15/10/2026
π‘οΈ PILIPINAS, IKASIYAM SA MGA BANSA NA MAY PINAKAMATAAS NA PROJEKSIYON NG HEAT-RELATED DEATHS
Tinatayang 6,500 karagdagang pagkamatay sa Pilipinas ang maaaring maiugnay sa matinding init mula Setyembre 2026 hanggang Pebrero 2027, ayon sa projection ng Climate Impact Lab.
Batay sa talaan ng 50 bansang posibleng pinakamatinding maapektuhan, nasa ikasiyam na puwesto ang Pilipinas sa tinatayang bilang ng karagdagang heat-related deaths sa panahong saklaw ng pag-aaral.
Binigyang-diin ng mga mananaliksik ang pangangailangan ng maagap na paghahanda, kabilang ang heat warnings, cooling centers, at proteksiyon para sa mga manggagawang nagtatrabaho sa ilalim ng matinding init, upang mabawasan ang panganib sa buhay.
Ang 6,500 ay projection, hindi kumpirmadong bilang ng mga pagkamatay.
Source: Climate Impact Lab via The Guardian