08/10/2026
Oktubre 06, 2026 โ Sa isinagawang ika-58 Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Sariaya, tinalakay ang mga usaping may kinalaman sa kabuhayan, tubig, at mga pangangailangan ng ating mga barangay.
Narito ang mga inaprubahan sa 2nd reading at dinespensa sa3rd at final reading:
Resolution No. 556-2026 โ Accreditation ng Balubag-Gibanga Waterworks and Multi-Purpose Cooperative
Para sa pormal na pagkilala at accreditation ng kooperatiba bilang isang organisasyong maaaring makipag-ugnayan sa pamahalaang lokal.
Resolution No. 558 โ Supplemental Budget No. 1 ng Barangay Poblacion 1 โ โฑ226,810.40
Karagdagang pondo ng barangay para sa mga gastusin at programang sakop ng supplemental budget.
Resolution No. 559 โ Supplemental Budget No. 1 ng Barangay Mamala 1 โ โฑ489,621.56
Karagdagang pondo para sa mga pangangailangan at gastusin ng barangay.
Resolution No. 560 โ Supplemental Budget No. 1 ng Barangay Pili โ โฑ172,699.10
Karagdagang pondo ng barangay para sa mga nakapaloob na pangangailangan at gawain nito.
Resolution No. 561 โ Supplemental Budget No. 1 ng Barangay Talaan Pantoc โ โฑ1,660,384.80
Karagdagang pondo ng barangay para sa mga gastusin at programang nakapaloob sa supplemental budget.
Resolution No. 562 โ Supplemental Budget No. 1 ng Barangay Bignay 2 โ โฑ415,059.00
Karagdagang pondo ng barangay para sa mga pangangailangan at programang nakalaan sa supplemental budget.
Municipal Ordinance No. 2026-11 โ Suggested minimum price na โฑ170/kilo para sa live-weight na baboy
Layunin nitong magrekomenda ng minimum na โฑ170 kada kilo upang magkaroon ng presyong panimulang gabay para sa live-weight na baboy. Tinalakay rin ang mababang farmgate price at pangamba ng mga magbababoy na malugi, habang isinasaalang-alang ang presyo sa merkado at posibilidad na lumipat ang mga mamimili sa ibang bayan.
Sa usapin ng tubig, humarap si Engr. Marlon Medrano ng Sariaya Water System upang sagutin ang mga katanungan hinggil sa hindi regular na suplay ng tubig sa bayan. Ipinaliwanag na mula Enero 2026 ay patuloy na bumababa ang produksyon ng tubig at nasa mas mababa na sa 50% ng kapasidad ng reservoir ang production. Bilang tugon, patuloy ang paggamit ng limang water truck para sa paghahatid ng tubig, habang isinasagawa rin ang mga proyekto tulad ng โฑ3.4-milyong pagsasaayos ng linya ng tubig mula sa spring sa Mamala, โฑ6.2-milyong Basic Infrastructure Program, at planong โฑ350-milyong rehabilitation at expansion ng water system.
Nagbigay rin ng update ang COMELEC, sa pamamagitan ni Election Officer Marlo Rosales, hinggil sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Ipinaalam na sa ilalim ng Republic Act No. 12326, ang susunod na BSKE ay nakatakda sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028, kayaโt ipinahinto rin ang mga election-related activities na may kaugnayan sa dating nakatakdang halalan. Nabanggit din na may nakabinbing apela sa Supreme Court kaugnay ng nasabing batas.
Nagbigay rin ng update ang COMELEC, sa pamamagitan ni Election Officer Marlo Rosales, hinggil sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Ipinaalam na sa ilalim ng Republic Act No. 12326, ang susunod na BSKE ay nakatakda sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028, kayaโt ipinahinto rin ang mga election-related activities na may kaugnayan sa dating nakatakdang halalan. Nabanggit din na may nakabinbing apela sa Supreme Court kaugnay ng nasabing batas.