01/11/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Naging maayos, ligtas, at mapayapa ang paggunita ng Undas 2026 sa Bayan ng San Simon sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at koordinadong operasyon ng lokal na pamahalaan, mga katuwang na ahensiya, organisasyon, at mga opisyal ng barangay.
Bilang bahagi ng OPLAN UNDAS 2026, tiniyak ang pagkakaroon ng mga kinakailangang serbisyong pampubliko, kabilang ang public assistance, libreng pagsukat ng blood pressure at blood sugar, medical at first aid services, rescue and emergency response, police and security assistance, lost and found assistance, traffic management, at libreng inuming tubig para sa mga dumalaw sa ating mga sementeryo.
Kaugnay nito, kinikilala at pinasasalamatan ng Lokal na Pamahalaan ng San Simon, sa pangunguna ni Acting Mayor Josephine Anne D. Canlas, ang mga sumusunod na tanggapan at katuwang na organisasyon sa kanilang mahalagang ambag:
โข Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Rural Health Unit (RHU), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP) para sa emergency response, rescue operations, medical assistance, first aid services, security, at public assistance.
โข San Simon Traffic Management Unit (TMU) at GMACPAO para sa pamamahala ng daloy ng trapiko at pagtulong sa mga motorista at bisita.
โข General Services Office (GSO) at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) para sa logistical support, paglilinis, at pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa mga sementeryo.
โข Municipal Engineering Office (MEO) para sa site preparation at kinakailangang engineering interventions.
โข San Simon Public Information Office (PIO) para sa maagap na pagpapalaganap ng mga impormasyon, abiso, at paalala sa publiko.
โข Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa paggabay at pakikiisa sa mga operasyon, kabilang ang road clearing activities.
โข Nuestra Seรฑora del Pilar Parish at Barangay San Juan para sa pagbibigay ng karagdagang parking areas at access sa comfort rooms.
โข Tau Gamma Phi Fraternity para sa pakikiisa sa clean-up drive at pagbibigay ng public assistance.
โข Office of the Municipal Mayor para sa pangkalahatang pangangasiwa at koordinasyon ng mga paghahanda at operasyon.
Kinikilala rin ang mahalagang papel ng mga Punong Barangay, mga opisyal ng barangay, at mga barangay tanod sa buong bayan na nakiisa sa pagpapanatili ng kaayusan at pagbibigay ng tulong sa publiko. Lalong pinasasalamatan ang Barangay San Jose, Barangay San Juan, at Barangay Concepcion, kung saan matatagpuan ang mga pampublikong sementeryo at memorial gardens, sa kanilang aktibong pakikiisa, pagtulong sa mga bisita, at pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang tanggapan upang matiyak ang maayos na daloy ng mga operasyon sa kani-kanilang nasasakupan.
Taos-puso rin ang pasasalamat sa lahat ng kawani ng LGU San Simon at sa bawat indibidwal at organisasyong naglaan ng kanilang oras, lakas, at serbisyo para sa matagumpay na pagpapatupad ng OPLAN UNDAS 2026.
Ang maayos na paggunita ng Undas 2026 ay bunga ng pagkakaisa, koordinasyon, at sama-samang pagtupad sa tungkulin ng bawat sektor.
Sa lahat ng nakiisa at naglingkod, maraming salamat sa inyong mahalagang ambag sa isang ligtas, maayos, at mapayapang Undas 2026 sa San Simon.