10/09/2026
TINGNAN II 75IB PINAIGTING ANG SECURITY OPERATIONS BILANG PARTE NG PAGHAHANDA SA NALALAPIT NA BARMM ELECTION
MAGUINDANAO DEL NORTE – Setyembre 10,2026 -- Bilang bahagi ng patuloy na paghahanda at pagpapatibay ng seguridad para sa nalalapit na Bangsamoro Parliamentary Election (BPE) 2026, noong Setyembre 8, 2026, dalawang (2) Wheeled Armored Vehicles (WAVs) mula sa 12th Mechanized Company (12MechCoy) at dalawang (2) Tracked Armored Vehicles (TAVs) mula sa 11th Mechanized Company (11MechCoy) ang ipinadala para magsilbing karagdagang suporta sa operasyon ng 75th Infantry (Marauder) Battalion, Philippine Army partikular sa pagpapatupad ng mga security checkpoints at iba pang kaugnay na hakbang pangseguridad sa mga piling lugar sa Maguindanao del Norte.
Pinangunahan ni Lieutenant Colonel Earl C Pardillo, Battalion Commander ng 75IB, ang security operations sa kahabaan ng MSR ng Guindulungan, Talayan, Datu Anggal Midtimbang (DAM), at Datu Odin Sinsuat (DOS), kabilang ang pagbisita at security assessment sa mga voting center upang matiyak ang kahandaan at seguridad para sa halalan.
Layunin ng mga aktibidad na mapanatili ang kapayapaan at seguridad, maiwasan ang anumang insidente na maaaring makaapekto sa halalan, at matiyak ang ligtas na paggalaw ng mga mamamayan, election personnel, at iba pang stakeholders sa panahon ng paghahanda at pagsasagawa ng BPE 2026.
Ang buong batalyon, ay mananatiling nakatuon sa tungkulin na pangalagaan ang kapayapaan, seguridad at kaligtasan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at paggalang sa demokratikong proseso, sama-sama nating isulong ng ligtas, maayos, mapayapa, at mapagkatiwalaang halalan sa buong Bangsamoro. Peace be with us all — Assalamu Alaikum.