4Ps MOO - Silang

4Ps MOO - Silang

Share

Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) MOO - Silang

Photos from Municipal Government of Silang's post 03/06/2026
Photos from Pantawid Pamilyang Pilipino Program - 4Ps's post 03/06/2026

πŸ“² From FYP to FYI, mga Ka-4Ps! ✨
Sasagutin ni Mrs. Caring ang inyong mga katanungan tungkol sa 4Ps β€” dahil siya ay laging handang makinig at tumugon nang may malasakit. πŸ’™
πŸ’¬ Ang tampok na tanong this week:
β€œBack-to-school na, mga Ka-4Ps! Anu-ano ang dapat tandaan ng parents at guardians para manatiling compliant sa school requirements ng programa? πŸ“šβœ¨β€
Ngayong balik-eskwela season, mahalagang masigurong handa ang mga bata hindi lamang sa school supplies at enrollment β€” kundi pati sa pagtugon sa school compliance requirements ng programa.
Narito ang ilang Back-to-School reminders para sa ating mga Ka-4Ps parents at guardians:
πŸ“š Siguraduhing naka-enroll ang mga batang sakop ng education grant.
Mahalagang ma-enroll ang mga bata sa tamang grade level at paaralan upang patuloy na ma-monitor ang kanilang school compliance.
βœ… Panatilihin ang regular na pagpasok sa paaralan.
Bilang bahagi ng education conditionalities ng programa, kailangang mapanatili ng mga batang benepisyaryo ang hindi bababa sa 85% school attendance bawat buwan upang manatiling compliant sa school requirements ng programa.
πŸ“ Ihanda at itabi ang mahahalagang school-related documents.
Panatilihing maayos at updated ang mga dokumentong maaaring kailanganin para sa validation, updating, at monitoring.
πŸ“’ I-report agad ang anumang pagbabago sa inyong City/Municipal Links.
Kung lumipat ng paaralan o may pagbabago sa school information o status ng bata, agad itong ipaalam upang ma-update ang inyong records.
πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦ Makipag-ugnayan sa inyong City/Municipal Links kung may concerns o katanungan.
Mas mabuting magtanong agad upang maiwasan ang maling impormasyon o magkaroon ng problema sa compliance monitoring.
Mga Ka-4Ps, tandaan: Ang regular na pagpasok sa paaralan at aktibong paggabay ng mga magulang at guardians ay mahalagang hakbang tungo sa mas magandang kinabukasan ng ating mga anak. πŸ’™
✨ May gustong malaman tungkol sa 4Ps? Si Mrs. Caring na ang bahalang magbahagi ng impormasyong dapat ninyong malaman, mga Ka-4Ps!
πŸ“’ Patuloy na tumutok sa official page ng 4Ps para sa timely at accurate na impormasyon at updates!

02/06/2026

πŸ…Mga atletang galing sa 4Ps, galing ng 4Ps!πŸ…

Patuloy na pinatutunayan ng mga batang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na ang sipag, tiyaga, at determinasyon ay daan tungo sa tagumpay.

Sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2026 sa Agusan del Sur, kabuuang 368 4Ps child-athletes mula sa iba't ibang panig ng bansa ang nagpakitang-gilas at nag-uwi ng 146 medalya:

πŸ₯‡ 57 Ginto
πŸ₯ˆ 45 Pilak
πŸ₯‰ 44 Tanso

Mula sa track and field, football, baseball, sepak takraw, boxing, at iba pang larangan ng palakasan, ipinakita ng ating mga kabataang atleta ang kanilang husay, disiplina, at dedikasyon.

Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang tagumpay ng bawat atleta kundi tagumpay din ng kanilang mga pamilya, komunidad, at ng programang patuloy na nagbibigay sinag tungo sa kanilang pag-unlad.

Sa bawat medalya at bawat pangarap na kanilang natutupad, mas lalong pinatutunayan na ang mga batang 4Ps ay may kakayahang maabot ang kanilang buong potensyal kapag nabibigyan ng pagkakataon at suporta.

πŸŽ‰ Binabati ng DSWD at ng 4Ps ang lahat ng 4Ps young athletes na nagbigay ng karangalan sa kanilang mga rehiyon at sa buong bansa.

Mabuhay ang manlalarong 4Ps, tunay na Galing sa 4Ps, Galing ng 4Ps!




Photos from DSWD Protective Services Bureau's post 02/06/2026

Alamin ang mga benepisyo, serbisyo at iba pang mga importanteng impormasyon tungkol sa Expanded Solo Parents Welfare Act (RA 11861).


