05/10/2026
Ctto
Sa pagdiriwang ng ika-8 Founding Anniversary ng Partido Federal ng Pilipinas, binigyang-diin ni Gov. Reynaldo Sucayan Tamayo Jr., National President ng PFP, ang kahalagahan ng pagkakaisa, paninindigan, at sama-samang paglilingkod sa sambayanang Pilipino.
Aniya, ang tunay na lakas ng isang partido ay nasusukat sa lalim ng paninindigan at kahandaang maglingkod. Hinimok niya ang mga miyembro na ipagpatuloy ang pagkakaisa, pairalin ang integridad, at unahin ang kapakanan ng mga Pilipino.