Love San Vicente

Love San Vicente The official FB Page of Honorable Mayor Mariano "B**g" E. Palma
Love San Vicente, Camarines Norte

HINDI MATUTUMBASAN NG ANUMANG HALAGA ANG NGITING HATID NG MALASAKIT AT PAGMAMAHAL Sa kabila ng mga gawain at responsibil...
09/11/2026

HINDI MATUTUMBASAN NG ANUMANG HALAGA ANG NGITING HATID NG MALASAKIT AT PAGMAMAHAL

Sa kabila ng mga gawain at responsibilidad sa pamahalaan, personal na binisita ni Mayor B**g Palma ang ilan sa ating mga kababayang bedridden at Persons with Disabilities (PWDs) upang maghatid ng tulong at suporta sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga food packs, wheelchair, diapers, gatas, asukal, bigas, noodles, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Ang gawaing ito ay katuparan ng kanyang pangakong hindi pababayaan at patuloy na susuportahan ang mga sektor na higit na nangangailangan ng kalinga, pag-unawa, at atensyon ng pamahalaan.

Higit pa sa mga materyal na tulong na kanilang natanggap, mahalaga kay Mayor B**g na personal na marating ang kanilang mga tahanan, makumusta ang kanilang kalagayan, at ipadama na hindi sila nakakalimutan ng kanilang lokal na pamahalaan.

Aniya --β€œSa mga ganitong programa, kahit papaano ay naipapadama ng gobyerno, sa pamamagitan naming mga lingkod-bayan, ang tunay na serbisyo, serbisyong personal na naihahatid at direktang nakatutulong sa mga taong higit na nangangailangan.”

Dahil sa huli, higit pa sa mga pagkaing naipamahagi at mga kagamitang naipagkaloob ang mga ngiti ng ating mga kababayan ang pinakamahalagang sukli. Mga ngiting nagpapaalala na ang serbisyo ng pamahalaan ay dapat hindi lamang nakikita, kundi higit sa lahat, nararamdaman. ❀


**gPalma

November 9, 2026REGULAR FLAG RAISING CEREMONYMunicipal Grounds, San Vicente, Camarines Norte
09/11/2026

November 9, 2026
REGULAR FLAG RAISING CEREMONY
Municipal Grounds, San Vicente, Camarines Norte

WALANG PINIPILING ARAW KUNG SERBISYO PUBLIKO ANG PINAG-UUSAPAN SA SAN VICENTE! 🚜Bago pa man sumikat ang araw, maaga nang...
05/11/2026

WALANG PINIPILING ARAW KUNG SERBISYO PUBLIKO ANG PINAG-UUSAPAN SA SAN VICENTE! 🚜

Bago pa man sumikat ang araw, maaga nang nagsimula sa pagtupad ng tungkulin si Mayor Mariano β€œB**g” E. Palma, kasama ang mga kawani ng Mayor’s Office, Engineering Staff, at mga kinatawan ng OPAPRU na sina Ms. Tess Sameon at Ms. Cristine Estandian, para sa pagsasagawa ng site inspection and validation kaugnay ng panukalang Farm-to-Market Road (FMR) Project na mag-uugnay sa Barangay Asdum at Barangay Fabrica.

Layunin ng naturang inspeksyon na personal na masuri at mapatunayan ang lokasyon, kondisyon, at pangangailangan ng nasabing proyekto upang matiyak ang maayos na pagpaplano at paghahanda para sa posibleng implementasyon nito.

Mahalagang proyekto ito upang mapadali ang biyahe ng mga magsasaka, transportasyon ng produktong agrikultural, at access ng mga residente sa pangunahing serbisyo.

Muling pinatutunayan ni Mayor B**g na ang tunay na serbisyo publiko ay hindi naghihintay ng oras o liwanag ng araw. Sa halip, ito ay nagsisimula sa maagap na pagkilos, personal na pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan, at patuloy na paghahanap ng mga proyektong magdadala ng tunay na pagbabago sa bawat barangay at mamamayan.


**gPalma

SAN VICENTE, KINILALA NG PHILHEALTH BICOL BILANG UNIVERSAL HEALTH CARE (UHC) CHAMPION NGAYONG TAON! πŸ†Noong November 4, 2...
05/11/2026

SAN VICENTE, KINILALA NG PHILHEALTH BICOL BILANG UNIVERSAL HEALTH CARE (UHC) CHAMPION NGAYONG TAON! πŸ†

Noong November 4, 2026, personal na dumalo si Mayor Mariano β€œB**g” E. Palma sa 2026 PRO V APPLAUSE (Appreciation and Pasasalamat for Partners for Lasting Alliance, Unwavering Support and Excellence) na ginanap sa La Piazza Hotel, Legazpi City, upang tanggapin ang pagkilala mula sa PhilHealth Regional Office V bilang Universal Health Care (UHC) Champion para sa Bayan ng San Vicente.

Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan at ng sektor ng kalusugan upang mas mapalawak ang access ng bawat San VicenteΓ±o sa dekalidad, abot-kaya, at makataong serbisyong pangkalusugan.

