MSWDO Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat

MSWDO Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat Official page of MSWDO SNA, Sultan Kudarat

Matagumpay na naisagawa ang sabay-sabay na pamamahagi ng Social Pension para sa 3rd Quarter ng Taong 2026 sa ating mga k...
21/09/2026

Matagumpay na naisagawa ang sabay-sabay na pamamahagi ng Social Pension para sa 3rd Quarter ng Taong 2026 sa ating mga kwalipikadong Senior Citizen sa Bayan ng Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Ang programang ito ay mahalagang tulong sa ating mga nakatatanda, lalo na sa pagtugon sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Patuloy itong isinasagawa bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na maghatid ng serbisyong may malasakit at suporta sa ating mga minamahal na senior citizen.

PUBLIC ADVISORY | SUSPENSION OF FACE-TO-FACE CLASSESFor the safety and protection of our learners and school personnel, ...
20/09/2026

PUBLIC ADVISORY | SUSPENSION OF FACE-TO-FACE CLASSES

For the safety and protection of our learners and school personnel, the Local Government Unit of Senator Ninoy Aquino is implementing a temporary shift from face-to-face classes to modular learning on Monday, September 21, 2026.

FACE-TO-FACE CLASSES ARE SUSPENDED in all public and private schools in the Municipality of Senator Ninoy Aquino, covering all class levels.

Everyone is urged to remain calm and report any suspicious information or activity to the proper authorities.

Please be guided accordingly. The safety of our learners and the entire school community remains a priority.

“𝐒𝐍𝐀 𝐌𝐏𝐒 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐍 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐒𝐇𝐎𝐎𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐀𝐓 𝐏𝐎𝐒𝐓𝐄𝐃 𝐎𝐍 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐀”Tinitiyak ng 𝐒𝐞𝐧𝐚𝐭𝐨𝐫 𝐍𝐢𝐧𝐨𝐲 𝐀𝐪𝐮𝐢𝐧𝐨 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐜𝐞 𝐒...
19/09/2026

“𝐒𝐍𝐀 𝐌𝐏𝐒 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐍 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐒𝐇𝐎𝐎𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐀𝐓 𝐏𝐎𝐒𝐓𝐄𝐃 𝐎𝐍 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐀”

Tinitiyak ng 𝐒𝐞𝐧𝐚𝐭𝐨𝐫 𝐍𝐢𝐧𝐨𝐲 𝐀𝐪𝐮𝐢𝐧𝐨 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐜𝐞 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 sa lahat ng mga mag-aaral, g**o, school personnel, at mga magulang na ang naiulat na school shooting threat na ipinost sa social media ay agad nang naaksyunan at nabigyan ng kaukulang intervention ng kapulisan, katuwang ang pamunuan ng paaralan, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), mga g**o, at mga kinauukulang barangay authorities.

Agad na nagsagawa ng pagbisita at assessment ang mga tauhan ng SNA MPS sa pangunguna ni 𝐏𝐌𝐀𝐉 𝐀𝐑𝐍𝐄𝐋 𝐏. 𝐋𝐄𝐆𝐀𝐃𝐀, Chief of Police , kasama ang mga kinatawan ng paaralan, MSWDO, at barangay upang malaman ang tunay na kalagayan at dahilan sa likod ng naturang post. Sa isinagawang pakikipanayam sa estudyante, kasama ang kanyang guardian, naipaliwanag ang seryosong epekto at posibleng legal na pananagutan na maaaring idulot ng paggawa o pagbabahagi ng anumang mapanganib o nagbabantang pahayag sa social media. Ang naturang estudyante ay iniwan sa pangangalaga ng kanyang guardian at patuloy na sasailalim sa monitoring, counseling, at intervention ng MSWDO.

Walang dahilan upang mangamba o mag-panic ang ating mga mag-aaral, g**o, at mga magulang. Agad na kumilos ang SNA MPS upang matukoy at matugunan ang nasabing banta, at patuloy ang koordinasyon ng kapulisan sa paaralan at iba pang stakeholders upang mapanatili ang kaligtasan ng buong school community. Bilang karagdagang preventive measure, papanatilihin at palalakasin ng SNA MPS ang police visibility at security deployment sa mga paaralan, gayundin ang regular na pagbisita, pakikipag-ugnayan, at dialogue sa mga school administrators, g**o, mag-aaral, at mga magulang upang agad na matugunan ang anumang security concern.

𝙋𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙜 𝙎𝙉𝘼 𝙈𝙋𝙎: Ang bawat banta na ipinapahayag o ibinabahagi online ay sineseryoso ng kapulisan. Hindi dapat gawing biro, prank, o paraan upang makakuha ng likes at atensyon ang anumang post na maaaring magdulot ng takot o panganib sa ibang tao. Hinihikayat ang lahat, lalo na ang mga kabataan, na maging responsable sa paggamit ng social media, mag-isip bago mag-post o mag-share, at agad na ipagbigay-alam sa mga awtoridad o school officials ang anumang kahina-hinala o nagbabantang content.

