Sasmuan Information Office

Sasmuan Information Office Official page of the Municipal Information Office of Sasmuan, Pampanga.

28/09/2026

21 GRAMO NG HINIHINALAANG SHABU, NASAMSAM SA BUY-BUST SA SASMUAN; ISANG SUSPEK ARESTADO

CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA — Isang indibidwal ang naaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Sasmuan Municipal Police Station sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation dakong 10:45 PM noong September 27, 2026, sa Brgy. Sta. Lucia, Sasmuan, Pampanga.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa isang suspek at pagkakakumpiska ng tinatayang 21 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱142,800.00.

Nasamsam din sa operasyon ang isang ₱500 marked money, isang cellular phone, isang pakete ng ice candy plastic, isang glass pipe, isang pouch, at isang gunting.

Ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Sasmuan MPS para sa karagdagang imbestigasyon, dokumentasyon, at kaukulang disposisyon. Inihahanda ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng nararapat na kaso sa ilalim ng Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165, alinsunod sa umiiral na batas at legal na proseso.

WALANG TIGIL ANG LABAN KONTRA ILEGAL NA DROGA!
PARA SA LIGTAS NA PAMAYANAN! ani PCOL RICARDO M DAVID.




The Municipal employees of Sasmuan joins the celebration of Kainang Pamilya Mahalaga Day! ❤️Sama-samang ipinagdiriwang a...
28/09/2026

The Municipal employees of Sasmuan joins the celebration of Kainang Pamilya Mahalaga Day! ❤️

Sama-samang ipinagdiriwang ang kahalagahan ng pamilya sa pamamagitan ng pagsasalo, kwentuhan, at pagbibigayan ng oras sa isa’t isa!



DENR-NCR VISITS SASMUAN FOR WETLAND BENCHMARKING!Isinagawa noong nakaraang linggo ang courtesy call at benchmarking acti...
28/09/2026

DENR-NCR VISITS SASMUAN FOR WETLAND BENCHMARKING!

Isinagawa noong nakaraang linggo ang courtesy call at benchmarking activity ng DENR-NCR sa Sasmuan bilang bahagi ng kanilang experiential learning on wetland management and environmental programs.

Tampok sa aktibidad ang pagbisita sa Sasmuan Bangkung Malapad Critical Habitat and Ecotourism Area (SBMCHEA) upang mapag-aralan ang mga best practices sa pangangalaga at pamamahala ng wetlands, mangroves, at iba pang coastal resources.

Layunin ng aktibidad na maibahagi ang mga kaalaman at karanasan sa environmental program implementation na maaaring makatulong sa pagsusulong ng sustainable management at rehabilitation initiatives sa Manila Bay area.



27/09/2026
27/09/2026
WEEKLY CLEAN-UP DRIVEPatuloy ang Weekly Clean-Up Drive sa Dalan Baba Road at Creek, sa direktiba ni Mayor Catalina M. Ca...
26/09/2026

WEEKLY CLEAN-UP DRIVE

Patuloy ang Weekly Clean-Up Drive sa Dalan Baba Road at Creek, sa direktiba ni Mayor Catalina M. Cabrera, bilang bahagi ng tuloy-tuloy na pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ating komunidad.

Patuloy ang serbisyo, patuloy ang pagkilos para sa malinis na Sasmuan!



COMMITTEE HEARING ISINAGAWA KAUGNAY NG SUPLAY AT KALIDAD NG TUBIG SA SASMUANIsinagawa ang Committee Hearing ng Sanggunia...
23/09/2026

COMMITTEE HEARING ISINAGAWA KAUGNAY NG SUPLAY AT KALIDAD NG TUBIG SA SASMUAN

Isinagawa ang Committee Hearing ng Sangguniang Bayan ng Sasmuan kaugnay ng mga hinaing ng mga consumer sa suplay at serbisyo ng tubig.

Pinangunahan ni Committee Chairperson Councilor Pablo Isip ang pagdinig, kasama ang committee members kung saan humarap si SAWADI General Manager Madel Austria upang magbigay ng paliwanag at sagutin ang mga katanungan ng komite.



ONGOING | COMMITTEE HEARINGKasalukuyang isinasagawa ang Committee Hearing ng Committee on Public Works, Infrastructure a...
23/09/2026

ONGOING | COMMITTEE HEARING

Kasalukuyang isinasagawa ang Committee Hearing ng Committee on Public Works, Infrastructure and Utilities at Committee on Ecology and Environmental Protection kaugnay ng isyu sa suplay ng tubig ng SAWADI.

Humarap sa komite si SAWADI General Manager Madel Austria upang talakayin at sagutin ang mga katanungan hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng water service at mga concerns ng mga Sasmuaneño.



Address

Sasmuan

Opening Hours

Monday 8am - 7pm
Tuesday 8am - 7pm
Wednesday 8am - 7pm
Thursday 8am - 7pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sasmuan Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share