Atty. Raquel Maloles-Salazar

Atty. Raquel Maloles-Salazar

Share

Welcome sa opisyal na page ng ating lingkod, City Councilor Atty. Raquel M. Maloles-Salazar! Isang Babae, asawa, ina, at abogado, isang lingkod bayan!

Chairperson:
✅ Committee on Disaster Risk Reduction and Resiliency
✅ Committee on Cultural Affairs Hinubog ng panahon at ng karanasan; at mula sa pamilya ng mga lingkod bayan.

Photos from Atty. Raquel Maloles-Salazar's post 06/04/2026

𝐈𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐬𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐢𝐬𝐚𝐤𝐚𝐭𝐮𝐩𝐚𝐫𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐛𝐮𝐥𝐮𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐩𝐰𝐚 𝐓𝐨𝐦𝐚𝐬𝐢𝐧𝐨, 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐚𝐭 𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐒𝐭𝐨. 𝐓𝐨𝐦𝐚𝐬!





13/03/2026

𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩𝐚𝐧!





07/03/2026

𝐇𝐚𝐯𝐞 𝐚 𝐁𝐥𝐞𝐬𝐬𝐞𝐝 𝐒𝐮𝐧𝐝𝐚𝐲 𝐞𝐯𝐞𝐫𝐲𝐨𝐧𝐞!❤️

06/03/2026

𝐌𝐚𝐤𝐚𝐡𝐮𝐥𝐮𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐛𝐮𝐥𝐮𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐈𝐤𝐚-𝟑𝟔𝟎 𝐓𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐭𝐨. 𝐓𝐨𝐦𝐚𝐬 𝐃𝐞 𝐀𝐪𝐮𝐢𝐧𝐨!

Sa loob ng 360 taon, patuloy na pinagyayaman ng ating mga Tomasino ang tradisyon ng pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamalasakit sa kapwa. Ang pistang ito ay hindi lamang pagdiriwang ng kasiyahan, kundi pagpupugay din sa ating makulay na kasaysayan, matibay na kultura, at sa mga taong patuloy na nagbibigay-buhay sa ating lungsod.

Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa nating mahalin at paglingkuran ang ating bayan habang sama-sama nating hinaharap ang mas maliwanag na kinabukasan.

Masiglang Pista, Santo Tomas! Mabuhay ang bawat Tomasino!





Photos from Batangas PIO's post 04/03/2026

𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐡𝐚𝐧! 𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝟒𝐋 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬







Photos from Atty. Raquel Maloles-Salazar's post 05/02/2026

𝐂𝐎𝐍𝐒𝐔𝐋𝐓𝐀𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐈𝐓𝐓𝐄𝐄 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆𝐒

Isinagawa ng Sangguniang Panlungsod ang mga sumusunod na pulong bilang bahagi ng ating pagtupad sa tungkulin para sa maayos na pamamahala at kapakanan ng mamamayan:

𝘾𝙤𝙢𝙢𝙞𝙩𝙩𝙚𝙚 𝙤𝙣 𝙎𝙤𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙒𝙚𝙡𝙛𝙖𝙧𝙚, 𝙒𝙤𝙢𝙚𝙣 𝙖𝙣𝙙 𝙁𝙖𝙢𝙞𝙡𝙮

– Tinalakay ang mga usapin hinggil sa Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) at Violence Against Women and their Children (VAWC) bilang bahagi ng pagpapatibay ng mga programang nagtatanggol sa karapatan at kaligtasan ng kababaihan at kabataan.

𝘾𝙤𝙢𝙢𝙞𝙩𝙩𝙚𝙚 𝙤𝙣 𝘼𝙘𝙘𝙧𝙚𝙙𝙞𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣

– Tinalakay ang kahilingan para sa pagkilala ng BAHAGHARI.
– Tinalakay ang kahilingan para sa pagkilala ng INDAK BATANGAN.
– Tinalakay ang kahilingan para sa pagkilala ng Sto. Tomas Scholars Association.

𝘾𝙤𝙢𝙢𝙞𝙩𝙩𝙚𝙚 𝙤𝙣 𝘼𝙥𝙥𝙧𝙤𝙥𝙧𝙞𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙨

– Tinalakay ang Annual Budget ng Barangay Sta. Clara, City of Sto. Tomas, Batangas.
– Tinalakay ang SK Annual Budget ng Barangay Sta. Elena, City of Sto. Tomas, Batangas.

𝘾𝙤𝙢𝙢𝙞𝙩𝙩𝙚𝙚 𝙤𝙣 𝙇𝙖𝙣𝙙 𝙐𝙨𝙚

– Tinalakay ang kahilingan para sa reclassification ng lupang agrikultural na pagmamay-ari ni G. Arnold Alvarez upang maging commercial land na matatagpuan sa Barangay San Isidro Sur, City of Sto. Tomas, Batangas.

𝘾𝙤𝙢𝙢𝙞𝙩𝙩𝙚𝙚 𝙤𝙣 𝘼𝙥𝙥𝙧𝙤𝙥𝙧𝙞𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙨

– Tinalakay ang resolusyong nagbibigay-kapahintulutan sa Alkalde nang Lungsod, Hon. Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, at sa Ingat-Yaman ng Lungsod, Ms. Jenette Y. Rubico, na mag-invest at mag-reinvest sa treasury bills mula sa time deposit ng General Fund na may halagang ₱281,000,000.00 sa Landbank of the Philippines – Sto. Tomas Branch.

Patuloy ang masusing pagtalakay ng Pamahalaang Lungsod upang matiyak ang maayos, tapat, at makabuluhang serbisyo para sa bawat Tomasino.





Photos from Atty. Raquel Maloles-Salazar's post 03/02/2026

𝐉𝐎𝐈𝐍𝐓 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆

- 𝘾𝙤𝙢𝙢𝙞𝙩𝙩𝙚𝙚 𝙤𝙣 𝙏𝙧𝙖𝙣𝙨𝙥𝙤𝙧𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙖𝙣𝙙 𝙇𝙖𝙬𝙨

Isinagawa ng Sangguniang Panlungsod ang Joint Public Hearing ng Committee on Transportation and Laws upang talakayin ang panukalang ordinansa na nagbibigay kapahintulutan sa SM Prime Holding, Inc. na magtatag ng City of Sto. Tomas, Batangas Integrated Terminal Exchange (CSBITEX) sa loob ng SM City Sto. Tomas, Batangas, na pamamahalaan ng Park Solutions, Inc.





Want your business to be the top-listed Government Service in Santo Tomas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Santo Tomas