29/05/2026

πŸ“’ PAANYAYA SA MGA PAMILYANG 4Ps πŸ“’
Bilang pakikiisa sa Brigada Eskwela 2026 ng Department of Education (DepEd), hinihikayat ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang lahat ng beneficiaries, kabataan, magulang, Parent Leaders, at mga miyembro ng komunidad na aktibong makilahok sa mga paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Sa pamamagitan ng Brigada Eskwela, layunin nating maitaguyod ang bayanihan, volunteerism, at sama-samang pananagutan upang matiyak na handa, ligtas, malinis, at maayos ang ating mga paaralan para sa pagbabalik-eskuwela ng mga bata.
Ang gawaing ito ay pagkakataon para maipakita ng 4Ps na ang bawat pamilyang benepisyaryo at katuwang ng komunidad sa pagsusulong ng edukasyon at kinabukasan ng ating mga anak.
Mga ka-4Ps, ang bawat oras, lakas, at simpleng pagtulong ay mahalagang ambag para sa mas maayos na kapaligiran ng pagkatuto ng ating mga anak.
Tandaan, sa Brigada Eskwela, sama-samang kumikilos ang pamilyang 4Ps upang matiyak na handa, ligtas, at maayos ang paaralan para sa pagbabalik-eskuwela ng mga bata.
πŸ’™ Bawat Pamilyang 4Ps, Katuwang sa Handa at Ligtas na Paaralan.




πŸ“’ PAANYAYA SA MGA PAMILYANG 4Ps πŸ“’

Bilang pakikiisa sa Brigada Eskwela 2026 ng Department of Education (DepEd), hinihikayat ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang lahat ng beneficiaries, kabataan, magulang, Parent Leaders, at mga miyembro ng komunidad na aktibong makilahok sa mga paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Sa pamamagitan ng Brigada Eskwela, layunin nating maitaguyod ang bayanihan, volunteerism, at sama-samang pananagutan upang matiyak na handa, ligtas, malinis, at maayos ang ating mga paaralan para sa pagbabalik-eskuwela ng mga bata.

Ang gawaing ito ay pagkakataon para maipakita ng 4Ps na ang bawat pamilyang benepisyaryo at katuwang ng komunidad sa pagsusulong ng edukasyon at kinabukasan ng ating mga anak.

Mga ka-4Ps, ang bawat oras, lakas, at simpleng pagtulong ay mahalagang ambag para sa mas maayos na kapaligiran ng pagkatuto ng ating mga anak.

Tandaan, sa Brigada Eskwela, sama-samang kumikilos ang pamilyang 4Ps upang matiyak na handa, ligtas, at maayos ang paaralan para sa pagbabalik-eskuwela ng mga bata.

πŸ’™ Bawat Pamilyang 4Ps, Katuwang sa Handa at Ligtas na Paaralan.





28/05/2026

Sama-sama tayong makiisa para sa ligtas, malinis, at handang paaralan para sa ating mga kabataan!

Sa pamamagitan ng kampanyang β€œBata Balik Eskuwela: Sama-Samang Brigada para sa Kinabukasan,” hinihikayat ng 4Ps National Program Management Office (NPMO) ang aktibong pakikilahok ng mga pamilyang benepisyaryo, komunidad, at mga katuwang sa Brigada Eskwela 2026.

Bawat ambag, maliit man o malaki, ay hakbang tungo sa mas maayos na kinabukasan ng ating mga mag-aaral. Tara na sa Brigada Eskwela! 🧹🏫❀️






Photos from Local Civil Registry Office - LGU Silang's post 26/05/2026
19/05/2026

BAGONG PILIPINAS, BAGONG PAG-ASA SA EDUKASYON! πŸŽ“βœ¨

Isa ka bang masipag at matalinong mag-aaral na nangangailangan ng tulong pinansyal? Ngayon na ang pagkakataon! Mag-apply na sa Bagong Pilipinas Merit Scholarship Program ng CHED at buksan ang mas malaking oportunidad para sa iyong kinabukasan, mula aplikasyon hanggang tagumpay! I-scan lang ang QR Code para mag-simula! πŸ“šπŸ‡΅πŸ‡­

Want your business to be the top-listed Government Service in Silang?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address

Old Municipal Hall, 2nd Floor Of Police Station, Municipal Operations Office/Silang, Brgy. Poblacion 2
Silang
4118

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm