07/10/2026
Petsa ng Oktubre 6, 2026, Martes ay nagkaroon ng aktibidad ang 2nd PMFC - Advisory Group para sa mga kabataang estudyante ng Brgy. Pinagtulayan - Norzagaray, Bulacan.
Sa pangunguna ng aming Advisory Group Chairman na si Wilfredo S. Velasco at ng aming 2nd PMFC Force Commander PLTCOL Karl Marlo Sanchaez, nagbahagi ang ating mga kasamahan ng mga Hygiene Kit + Snacks sa mga batang mag-aaral ng Brgy. Pinagtulayan.
Maraming salamat sa mga nakiisa at sa walang sawang pagsuporta para sa pagtulong sa ating mga kababayan. Hindi magsasawa ang 2nd PMFC at ang Advisory Group sa pagtulong. Mabuhay ang mga pulis at mga miyembro ng advisory group.
Advisory Group for Police Transformation and Development (AGPTD)
Photos by: FOXX Creatives + Photography