Santo Domingo Municipal Health Office

Contact the organization

Santo Domingo Municipal Health Office The Official page of Santo Domingo Municipal Health Services Office

Located at New Municipal Compound, Brgy. Sagaba, Santo Domingo, Nueva Ecija, 3133

29/10/2026

𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐃𝐎𝐌𝐈𝐍𝐆𝐎, 𝐍𝐔𝐄𝐕𝐀 𝐄𝐂𝐈𝐉𝐀 𝐓𝐎𝐏 𝟏 𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 𝐌𝐔𝐋𝐈 𝐒𝐀 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐃𝐎𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌! 🥇🏆

Muling natanggap ng Bayan ng Santo Domingo ang 𝗧𝗼𝗽 𝟭 𝗦𝗮𝗻𝗱𝘂𝗴𝗼 𝗘𝘅𝗰𝗲𝗹𝗹𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱 sa katatapos na 𝗦𝗮𝗻𝗱𝘂𝗴𝗼 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝘆 noong October 26, 2026 sa Casa Jedliana Hotel & Resort, Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Ang Sandugo Excellence Award ay ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng Department of Health (DOH) sa mga lokal na pamahalaan sa ilalim ng National Voluntary Blood Services Program (NVBSP).

Personal na tinanggap ni Hon. Mayor Leonido DL. De Guzman Jr. ang nasabing parangal, kasama sina Municipal Health Officer
Dr. Dexter Mar De Guzman at Medical Technologist & Municipal Blood Program Coordinator Anselmo Santos Jr.

Sa kanyang Message of Appreciation, 𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗗𝗲 𝗚𝘂𝘇𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗹𝗼𝗼𝗱 𝗗𝗼𝗻𝗼𝗿𝘀 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗼 𝗗𝗼𝗺𝗶𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗹𝗼𝗼𝗱 𝗗𝗼𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺. Pinasalamatan niya rin ang DOH Central Luzon Center for Health Development, Nueva Ecija Provincial DOH Office, at Nueva Ecija Provincial Health Office para sa paggawad ng pagkilalang ito.

Samantala, ibinahagi naman ni Dr. Dexter Mar De Guzman sa lahat ang ilan sa mga Best Practices ng Bayan ng Santo Domingo sa pagsasagawa ng matagumpay na Blood Donation Activities.

Ang atin pong Municipal Health Office at ang buong Pamahalaang Bayan ng Santo Domingo ay 𝙩𝙖𝙤𝙨-𝙥𝙪𝙨𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙖𝙗𝙖𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙬𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙪𝙢𝙪𝙨𝙪𝙥𝙤𝙧𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝘽𝙡𝙤𝙤𝙙 𝘿𝙤𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢. 𝘼𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙞𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙥𝙤𝙣𝙜 𝙞𝙩𝙤 𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙞𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙧𝙞𝙣 𝙨𝙖 𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣𝙞𝙝𝙖𝙣.

𝙈𝙖𝙧𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 𝙙𝙞𝙣 𝙥𝙤 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙖𝙩𝙪𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙖𝙨𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖 𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙗𝙡𝙤𝙤𝙙 𝙙𝙤𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙖𝙘𝙩𝙞𝙫𝙞𝙩𝙞𝙚𝙨: 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙨𝙥𝙤𝙣𝙨𝙤𝙧, 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙘𝙞𝙫𝙞𝙘 𝙜𝙧𝙤𝙪𝙥𝙨, 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙪𝙣𝙤𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙖𝙩 𝙠𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖𝙙, 𝙎𝙖𝙣𝙜𝙜𝙪𝙣𝙞𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣, 𝘽𝙃𝙒𝙨 𝙖𝙩 𝘽𝙉𝙎, 𝙢𝙖𝙧𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜-𝙢𝙖𝙧𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 𝙥𝙤 𝙨𝙖 𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙩𝙪𝙡𝙤𝙮 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙪𝙥𝙤𝙧𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙗𝙡𝙤𝙤𝙙 𝙙𝙤𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙥𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢.

𝘼𝙉𝙂 𝙏𝘼𝙂𝙐𝙈𝙋𝘼𝙔 𝙋𝙊𝙉𝙂 𝙄𝙏𝙊 𝘼𝙏 𝙏𝘼𝙂𝙐𝙈𝙋𝘼𝙔 𝙉𝘼𝙏𝙄𝙉𝙂 𝙇𝘼𝙃𝘼𝙏!
𝙈𝙪𝙡𝙞, 𝙢𝙖𝙧𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 𝙥𝙤 𝙖𝙩 𝙘𝙤𝙣𝙜𝙧𝙖𝙩𝙪𝙡𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙨 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩!!