Ang kaligtasan ng bawat mag-aaral ay responsibilidad nating lahat. Patuloy na makikiisa ang SNA MPS sa ating mga paaralan, g**o, magulang, at kabataan upang matiyak na ang ating mga paaralan ay mananatiling ligtas na lugar para sa pagkatuto, paglago, at pag-abot sa mga pangarap. Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na police presence, dialogue, counseling, at pagtutulungan ng buong komunidad, sama-sama nating mapapanatili ang katahimikan at seguridad sa ating mga paaralan.



PAALALA! Ngayong araw na po, Setyembre 18, 2026, ang nakatakdang schedule ng release ng mga unclaimed UPLIFT Assistance ...
17/09/2026

PAALALA! Ngayong araw na po, Setyembre 18, 2026, ang nakatakdang schedule ng release ng mga unclaimed UPLIFT Assistance (First Tranche) sa Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat. ☺️

PAALALA SA MGA BENEPISYARYO NG UPLIFT!

Para sa mga hindi pa nakapag-claim ng kanilang UPLIFT Assistance para sa UNANG TRANCHE, ang pay-out para sa UNCLAIMED ay nakatakda sa:

📅 Setyembre 18, 2026 (Biyernes)
📍 SNA Municipal Gymnasium

PAALALA: Ang schedule na ito ay para lamang sa UNANG TRANCHE na hindi pa na-claim. Wala pang opisyal na schedule para sa IKALAWANG TRANCHE.

PAALALA SA MGA BENEPISYARYO NG UPLIFT!Para sa mga hindi pa nakapag-claim ng kanilang UPLIFT Assistance para sa UNANG TRA...
14/09/2026

PAALALA SA MGA BENEPISYARYO NG UPLIFT!

Para sa mga hindi pa nakapag-claim ng kanilang UPLIFT Assistance para sa UNANG TRANCHE, ang pay-out para sa UNCLAIMED ay nakatakda sa:

📅 Setyembre 18, 2026 (Biyernes)
📍 SNA Municipal Gymnasium

PAALALA: Ang schedule na ito ay para lamang sa UNANG TRANCHE na hindi pa na-claim. Wala pang opisyal na schedule para sa IKALAWANG TRANCHE.

ATTENTION: WALANG GUTOM PROGRAM BENEFICIARIESMagkakaroon ng Food Redemption Activity para sa mga identified beneficiarie...
27/08/2026

ATTENTION: WALANG GUTOM PROGRAM BENEFICIARIES

Magkakaroon ng Food Redemption Activity para sa mga identified beneficiaries ng Walang Gutom Program.

Date: September 3, 2026 (Thursday)
Time: 8:30 AM
Venue: Brgy. Kulaman Gymnasium

Bago pumunta sa venue, mangyaring tingnan muna sa inyong barangay ang official list upang makumpirma kung kasama ang inyong pangalan.

Mga kailangang dalhin:

• Original valid government-issued ID
• Beneficiary’s EBT Card

Para sa Authorized Representative:

Maaaring mag-claim ang authorized representative kung ang beneficiary ay deceased, incapacitated, bedridden, buntis, seriously ill, o hindi makakapag-claim nang personal.

Dalhin ang:

• Mga requirements ng beneficiary
• Original valid government-issued ID ng authorized representative
• Authorization Letter na pirmado ng beneficiary, maliban sa deceased beneficiaries
• Para sa deceased beneficiary, Death Certificate o Barangay Certification

Mahalagang Paalala: Hindi maaaring mag-claim ang mga minor, maliban kung ang registered beneficiary ay minor, alinsunod sa Walang Gutom Program Guidelines.

Matagumpay nang naipamahagi sa mga benepisyaryo sa Bayan ng Senator Ninoy Aquino ang ₱2,000 UPLIFT Assistance mula sa De...
14/08/2026

Matagumpay nang naipamahagi sa mga benepisyaryo sa Bayan ng Senator Ninoy Aquino ang ₱2,000 UPLIFT Assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng UPLIFT Assistance Program.

Nagpaabot naman ng kanilang pasasalamat ang mga benepisyaryo sa tulong na kanilang natanggap, na magsisilbing dagdag suporta sa pagtugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

Samantala, patuloy na hinihikayat ng DSWD ang mga benepisyaryo na magparehistro sa G2P App (https://uplift-g2p.dswd.gov.ph/) bilang paghahanda para sa susunod na wave/tranche ng kanilang assistance.

09/08/2026

The Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Senator Ninoy Aquino announces the official UPLIFT Pay-Out Schedule on August 10–11, 2026, at the Senator Ninoy Aquino Municipal Gymnasium.

Instructions on documentary requirements will follow. Please be guided. 🙂

04/08/2026

Address

Senator Ninoy Aquino
Sultan Kudarat
9811

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MSWDO Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category