04/06/2026
Kahapon 06| 04| 2026
Patuloy nating isinusulong ang serbisyong pangkalusugan sa ating komunidad sa pamamagitan ng ating Medical Mission, isa sa mga programang hatid ng Campos Cares, kasama ang aking masipag at mapagmalasakit na kapatid na si Bokal Raffy Campos.
Lubos ang aming pasasalamat sa aming partner na Laboratory Diagnostic Clinic – Qualicheck, sa pangunguna ni Ma'am Renalyn Bautista, sa kanilang mahalagang suporta at pakikiisa upang matagumpay na maisakatuparan ang programang ito.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat kay Pastor Arnel sa patuloy na pagtitiwala at pagbubukas ng pagkakataon para sa aming team na makapaglingkod at makapaghatid ng serbisyong medikal sa mga miyembro ng Jesus Is Lord (JIL) church.
Ang bawat ngiti, pasasalamat, at serbisyong naihahatid ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pa nating palawakin ang ating mga programang may malasakit para sa ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, mas marami pa tayong maaabot at matutulungan.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta sa Campos Cares. Sama-sama nating isulong ang Serbisyong May Malasakit para sa lahat.
03/06/2026
Taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang ating Medical Mission na isinagawa kahapon 06| 02| 26 sa Brgy. Landayan, kasama ang aking kapatid at katuwang sa paglilingkod na si Bokal Raffy Campos.
Patuloy nating inilalapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan upang masig**ong mabigyan sila ng pagkakataong mapangalagaan ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng libreng laboratory services at medical consultation.
Lubos din po ang aming pasasalamat sa QualiCheck Laboratory Clinic sa pangunguna ni Ma'am Renalyn Bautista sa kanilang mahalagang suporta at pakikiisa sa programang ito. Maraming salamat din kay SK James sa pagpapagamit ng venue, sa mga masisipag na Barangay Officials ng Brgy. Landayan, sa ating mga medical staff at volunteers, at sa lahat ng mga indibidwal na naglaan ng kanilang oras at tulong upang maging maayos at matagumpay ang ating Medical Mission.
Ang tagumpay ng programang ito ay bunga ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa. Asahan po ninyo na patuloy tayong maghahatid ng mga programang may malasakit at serbisyong tunay na makakatulong sa ating mga kababayan.
Maraming salamat po at mabuhay tayong lahat!
01/06/2026
Ngayong araw, Hunyo 1, 2026, tayo ay dumalo sa ika-44 na Regular Session ng 20th Legislative Council ng ating mahal na Lungsod ng San Pedro.
Bilang inyong lingkod-bayan, patuloy nating ginagampanan ang ating tungkulin sa pagtalakay at pagsuporta sa mga panukala, programa, at ordinansang makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng ating lungsod at kapakanan ng bawat San Pedrense.
Ang bawat sesyon ay isang mahalagang pagkakataon upang marinig, mapag-aralan, at mabigyan ng tamang aksyon ang mga usaping may kinalaman sa serbisyo publiko at sa kinabukasan ng ating komunidad.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala at suporta. Asahan ninyo na mananatili tayong tapat at masigasig sa paghahatid ng serbisyong may malasakit para sa bawat mamamayan ng San Pedro.
30/05/2026
Hindi po tayo titigil sa paghahatid ng Serbisyong May Malasakit para sa bawat San Pedrense.
Ngayong hapon, Mayo 30, 2026, kasama ang ating mahal na Bokal, Raffy Campos, matagumpay nating naihatid ang Libreng Tubig sa mga residente ng Villa Olympia 1, Brgy. Maharlika bilang tugon sa kahilingan ng ating masipag at mapagkalingang Punong Barangay, Kapitan Ting.
Batid natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat at malinis na suplay ng tubig para sa bawat pamilya. Kaya naman sa abot ng ating makakaya, patuloy tayong tumutugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan at nagsasagawa ng mga programang may direktang pakinabang sa komunidad.
Ang serbisyong ito ay patunay na kapag may pagkakaisa, malasakit, at tunay na hangaring maglingkod, mas marami tayong maaabot at matutulungan. Hindi lamang ito simpleng paghahatid ng tubig, kundi pagpapakita ng ating patuloy na pagmamalasakit at pakikiisa sa bawat hamon na kinakaharap ng ating mga kababayan.
Maraming salamat sa tiwala at suporta ng ating mga kabarangay at lokal na mga lider. Asahan po ninyo na patuloy nating ilalapit ang mga programang makatutugon sa inyong pangangailangan.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang Serbisyong May Malasakit para sa mas maunlad at mas matatag na komunidad.
30/05/2026
Kahapon, 05| 29| 2026, patuloy po ang ating paghahatid ng Libreng Tubig sa ilalim ng ating CAMPOS CARES PROGRAM para makatulong sa ating mga kababayan at mga paaralan sa panahon ng pangangailangan.
Kasama ang ating mahal na Bokal, ang aking masipag, mabait, at walang sawang sumusuportang kapatid Bokal Raffy Campos, matagumpay nating naihatid ang Libreng Tubig sa ating mga mag-aaral, g**o, at kawani ng Langgam Elementary School bilang bahagi ng ating patuloy na paglilingkod sa komunidad.
Matapos nito, muli rin nating binalikan ang mga residente ng Jade St., PEA 2A upang personal na tugunan ang kanilang mga pangangailangan partikular sa tubig. Sa pamamagitan ng ating Campos Cares Program, patuloy nating isinusulong ang SERBISYONG MAY MALASAKIT at agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.