21/10/2026

Ngayong 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟲, pagtataguyod naman sa 𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝘂𝗯𝘂𝗻𝘁𝗶𝘀, 𝗺𝗮𝗮𝘆𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗮 𝗮𝘁 𝘀𝗮𝗻𝗴𝗴𝗼𝗹, 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴-𝗶𝘄𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝗹 𝗮𝘁 𝗶𝗻𝗳𝗮𝗻𝘁 𝗺𝗼𝗿𝘁𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆 ang ating bibigyang pansin! 😉

STO. DOMINGO INAUGURATES FIRST LGU-FUNDED DIALYSIS CENTER IN NUEVA ECIJASTO. DOMINGO, NUEVA ECIJA | October 20, 2026 — T...
20/10/2026

STO. DOMINGO INAUGURATES FIRST LGU-FUNDED DIALYSIS CENTER IN NUEVA ECIJA
STO. DOMINGO, NUEVA ECIJA | October 20, 2026 — The Municipal Government of Sto. Domingo marked a significant milestone in local healthcare with the blessing of the newly established Sto. Domingo Dialysis Center, officiated by Reverend Father Michael Grospe.
The ceremony was attended by PhilHealth Chief of LHIO Gapan Angelito Creencia, Mayor Leonido De Guzman, Vice Mayor Jhelyn Domingo Velasco, members of the Sangguniang Bayan, Municipal Administrator and former Mayor Imee Llado-De Guzman, Medical Director Dr. Achilles Aquino, dialysis center staff, and LGU department heads and employees.
The first LGU-funded dialysis center in Nueva Ecija is the brainchild of former Mayor and now Municipal Administrator Imee Llado-De Guzman, reflecting her vision of bringing essential healthcare services closer to the people. The Dialysis Center will officially welcome its patients on November 23, 2026.
The facility aims to provide more accessible dialysis treatment for patients with kidney disease, helping reduce travel time and transportation expenses while easing the financial and emotional burden on patients and their families.
Its establishment underscores the municipality’s commitment to strengthening local healthcare services and promoting the health, welfare, and quality of life of every Domingueño.
A significant step toward a healthier and more caring Sto. Domingo!

🫁 LIBRENG TB MASS SCREENING AT CHEST X-RAY! 🩻Ang Municipal Health Office of Santo Domingo, sa pakikipagtulungan ng DOH–C...
13/10/2026

🫁 LIBRENG TB MASS SCREENING AT CHEST X-RAY! 🩻

Ang Municipal Health Office of Santo Domingo, sa pakikipagtulungan ng DOH–Center for Health Development Central Luzon (DOH-CLCHD) at Alay Buhay Foundation, ay magsasagawa ng Libreng TB Mass Screening at Chest X-ray Activity sa mga sumusunod na barangay.

📅 ISKEDYUL AT LUGAR NG AKTIBIDAD

📍 October 15, 2026
🕗 8:00 AM – 12:00 NN
🏥 Barangay Cabugao– Barangay Gymnasium

🕐 1:00 PM – 5:00 PM
🏥 Barangay Malaya– Barangay Gymnasium

📍October 16, 2026
🕗 8:00 AM – 12:00 NN
🏥 Barangay Malayantoc – Barangay Gymnasium

🕐 1:00 PM – 5:00 PM
🏥 Barangay Burgos – Barangay Gymnasium

👥 SINO ANG INAANYAYAHANG LUMAHOK?

✅ Mga nakasalamuha ng kumpirmadong TB patient at mga kasama sa bahay
✅ Mga taong nabubuhay na may HIV (PLHIV)
✅ Mga senior citizen na edad 60 pataas
✅ Mga may diabetes at altapresyon
✅ Mga naninigarilyo
✅ Mga benepisyaryo ng 4Ps
✅ Mga cancer patient
✅ Mga TODA driver
✅ Mga healthcare worker (RHU staff, Barangay Health Workers, at Barangay Nutrition Scholars)
✅ Mga indibidwal na edad 15 pataas na may mga sintomas ng TB, gaya ng:
• Ubo na tumatagal ng dalawang linggo o higit pa
• Hindi sinasadyang pagbaba ng timbang
• Madalas na pagpapawis sa gabi
• Pabalik-balik na lagnat

🩺 IBA PANG SERBISYONG MAAARING MAKUHA

💙 PhilHealth YAKAP Registration
💙 Updating of PhilHealth Dependents
💙 Renewal of PhilHealth Membership para sa mga kwalipikadong financially incapable members
💙 Libreng konsultasyon para sa mga may karamdaman

🎁 MAY LIBRENG TASA RIN!

