng mga residente ng Barangay San Antonio na nagbigay ng suporta.

Bibit ang kanilang mga creative placards at banners, ipinaramdam nila ang solid na suporta sa mga taong naging katuwang nila sa pagpapaunlad ng kanilang lugar.

Maraming salamat sa hindi matawarang suporta, Southville, Barangay San Antonio!

Ang panalo ng Team Cataquiz-Campos ay panalo nating lahat!






Want your business to be the top-listed Government Service in San Pedro?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Barangay Sto. Niño
San Pedro
04023