Lubos po ang aming pasasalamat sa pamunuan ng Langgam Elementary School, lalo na kay Ma’am Shella Martinquilla Perez, School Principal gayundin sa mga opisyal ng Brgy. Langgam sa kanilang pakikiisa at patuloy na suporta sa ating mga programa para sa komunidad.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala at suporta. Asahan ninyo na mananatili tayong kaagapay at handang maglingkod para sa kapakanan ng bawat pamilya sa ating komunidad.
29/05/2026
Patuloy po ang paghahatid natin ng Libreng Tubig sa ilalim ng ating Campos Cares Program, katuwang ang aking kapatid na si Bokal Raffy Campos na laging kaagapay sa lahat ng programa at SERBISYONG MAY MALASAKIT para sa ating mga kababayan.
Ngayong araw, May 29, 2026, mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga, atin pong nadeliveran ng libreng tubig ang ating mga kababayan sa Brgy. Langgam, partikular sa PEA 2A, Legacy, Onyx at Jade St.
Bagama’t kaunti lamang po ang ating naihatid sa Jade St., makakaasa po kayo na ang CAMPOS CARES ay patuloy pong maghahatid ng Serbisyong May Malasakit sa San Pedrense. Patuloy po tayong kikilos at maghahatid ng serbisyong tunay na may malasakit para sa lahat.
Taos-puso rin po ang aming pasasalamat kay Sir Richard Sablaon, isang concerned citizen na naging tulay upang maihatid natin ang Serbisyong May Malasakit ng Campos Cares sa ating mga kababayan at sa lahat ng Brgy. Officials ng Brgy. Langgam na laging nakasuporta sa ating mga programa.
Maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta. Sama-sama po tayong magtutulungan para sa mas maayos at mas maalagang serbisyo para sa bawat San Pedrense. 💧
28/05/2026
Patuloy po ang ating pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan. Kahapon, May 27, 2026,kasama ang ating mahal na Bokal Raffy Campos, muli po tayong nagsagawa ng pamimigay ng libreng tubig sa mga residente ng Sitio Bayanbayanan, Stronglink, Brgy. San Vicente, San Pedro, Laguna upang makatulong sa gitna ng nararanasang kakulangan sa suplay ng tubig.
Sa tulong ng ating mga kasama at mga taong may malasakit, sama-sama nating naiparating ang agarang ayuda para sa ating mga kababayan. Maraming salamat po sa lahat ng tumulong at nakiisa sa ating programa.
Patuloy po tayong maglilingkod at aaksyon para sa kapakanan ng bawat mamamayan. 💙💧
26/05/2026
05| 26| 2026
Patuloy po tayong nakikiisa at nagseserbisyo para sa kapakanan ng ating minamahal na Lungsod ng San Pedro.
Ngayong araw, May 26, 2026, tayo po ay dumalo sa 43rd REGULAR SESSION NG 20TH LEGISLATIVE COUNCIL ng Lungsod ng San Pedro. Bilang Chairwoman ng COMMITTEE ON HEALTH AND SANITATION, atin pong naimanifest at matagumpay na naipasa sa August Body ang kahilingan ng ating mahal na Ama ng Lungsod:
“RESOLUTION AUTHORIZING THE LOCAL CHIEF EXECUTIVE TO ENTER INTO A MEMORANDUM OF UNDERSTANDING WITH ST. PIO INNOVATIONS SOLUTIONS CORP. FOR THE USE AND IMPLEMENTATION OF THE ‘BRIDGES AUTISM APP’ IN THE CITY OF SAN PEDRO, LAGUNA.”
Isang mahalagang hakbang ito tungo sa mas inklusibo at makabagong serbisyong pangkalusugan at suporta para sa ating mga kababayan, lalo na para sa mga batang may autism at kanilang mga pamilya.
Maraming salamat po sa patuloy ninyong suporta at tiwala. Sama-sama po nating isusulong ang mga programang tunay na may malasakit para sa bawat San Pedrense.
25/05/2026
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na Solo Parent Brgy. Poblacion Medical Mission with Qualicheck lead by Maam Renalyn Bautista na ginanap noong May 19, 2026.
Bilang pakikiisa at suporta, tayo po ay nagkaroon ng pamimigay ng libreng tsinelas under the Campos Cares Program, kasama ang aking ever supportive na kapatid at ating mahal na Bokal Raffy Campos. 🩴
Maliit man na tulong, malaking saya at ginhawa naman ang maibibigay nito sa ating mga kababayan. Patuloy po tayong magtulungan at magkaisa para sa mas maalagang serbisyo sa ating komunidad.
Maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta!
25/05/2026
05| 21 | 2026
Patuloy ang ating Serbisyong May Malasakit sa ilalim ng Campos Cares Program!
Kasunod din ang matagumpay na paghahatid ng Libreng Tubig ang naisakatuparan para sa ating mga kababayan sa Barangay Riverside kasama ang aking kapatid ang ating mahal na Bokal Raffy Campos.
Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng mga tumulong, nakiisa, at sumuporta upang maging maayos at matagumpay ang ating programa para sa komunidad.
Sa tulong ng pagkakaisa at malasakit ng bawat isa, patuloy nating naihahatid ang serbisyong tunay na para sa mamamayan.