Para sa mga sasailalim sa chest X-ray, mayroon po tayong libreng tasa bilang munting pasasalamat sa inyong pakikiisa!

✨ LIBRE ANG MGA SERBISYO!

Huwag pong palampasin ang pagkakataong ito upang masuri ang inyong kalusugan. Ang maagang pagtukoy sa TB ay mahalaga upang agad na masimulan ang angkop na paggamot at maiwasan ang pagkalat nito sa ating pamilya at komunidad.

📣 HALINA NA PO AT MAKIISA! Inaanyayahan ang lahat ng kabilang sa mga target na grupo na magtungo sa itinakdang lugar at oras ng aktibidad.

💚 Sama-sama tayo para sa mas malusog na Santo Domingo!

3𝐑𝐃 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀:𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃𝐋𝐄𝐓𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘September 23, 2026Sto. Domingo Community Center𝑴𝒂𝒓𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝑺𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕 𝑫𝒐𝒎𝒊𝒏𝒈𝒐𝒆ñ𝒐𝒔! 🙌🏼🙌🏼🙌🏼
30/09/2026

3𝐑𝐃 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀:𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃𝐋𝐄𝐓𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘
September 23, 2026
Sto. Domingo Community Center

𝑴𝒂𝒓𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝑺𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕 𝑫𝒐𝒎𝒊𝒏𝒈𝒐𝒆ñ𝒐𝒔! 🙌🏼🙌🏼🙌🏼




30/09/2026

𝗧𝗜𝗚𝗡𝗔𝗡: 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗠𝗣𝗢𝗞 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗗𝗔𝗟𝗜 𝗦𝗔 3𝗥𝗗 𝗗𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗𝗟𝗘𝗧𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬

Lubos pong nagpapasalamat ang Municipal Health Office at ang buong Pamahalaang Bayan ng Sto. Domingo sa lahat ng nakiisa sa ating 3𝐫𝐝 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃𝐋𝐄𝐓𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 23, 2026 lalong-lalo na sa lahat ng ating mga KABABAYANG NAKAPAG-DONATE NG KANILANG DUGO.

Naging matagumpay pong muli ang programa nating ito sa pagtutulungan at pakikiisa nating lahat. Nakapagtala po ang ating tanggapan ng 290 𝐒𝐔𝐂𝐂𝐄𝐒𝐒𝐅𝐔𝐋 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐃𝐎𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒.

Maraming salamat po sa aming mga naging katuwang sa pagsasagawa ng aktibidad na ito: 𝑫𝑶𝑯 𝑪𝒆𝒏𝒕𝒓𝒂𝒍 𝑳𝒖𝒛𝒐𝒏 𝑹𝒆𝒈𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑩𝒍𝒐𝒐𝒅 𝑪𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓 𝒂𝒕 𝑵𝒖𝒆𝒗𝒂 𝑬𝒄𝒊𝒋𝒂 𝑷𝒓𝒐𝒗𝒊𝒏𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑫𝑶𝑯 𝑶𝒇𝒇𝒊𝒄𝒆.

𝑴𝒂𝒓𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕 𝒅𝒊𝒏 𝒑𝒐 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒃𝒖𝒐𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒈𝒃𝒊𝒈𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒏𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒅𝒖𝒈𝒐 𝒂𝒕 𝒐𝒓𝒂𝒔. Syempre po sa ating mga Barangay Captains at Councilors kasama ng kanilang masisipag na mga BHW at BNS na walang sawa at buong suporta sa paghihikayat ng kanilang mga ka-barangay na boluntaryong magdonate ng dugo, maraming salamat po.

See you po sa ating 5th DAKILA AWARDS sa darating na taong 2027. Muli, maraming maraming salamat po at Congratulations sa ating lahat!


Narito ang ilang 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗧𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗗𝗢𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡!3rd 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝𝐥𝐞𝐭𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐀! (September 23, 2...
22/09/2026

Narito ang ilang 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗧𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗗𝗢𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡!

3rd 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝𝐥𝐞𝐭𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐀! (September 23, 2026 - Miyerkules) sa ganap na 8:00am hanggang 2:00pm. Ito po ay gaganapin sa 3rd Floor STO. DOMINGO COMMUNITY CENTER.
Kita-kita po tayo mga kababayan!


𝐈𝐊𝐀𝐓𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀: 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃𝐋𝐄𝐓𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘, 𝐒𝐀 𝐌𝐈𝐘𝐄𝐑𝐊𝐔𝐋𝐄𝐒 𝐍𝐀!Magkita-kita po tayong muli sa darating na 𝐌𝐈𝐘𝐄𝐑𝐊𝐔𝐋𝐄𝐒, Septembe...
18/09/2026

𝐈𝐊𝐀𝐓𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀: 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃𝐋𝐄𝐓𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘, 𝐒𝐀 𝐌𝐈𝐘𝐄𝐑𝐊𝐔𝐋𝐄𝐒 𝐍𝐀!