Sa pagkakataong ito, ipinapaabot ni Mayor B**g ang kanyang taos-pusong pasasalamat at pagkilala sa buong Municipal Health Office (MHO), sa pangunguna ni Dra. Myellerva Jayne F. Araneta, kasama ang lahat ng nurses, midwives, BHWs, at iba pang health personnel na walang sawang naglilingkod sa ating mga kababayan.

Sa San Vicente, ang kalusugan ay hindi lamang serbisyoβ€”ito ay karapatan ng bawat mamamayan at isang mahalagang pundasyon ng maunlad na pamayanan.

Congratulations, LGU San Vicente at Municipal Health Office! πŸ’™

KAHIT NASA MALAYONG LUGAR, WALANG PROBLEMA 'YAN! MAYOR B**G PALMA, PINANGUNAHAN ANG PULONG SA PAMAMAGITAN NG ONLINE MEET...
04/11/2026

KAHIT NASA MALAYONG LUGAR, WALANG PROBLEMA 'YAN! MAYOR B**G PALMA, PINANGUNAHAN ANG PULONG SA PAMAMAGITAN NG ONLINE MEETING PARA SA PAGSUSULONG NG WATER DISTRICT SA SAN VICENTE! πŸ’§

Hindi pinalampas ni Mayor Mariano β€œB**g” E. Palma ang pagkakataong makapanayam at makipagpulong kay Sir Jorge T. Palma, Chairman of the Board ng Metro Naga Water District, Sir Renato R. Dela Cruz, Sir John Paul O. Dela Cruz, Sir Jobel Bacerdo, Sir Rommel Orbista, Engr. Gil Miguel, Ms. Thamar Belista, Ms. Cristine Montelin upang ipagpatuloy ang mga talakayan hinggil sa pagpapabuti ng suplay ng tubig at sa planong pagtatatag ng Water District sa Bayan ng San Vicente.

Kahit kasalukuyang nasa biyahe patungong Legazpi City, Albay si Mayor B**g upang personal na tanggapin ang pagkilala mula sa PhilHealth bilang Universal Health Care Champion para sa Bayan ng San Vicente, hindi ito naging hadlang upang pangunahan niya ang mahalagang pagpupulong sa pamamagitan ng online meeting.

Sa kabila ng distansya, tiniyak ni Mayor B**g na magpapatuloy ang koordinasyon at mga talakayan upang maisulong ang konkretong solusyon sa mga usapin sa tubig, gayundin ang posibilidad ng pagkakaroon ng sariling Water District sa ating bayan.

Ipinapakita nito ang patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan na humanap ng mga oportunidad, makipag-ugnayan sa mga eksperto at katuwang na institusyon, at maglatag ng pangmatagalang solusyon para sa isang maayos, sapat, at maaasahang serbisyo ng tubig para sa bawat San VicenteΓ±o.

Malayo man ang lugar, hindi hadlang ang distansya kung ang layunin ay patuloy na serbisyo para sa bayan!


**gPalma

UNITED NATIONS – WORLD FOOD PROGRAMME (UN-WFP), DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD) AT PANTAWID PAMILYAN...
04/11/2026

UNITED NATIONS – WORLD FOOD PROGRAMME (UN-WFP), DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD) AT PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM (4P’s) NAKIPAGTULUNGAN PARA SA ISANG MAKABULUHANG PROYEKTO SA BAYAN NG SAN VICENTE!

Nitong Nobyembre 3, 2026, nagsagawa ng courtesy call ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), partikular ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at United Nations World Food Programme (UN-WFP) kay Mayor Mariano β€œB**g” E. Palma. Kasama rin sa nasabing pagpupulong ang kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) bilang bahagi ng koordinasyon para sa pagpapatupad ng El NiΓ±o-Induced Drought Action sa Bayan ng San Vicente.

Sa ilalim ng programang ito, magkakaloob ng β‚±6,500 cash assistance bawat benepisyaryo sa kabuuang 520 aktibong miyembro ng 4P’s sa ating bayan. Layunin nitong matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng tagtuyot dulot ng El NiΓ±o, partikular sa pagtugon sa kanilang pangangailangan sa tubig at iba pang gastusing pinansyal.

Nagpahayag naman ng buong pakikiisa at suporta si Mayor B**g Palma sa nasabing proyekto. Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Lokal na Pamahalaan, sa pamamagitan ng MSWDO at 4Ps Staff, na patuloy na makipagtulungan sa DSWD at UN-WFP upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng programa at maihatid ang kinakailangang tulong sa mga pamilyang San VicenteΓ±o.

Taos-pusong pasasalamat sa DSWD at UN-WFP, gayundin sa mga kawani ng MSWDO at 4Ps, sa kanilang patuloy na pakikiisa at pagtutulungan para sa kapakanan ng ating mga kababayan!


