05/07/2025
MENSAHE SA PANUNUMPA
Kgg. Daryl E. Dumpit
Konsehal ng Bayan, Sipocot (2025–2028)
Honorable Mayor, my fellow members of the Sangguniang Bayan, government officials, mga bisita, at sa mahal kong mga Sipocoteño—
Magandang araw po sa ating lahat.
With deep humility and heartfelt gratitude, I stand before you today as I officially take my oath as Municipal Councilor of Sipocot.
Hindi lang po ito isang personal na tagumpay—ito po ay tagumpay ng Barangay Calagbangan. Matagal nang nangarap ang aming barangay na magkaroon ng kinatawan sa sangguniang bayan. Maraming ulit na nabigo, pero ngayon, ako po ay narito—hindi upang magyabang, kundi upang maglingkod. This is not about power, it’s about purpose.
Bilang bagitong mambabatas, aaminin ko po, may kaba. But more than being nervous, I am eager and willing to learn, to grow, and to become a better public servant every single day. Handa akong matuto. And I ask you—my fellow officials, my mentors, and our citizens—to help me become worthy of this mandate.
Wala man po akong kilalang apelyido, wala man akong yaman, pero dala ko po ang isang puso na handang maglingkod nang buong katapatan.
My campaign was anchored on a simple but powerful call:
“Serbisyong Malupit”—isang serbisyo na matapang, patas, at para sa nakararami. Ngayong ako ay inyong pinagkatiwalaan, sisiguraduhin ko po na ang prinsipyo ng Serbisyong Malupit ang magsisilbing gabay sa bawat desisyong aking gagawin.
At this point, allow me to express my deepest gratitude to all those who walked with me during the campaign—mga kaibigan, supporters, volunteers, at mga kabarangay ko sa Calagbangan na hindi bumitaw sa laban. Sa lahat ng naniwala sa akin kahit ako'y bago, salamat po. I would also like to give special recognition to my wife, who stood beside me with strength, sacrifice, and unwavering support. She allowed me to pursue this path—not for fame or fortune, but because she knows this is my calling. Ganito po talaga ako—simple lang, pero mahal ko ang tumulong sa kapwa. That’s where I find fulfillment.
Habang ako’y nagsisimula sa panibagong yugto ng paglilingkod, ako’y nananawagan sa lahat:
Magkaisa po tayo. Sapagkat sa pagkakaisa, may kapayapaan. At sa kapayapaan, tunay na pag-unlad ang makakamtan.
Ang aking pangarap ay isang Sipocot na makatao, makatarungan, at para sa lahat. A town where every citizen has a voice, where no one is left behind—regardless of political color, social status, or beliefs. Sapagkat sa tunay na paglilingkod, walang mataas, walang mababa. Lahat ay dapat pakinggan, lingapin, at paglingkuran.
Public office is not a privilege—it is a duty. Leadership is not a contest—it is a vow. Isang panatang maglingkod nang tapat, bukas, at para sa ikabubuti ng lahat.
I commit to be a bridge of meaningful change—not for personal gain, but for relevant legislation, for inclusive growth, at para sa isang Sipocot na mas makatao, mas maunlad, at mas makatarungan.
At bilang pagtatapos, nais kong iwan sa inyo ang mensaheng patuloy kong isasabuhay sa aking panunungkulan:
"True servant leadership is found in humility, forged in perseverance, and fulfilled in inclusive progress—for only then can we shape a better tomorrow, and a better Sipocot."
Mabuhay ang Serbisyong Malupit!
Mabuhay ang bayan ng Sipocot!