Magkita-kita po tayong muli sa darating na 𝐌𝐈𝐘𝐄𝐑𝐊𝐔𝐋𝐄𝐒, September 23, 2026 para sa ating 𝐈𝐊𝐀𝐓𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀: 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃𝐋𝐄𝐓𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘 mula 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon. Ito po ay gaganapin sa ating 𝐒𝐓𝐎. 𝐃𝐎𝐌𝐈𝐍𝐆𝐎 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑 sa ating Municipal Compound. Inaanyayahan po ang lahat ng ating mga repeat blood donors at maging ang mga first-time blood donors na makilahok at makibahagi sa ating programa.

Para sa mga katanungan at paglilinaw tungkol sa ating blood donation activity, maaari po ninyong iparating ang mga ito sa ating mga BHWs o maaari po kayong magtungo sa ating health center. MARAMING SALAMAT PO!


16/08/2026

🥗 𝐒𝐓𝐎. 𝐃𝐎𝐌𝐈𝐍𝐆𝐎 𝐍𝐔𝐓𝐑𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇 𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 2026 🥗

Isang masaya at makabuluhang pagdiriwang ng Nutrition Month 2026 ang ginanap noong Hulyo 29, 2026 sa Santo Domingo, Nueva Ecija Municipal Gymnasium, na may temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan.” 💚🌱

Tampok sa ating pagdiriwang ang “𝘾𝙤𝙤𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙄𝙣𝙖𝙮: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙤 𝘿𝙤𝙢𝙞𝙣𝙜𝙤 𝙉𝙪𝙩𝙧𝙞𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙈𝙤𝙣𝙩𝙝 𝘾𝙤𝙤𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙎𝙝𝙤𝙬𝙙𝙤𝙬𝙣”, kung saan naglaban-laban ang 5 nanay mula sa 24 na barangay sa paghahanda ng masustansya at masarap na pagkain para sa kanilang mga anak na edad 0–59 buwan.👩‍🍳

Lubos na nagpapasalamat ang Nutrition Action Unit sa ating Municipal Health Officer, Dr. Dexter Mar U. De Guzman, kay Hon. Mayor Leonido DL. De Guzman Jr., Hon. Vice Mayor Jhelyn Domingo-Velasco, Hon. Councilor on Health Konsi Marc Angelo Andres, at kay Municipal Administrator Mrs. Imee Llado-De Guzman, sa kanilang mga mensahe at suporta. 🙏💚

Maraming salamat din sa buong Sangguniang Bayan, sa ating mga Municipal Councilors, MHO Family, Barangay Nutrition Scholar (BNS) Family, at higit sa lahat sa 24 na barangay na patuloy na nagbibigay ng suporta at malasakit para sa ating mga kabataang malnourished at mga buntis. 🤝

Isang simpleng pagdiriwang na puno ng saya, pagkakaisa, malasakit at pagmamahal para sa kalusugan ng ating komunidad. Congratulations and Thank you to everyone who made this Nutrition Month Celebration 2026 a SUCCESS! ✨

Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan! Para sa mas malusog na pamilya at mas malusog na kinabukasan! 💚🌱





12/08/2026

[𝐏𝐀𝐍𝐎𝐎𝐑𝐈𝐍] Marahil ay nabalitaan mo na ang isasagawang Measles-Rubella Supplemental Activity o MR SIA ngayong Agosto. 💉

Alam mo na ring ang pagpapabakuna kontra tigdas at tigdas-hangin ay isang epektibong paraan upang makaiwas sa sakit at mga komplikasyong dulot nito. ✅

Ngunit kahit subok na ang Measles-Rubella vaccine at matagal nang napatunayang ito ay ligtas at epektibo, hindi pa rin natin maiaalis sa mga magulang na mangamba sa mga maaaring maging side effects nito gaya ng banayad na lagnat at pananakit sa bahagi ng katawan na tinurukan. 🤒

‼️ Ang mga ito ay Adverse Events Following Immunization o AEFI—mga hindi kanais-nais na pangyayari o nararamdaman matapos mabakunahan.‼️

🎥 Tapusin ang kalakip na video upang mas maunawaan ang bakuna at maintindihan kung ano ang AEFI at mga dapat gawin kung makaranas nito. 💡



Address

Purok 1, Brgy. Sagaba
Santo Domingo
3133

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santo Domingo Municipal Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Santo Domingo Municipal Health Office:

Shortcuts

Share