Strategic Communications Team - Hon. Mayor Helen Benito-Padua

Strategic Communications Team - Hon. Mayor Helen Benito-Padua Stay informed. Stay connected.

We are dedicated to delivering timely, transparent, and accurate updates about local governance, public service initiatives, and community programs in partnership with our Mayor’s office.

STATEMENT OF CONDEMNATIONThe Office of the Mayor of South Upi, Maguindanao del Sur, strongly condemns the reported ambus...
16/08/2026

STATEMENT OF CONDEMNATION

The Office of the Mayor of South Upi, Maguindanao del Sur, strongly condemns the reported ambush against Interim Chief Minister Abdulraof A. Macacua and his security team. Any attempt to harm a public servant, particularly the head of the Bangsamoro Government, is a grave and unacceptable act that threatens public safety, peace, stability, and the hard-earned gains of the Bangsamoro.

We call on law enforcement authorities to conduct a swift, impartial, and thorough investigation, identify those responsible, and hold them accountable under the law. Violence, intimidation, and threats have no place in a democratic society. Differences and grievances must be addressed through dialogue, peaceful means, and respect for the rule of law.

The Office of the Mayor stands in solidarity with Chief Minister Macacua, his family, his security personnel, and all those affected by this senseless act. We urge our communities to remain calm, vigilant, and united, and to avoid spreading unverified information that may further create fear and division.

At this critical time, let us protect the peace and democratic gains of the Bangsamoro and reaffirm our commitment to justice, accountability, and peaceful governance. We condemn violence. We stand for peace. We stand united for the Bangsamoro.

HON. HELEN BENITO-PADUA
Mayor
Municipality of South Upi
16 August 2026

09/07/2026

πŸ“’ ANNOUNCEMENT | CLASS SUSPENSION EXTENDED

Sa bisa ng Executive Order No. 023, Series of 2026, ipinagpapalawig ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas, kapwa pampubliko at pribadong paaralan, sa buong Lalawigan ng Maguindanao del Sur.

Ang pagpapalawig ng suspensyon ay bunsod ng patuloy na epekto ng Southwest Monsoon (Habagat) na lalo pang pinalakas ng Bagyong Inday, na nagdudulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan at banta ng pagbaha at iba pang panganib.

Hinihikayat ang lahat na manatiling mapagmatyag, sundin ang mga abiso ng mga lokal na pamahalaan at kinauukulang ahensya, at unahin ang kaligtasan ng bawat isa.

Stay safe, Maguindanao del Sur! πŸŒ§οΈπŸ™

08/07/2026

πŸ“’ WALANG PASOK BUKAS SA LAHAT NG PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN SA LAHAT NG ANTAS SA MUNICIPALITY OF SOUTH UPI
(Hunyo 9, 2026)

03/07/2026

Ang kapangyarihan sa pamahalaan ay dapat gamitin alinsunod sa batas, hindi batay sa pag-aakala o sariling pagpapasya. Kapag lumampas sa itinakdang hangganan ng batas ang isang awtoridad, ang pananagutan ay hindi maiiwasan.

Magandang gabi β™₯️✊🏽

π—¦π—ž 𝗦𝗒𝗨𝗧𝗛 π—¨π—£π—œ, π—‘π—”π—šπ—–π—’π—¨π—₯π—§π—˜π—¦π—¬ π—–π—”π—Ÿπ—Ÿ π—žπ—”π—¬ 𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ π—›π—˜π—Ÿπ—˜π—‘ π—•π—˜π—‘π—œπ—§π—’-𝗣𝗔𝗗𝗨𝗔 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—œπ—‘π—”π—”π—•π—”π—‘π—š π—œπ—‘π—§π—˜π—₯π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ 𝗬𝗒𝗨𝗧𝗛 𝗗𝗔𝗬Nagsagawa ng courtes...
02/07/2026

π—¦π—ž 𝗦𝗒𝗨𝗧𝗛 π—¨π—£π—œ, π—‘π—”π—šπ—–π—’π—¨π—₯π—§π—˜π—¦π—¬ π—–π—”π—Ÿπ—Ÿ π—žπ—”π—¬ 𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ π—›π—˜π—Ÿπ—˜π—‘ π—•π—˜π—‘π—œπ—§π—’-𝗣𝗔𝗗𝗨𝗔 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—œπ—‘π—”π—”π—•π—”π—‘π—š π—œπ—‘π—§π—˜π—₯π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ 𝗬𝗒𝗨𝗧𝗛 𝗗𝗔𝗬

Nagsagawa ng courtesy call ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Municipality of South Upi sa Tanggapan ni Mayor Hon. Helen Benito-Padua upang talakayin ang mga paghahanda para sa nalalapit na pagdiriwang ng International Youth Day.

Sa naging pagpupulong, tinalakay ng SK Federation at ng Pamahalaang Bayan ang mga nakaplanong programa at aktibidad na naglalayong hikayatin ang aktibong partisipasyon ng mga kabataan sa pagpapaunlad ng komunidad, pagpapalakas ng liderato, at pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa.

Ipinahayag ni Mayor Helen Benito-Padua ang kanyang buong suporta sa mga inisyatiba ng kabataan at hinikayat ang mga opisyal ng SK na patuloy na magsulong ng mga programang makabuluhan, inklusibo, at nakatuon sa kapakanan at pag-unlad ng mga kabataan sa South Upi.

Ang nasabing courtesy call ay nagsilbing mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng ugnayan ng lokal na pamahalaan at ng Sangguniang Kabataan upang matiyak ang matagumpay at makabuluhang pagdiriwang ng International Youth Day sa bayan ng South Upi.

