22/09/2026
93 4Ps Beneficiaries sa South Upi, Maguindanao del Sur, Sumailalim sa Biometric Registration
South Upi, Maguindanao del Sur — Siyamnapu’t tatlong (93) benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), kabilang ang mga bagong rehistradong Set 14 beneficiaries, ang sumailalim sa biometric registration kahapon, Lunes, Setyembre 21, 2026, sa bayan ng South Upi, Maguindanao del Sur.
Isinagawa ang biometric registration bilang isa sa mga kinakailangang hakbang bago maiproseso ang Cash Card ng mga benepisyaryo. Sa pamamagitan nito, kinukuha at itinatala ang biometric information ng bawat beneficiary para sa kanilang pagkakakilanlan at account processing.
Partikular ding isinama sa aktibidad ang mga Set 14 beneficiaries, na kabilang sa mga bagong benepisyaryong kailangang makumpleto ang kanilang registration requirements bilang bahagi ng kanilang onboarding sa programa.
Pinangunahan at sinuportahan ang aktibidad ng mga 4Ps Maguindanao del Sur Focals, 4Ps Case Managers at Case Manager Assistants na nagtulungan upang maging maayos at organisado ang daloy ng registration.
Patuloy na isinasagawa ng 4Ps ang mga kinakailangang proseso sa beneficiary registration at record management upang matiyak na napapanahon at maayos ang datos ng mga pamilyang kabilang sa programa.