Marka sa Aksyon, Boses ng Kabataan - M.A.B

Marka sa Aksyon, Boses ng Kabataan - M.A.B

Share

Team Beato - Serbisyong Sigurado, Kabataang Panalo

14/04/2026

Para sa kabataan, ang paglilingkod ay hindi isang opsyon, ito ay isang paninindigan. Hindi natin kailangang maghintay ng tamang panahon, posisyon, o oportunidad para kumilos. Ang tamang panahon ay ngayon. Sa bawat kabataang may malasakit, may lakas ng loob magsalita, at may determinasyong gumawa ng tama, doon nagsisimula ang tunay na pagbabago.

Hindi sapat na tayo’y tagamasid lamang. Tayo ang boses ng kasalukuyan at pag-asa ng hinaharap. Sa harap ng mga hamon, tayo ang dapat manguna, hindi sa ingay, kundi sa malinaw na layunin, matibay na prinsipyo, at pusong handang magsakripisyo para sa kapakanan ng nakararami.

Ang tunay na lider ng kabataan ay hindi nasusukat sa edad o kasikatan, kundi sa lalim ng malasakit at tapang na manindigan para sa tama, kahit mahirap. Dahil sa bawat hakbang na ginagawa natin ngayon, hinuhubog natin ang kinabukasan na ating ipapamana.

Panahon na para kumilos. Panahon na para manguna. Panahon na para ipakita na ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayan, kundi aktibong puwersa nito sa kasalukuyan.





To serve the people is the highest calling, requiring a selfless heart and a sound mind.

Photos from Marka sa Aksyon, Boses ng Kabataan - M.A.B's post 02/04/2026

Ngayong Huwebes Santo, muling nasasaksihan ang taimtim na pananampalataya ng maraming deboto na nakikiisa sa taunang “Alay Lakad.” Sa kanilang paglalakbay patungo sa simbahan, dala nila ang tahimik na panalangin, mga panata, at pusong naghahangad ng kapatawaran, isang malalim na pagpapahayag ng kababaang-loob, pagsisisi, at pagtitiwala sa Panginoon.

Sa bawat hakbang na kanilang tinatahak, kalakip ang pagod at pawis, makikita ang tunay na diwa ng sakripisyo at debosyon. At sa gitna ng kanilang paglalakbay, ang aming munting paraan ng pakikiisa ay ang mag-alay ng inumin at pagkain, isang simpleng handog na nawa’y makapagbigay ginhawa at lakas sa kanilang pagpapatuloy.

Higit pa sa lahat, ang bawat ngiti, pasasalamat, at paglingon ninyo ay nagsisilbing paalala na ang paglilingkod sa kapwa ay isang biyaya. Sa ganitong mga sandali, mas lalong nabubuhay ang diwa ng pagkakaisa, malasakit, at tunay na pagmamahal sa kapwa. 🤍


31/03/2026

LEVEL UP NA BOTOHAN, ANO TARA?

Hindi lahat ng ambag kailangang pera—minsan, isang boto lang ang kailangan para makamit ang tunay na pagbabago sa ating barangay lalot higit saating kabataan ng Dita!

Handa ka na bang makibahagi sa BSK Elections 2026? TARA NA MAGPA-REHISTRO at Bumoto para sa mga lider na maglilingkod at magpapabago sa ating Barangay.




Hindi lahat ng ambag, pera.
Minsan boto lang—pero ang balik, pagbabago. 🗳️✨

Yung boses mo? May impact ‘yan sa barangay mo.
Sa youth programs, sa sports, sa opportunities—nagsisimula sa’yo.

Kaisa ka na ba?

Kung gusto mong may tunay na ambag, mag-level up ka—magparehistro ka na.

💬 Comment kung ready ka na
🔁 Share para maisama mo sila

Dahil KAISA KA sa level up na botohan!

Want your business to be the top-listed Government Service in Santa Rosa?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Dita Santa Rosa Laguna
Santa Rosa
4026