**gPalma

MAYOR B**G PALMA, KASAMA ANG MGA OPISYAL NG SAN VICENTE AT UNIVERSITY OF CAMARINES NORTE, NAGSAGAWA NG PAGPUPULONG PARA ...
03/11/2026

MAYOR B**G PALMA, KASAMA ANG MGA OPISYAL NG SAN VICENTE AT UNIVERSITY OF CAMARINES NORTE, NAGSAGAWA NG PAGPUPULONG PARA SA COLLEGE OF ENGINEERING – SAN VICENTE CAMPUS! πŸŽ“

Nagsagawa ng mahalagang pagpupulong si Mayor Mariano β€œB**g” E. Palma, kasama sina Konsing Gala Billy Boy Palma, Kons. Rodel Fulgencio, at ang delegasyon ng University of Camarines Norte (UCN), sa pangunguna ni University President Atty. Ryan L. Estevez, DPA, upang talakayin ang agarang aplikasyon, mga kinakailangang dokumento, at pagsasaayos ng mga kaukulang papeles para sa planong pagtatatag ng College of Engineering – San Vicente Campus.

Layunin ng pagpupulong na mapabilis ang mga proseso at matugunan ang lahat ng kinakailangang requirements upang maisakatuparan ang proyektong ito na inaasahang magbubukas ng mas maraming oportunidad sa edukasyon para sa mga kabataan ng San Vicente at mga karatig-bayan.

Dahil sa Palma-Alegre Administration, ang pag-unlad ng edukasyon ay pamumuhunan sa kinabukasan ng bawat mamamayan!


**gPalma

πŠπ”π‹πŒπˆππ€π’π˜πŽπ 𝐍𝐆 π‚πŽπŽππ“πŽππ„π‘ π…π„π’π“πˆπ•π€π‹ πŸπŸŽπŸπŸ”, ππ€ππ”ππŽ 𝐍𝐆 ππ€π†πŠπ€πŠπ€πˆπ’π€ 𝐀𝐓 ππ€π†π’π€π’π€πŒπ€-π’π€πŒπ€   **gPalma
03/11/2026

πŠπ”π‹πŒπˆππ€π’π˜πŽπ 𝐍𝐆 π‚πŽπŽππ“πŽππ„π‘ π…π„π’π“πˆπ•π€π‹ πŸπŸŽπŸπŸ”, ππ€ππ”ππŽ 𝐍𝐆 ππ€π†πŠπ€πŠπ€πˆπ’π€ 𝐀𝐓 ππ€π†π’π€π’π€πŒπ€-π’π€πŒπ€


**gPalma

November 3, 2026REGULAR FLAG RAISING CEREMONYMunicipal Grounds, San Vicente, Camarines Norte
03/11/2026

November 3, 2026
REGULAR FLAG RAISING CEREMONY
Municipal Grounds, San Vicente, Camarines Norte

LGU SAN VICENTE, MULING IPINAGPATULOY NGAYONG ARAW ANG 2ND BATCH NG 3RD QUARTER CASH GIFT DISTRIBUTION PARA SA MGA KWALI...
30/10/2026

LGU SAN VICENTE, MULING IPINAGPATULOY NGAYONG ARAW ANG 2ND BATCH NG 3RD QUARTER CASH GIFT DISTRIBUTION PARA SA MGA KWALIPIKADONG SENIOR CITIZENS! πŸ’™πŸ‘΅πŸ‘΄

Ngayong araw, muling ipinagpatuloy ng Lokal na Pamahalaan ng San Vicente, sa pangunguna ni Mayor Mariano β€œB**g” E. Palma, katuwang si Vice Mayor Joseph Stanley G. Alegre at ang Sangguniang Bayan, ang 2nd Batch ng 3rd Quarter Cash Gift Distribution para sa mga kwalipikadong octogenarians, nonagenarians, at centenarians, alinsunod sa Republic Act No. 11982 o Expanded Centenarians Act of 2024.

Ang ikalawang batch na ito ay kinabibilangan ng mga kwalipikadong senior citizens na personal na ipinakiusap ni Mayor B**g Palma sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) na mabigyan at mapabilang sa programa ngayong taon, upang hindi na nila kailangang maghintay pa nang matagal at agad nilang matanggap ang benepisyong nararapat para sa kanila.

Patunay ito ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan na matiyak na mabigyan ng pagkilala, pagpapahalaga, at kaukulang benepisyo ang ating mga nakatatanda, lalo na ang mga umabot na sa kahanga-hangang yugto ng kanilang buhay.

Taos-pusong pasasalamat sa National Commission of Senior Citizens (NCSC), DSWD, MSWDO, at sa lahat ng kawani at staff na nakiisa at nagbigay ng tulong upang maging maayos at matagumpay ang pagsasagawa ng programang ito.

Mahal na mahal ni Mayor B**g ang ating mga senior citizen! Hangad niya na mas humaba pa ang kanilang buhay, manatiling malusog at masaya, at patuloy na makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay. πŸ’™


**gPalma

Address

San Vicente
4609

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Love San Vicente posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share