MAHIGIT 100 SMALL ARMS AT LIGHT AND HEAVY WEAPONS, ISINUKO SA PAMUMUNO NI MAYORA HELEN BENITO-PADUASOUTH UPI, MAGUINDANA...
30/06/2026

MAHIGIT 100 SMALL ARMS AT LIGHT AND HEAVY WEAPONS, ISINUKO SA PAMUMUNO NI MAYORA HELEN BENITO-PADUA

SOUTH UPI, MAGUINDANAO DEL SUR β€” Mahigit isang daang (100) small arms and light weapons ang boluntaryong isinuko sa ilalim ng Small Arms and Light Weapons Management (SALW-M) Program, kasabay ng matagumpay na pagsasagawa ng Livelihood Distribution sa South Upi Municipal Gymnasium.

Pinangunahan ni Mayor Helen Benito-Padua ang programa at naghatid ng mensahe ng pagtanggap sa mga panauhin at benepisyaryo. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan, mga komunidad, at mga katuwang sa pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa South Upi.

Tampok sa programa ang Presentation of Turned-in Fi****ms, kung saan ipinakita ang mahigit 100 armas na boluntaryong isinuko ng mga indibidwal bilang suporta sa layunin ng SALW-M na mabawasan ang paglaganap ng mga armas at mapalakas ang seguridad sa komunidad. Kasabay nito, ipinamahagi rin ang livelihood assistance sa mga kwalipikadong benepisyaryo upang mabigyan sila ng alternatibong kabuhayan at mas matatag na kinabukasan.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), Joint Peace and Security Committee, Bangsamoro Government, at iba pang mga katuwang sa peacebuilding.

Ang matagumpay na programa ay sumasalamin sa matibay na ugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng South Upi at ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagtataguyod ng kapayapaan, seguridad, at pangkabuhayang oportunidad para sa mamamayan.

π’πˆππ€π† π’πŽπ”π“π‡ π”ππˆ!
𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 πˆππ€, π’π„π‘ππˆπ’π˜πŽππ† πŒπ€π˜ ππ”π’πŽ!

DIGITALIZATION FOR YOUNG MINDS, ISINUSULONG SA MGA KABATAAN NG K3Isinusulong ng Higit Sa Lahat Looy Elementary School an...
27/06/2026

DIGITALIZATION FOR YOUNG MINDS, ISINUSULONG SA MGA KABATAAN NG K3

Isinusulong ng Higit Sa Lahat Looy Elementary School ang mas pinatibay na digital learning environment para sa mga mag-aaral sa K–3 sa pamamagitan ng patuloy na School Digitalization Program.

Bilang bahagi ng inisyatiba, nakapag-canvass at nakapag-procure ang paaralan ng pitong (7) 50-inch Google TVs na nakalaan para sa mga batang mag-aaral upang mapalawak ang kanilang learning experience gamit ang makabagong teknolohiya.

Ang proyektong ito ay naging posible sa pagtutulungan ng STI Cotabato, LGU South Upi, at CBCS, kung saan nagbigay ang STI Cotabato ng teknikal na suporta para sa maayos na integrasyon ng digital tools sa pagtuturo, habang ang Tanggapan ng Alkalde ng LGU South Upi ay naglaan ng pinansyal na suporta upang mapalakas ang programang pang-edukasyon.

Mula sa pisara patungo sa smart screens, layunin ng inisyatiba na pagdugtungin ang tradisyunal at modernong paraan ng pagkatuto na magpapaigting ng kuryosidad, pagkamalikhain, at kumpiyansa ng bawat bata.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy na binubuksan ang landas tungo sa isang edukasyong digital, inklusibo, at makabago para sa kinabukasan ng kabataan.

Photo: Looy Elementary School

IN PHOTOS: Among the active participants in the Department of Health (DOH) Mayors Forum are the Local Chief Executives o...
24/06/2026

IN PHOTOS: Among the active participants in the Department of Health (DOH) Mayors Forum are the Local Chief Executives of Maguindanao del Norte and Maguindanao del Sur, including Mayor Helen Benito-Padua of South Upi, who joined fellow mayors in discussions aimed at strengthening local health governance and improving public health services in the region.

πŸ“Έ PHOTO  | Mayor Helen Benito-Padua Dumalo sa BARMM Mayors Forum 2026DAVAO CITY β€” Nakiisa si Mayor Helen Benito-Padua ng...
24/06/2026

πŸ“Έ PHOTO | Mayor Helen Benito-Padua Dumalo sa BARMM Mayors Forum 2026

DAVAO CITY β€” Nakiisa si Mayor Helen Benito-Padua ng South Upi sa unang araw ng BARMM Mayors Forum 2026 na ginanap sa Davao City mula Hunyo 23–25, 2026.

Sa pagbubukas ng programa, binigyang-diin ni Minister Kadil Sinolinding Jr. ang kahalagahan ng matibay na ugnayan ng mga lokal na pamahalaan at ng sektor ng kalusugan upang mapabuti ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa Bangsamoro.

Nagbigay rin ng mga mahahalagang talakayan sina Dr. Didith Bosoen, Dr. Hashimi Dilangalen, at Dr. Jojo Sinolinding tungkol sa pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan at mga LGU sa pagtugon sa mga isyung pangkalusugan at pagpapalakas ng mabuting pamamahala.

Ang pagdalo ni Mayor Benito-Padua ay nagpapakita ng patuloy na suporta ng South Upi sa mga programang naglalayong mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng mamamayan.

Address

South Upi

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Strategic Communications Team - Hon. Mayor Helen Benito-Padua posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share