ML Partylist Taguig-Pateros

ML Partylist Taguig-Pateros

Share

This is the official page of ML Partylist Taguig-Pateros Volunteers. All updates will upload here.

24/01/2026

𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗹𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗼𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗶𝗱𝗼 𝗟𝗶𝗯𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀! 🇵🇭💛

Pagpupugay kina Rep. Leila de Lima, Party Chairperson; Atty. Erin Tañada, Party President; Cong. Krisel Lagman, Party Executive Vice President; Cong. Alfonso Umali, Party Treasurer; at Atty. Kit Belmonte, Party Secretary-General.

Gumawa ng kasaysayan ang Partido Liberal sa pagkakahalal kay Rep. Leila de Lima bilang kauna-unahang babaeng Chairperson ng partido.

Sa ilalim ng kanilang liderato, isusulong ang ginhawa ng mamamayan, paiigtingin ang husay sa paglilingkod, at ibabalik ang tiwala sa pamamagitan ng pamumunong tapat, may prinsipyo, at may malasakit.

Mabuhay ang Liberal. Hindi pasisiil.

19/01/2026

Makalipas ang 80 taon, tuloy ang laban ng Partido Liberal. Hindi pasisiil. ✊🏻🇵🇭

03/11/2025

The president who talked numbers and showed receipts. During the farewell SONA of President Noynoy Aquino in 2015, his closing pitch to the Filipino people for the 2016 election was simple. Stay the course.

And that pitch involved two simple graphs that according to the former president was verified and studied by NEDA economists.

First, he clearly showed that under his administration, the Philippines achieved its best five-year GDP growth stretch in over 40 years. This was his receipt, his grade, and his proof of a job well done.

The second graph contained a road map to First World status that Filipinos only needed to follow. PNoy’s simple pitch: sustain the trajectory, stay the course, choose wisely in 2016, and by mid-century, within a single generation, the Philippines would’ve achieved First World status.

A bold, lofty, and daring claim that’s hard to ascertain and prove until we’re actually in the 2050s. But here’s the thing. During PNoy’s time, it felt possible. It felt like we were in the cusp of becoming a Tiger Economy.

President Noynoy allowed us to dream lofty dreams not because he said so, but because he had the numbers to show for. He had receipts. He had solid proof it’s possible “na maging parang Singapore”.

Ten years later, all the receipts we’re seeing are for ghost projects, lavish lifestyles, and an economy that’s for the most part, looks more sluggish than the Erap and GMA-era and more corrupt than the Marcos regime.

President Noynoy closed his final SONA with a gentle reminder. “Kung pipiliin muli natin ang daang baluktot, mapupunta lang tayo sa wala at muli na naman tayong mapag-iiwanan.” That’s real talk backed by real numbers.

Photos from ML Partylist Taguig-Pateros's post 25/10/2025

Kung walang korap, walang mahirap — mula noon hanggang ngayon, hindi lamang ito campaign slogan. Isa itong patuloy na panata at pagtindig ng Partido Liberal para sa katotohanan, hustisya at pananagutan.

Patuloy ang ating krusada upang labanan ang korapsyon, at ang mapanagot ang mga tiwali sa pamahalaan na patuloy na nagpapahirap sa mamamayan.

04/05/2025

MAY LISTAHAN NA BA KAYO NG IBOBOTO NGAYONG MAYO? 🧐

Sa harap ng balota, pumili ng mga SENADOR. Markahan sina:

⚫ #51 PANGILINAN, KIKO
⚫ #5 AQUINO, BAM
⚫ #45 MENDOZA, HEIDI

Sa likod naman ng balota, pumili ng ISANG PARTYLIST. Markahan ang:

⚫ #6 ML

Tara, KIKO-BAM-HEIDI sa Senado, #6 ML Partylist sa Kongreso! 🌸

05/04/2025

#6

21/02/2025

MENSAHE MULA SA ATING PRESIDENTE! 🌸

Walang bayad dahil ang tunay na paglilingkod, hindi binibili. Maraming salamat sa patuloy na pagtindig, President Nadine! 🌷

Mula noon hanggang ngayon, walang bayad, abonado pa! Ang makinarya ay hindi pera, kundi sigasig ng bawat volunteers! ✊

30/01/2025

Pahayag ng ML Partylist sa Pagpanaw ni Rep. Edcel Lagman
30 Enero 2025

Labis naming ikinalulungkot ang pagpanaw ni Congressman Edcel Lagman, isang matibay na haligi ng aming partido at tagapagtanggol ng karapatang pantao, demokrasya, at katarungan sa ating bansa.

Hindi lamang siya isang mambabatas—siya ay isang lider na buong tapang na ipinaglaban ang karapatan ng mga nasa laylayan. Ang kanyang paninindigan sa reproductive health, karapatan ng kababaihan, at kalayaang sibil ay nagbunga ng mga batas na patuloy na nagpapabuti sa buhay ng milyon-milyong Pilipino. Sa kabila ng matinding pagsubok, hindi siya natinag sa kanyang adhikain: isang gobyernong tunay na naglilingkod sa bayan.

Malaking kawalan ang kanyang pagpanaw, hindi lamang sa Partido Liberal kundi sa buong bansa. Ngunit higit sa pagdadalamhati, nananatili ang aming pangako: ipagpapatuloy namin ang kanyang sinimulan—ang paninindigan para sa katotohanan, ang paglaban para sa katarungan, at ang pagsusulong ng isang lipunang may malasakit sa lahat.

Sa ngalan ng ML Partylist, nakikiramay kami sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay. Mananatiling gabay ang kanyang pamana sa aming patuloy na paglilingkod sa bayan.

Paalam at maraming salamat, Cong. Edcel. Hindi ka namin malilimutan.

https://www.facebook.com/share/p/19S2j9rgML/?mibextid=wwXIfr

ML Partylist

19/01/2025

"ANG NAGMAMAHAL, LAGING IPAGLALABAN ANG MINAMAHAL." 🩷🌷

Sa araw na ito, sama-sama nating ipagdiwang ang 79 na anibersaryo ng Liberal Party!

Sa loob ng pitumpu’t siyam na taon, nanindigan tayo para sa bawat Pilipino—mula sa Daang Matuwid, hanggang sa Gobyernong Tapat, Angat Buhay Lahat. Ang laban para sa bayan ay hindi natatapos.

Ngayong 2025, may bago na naman tayong hamon, ang maghatid ng serbisyong publiko na TAPAT SA PILIPINO. Samahan natin ang ML Partylist sa Kongreso at ibalik si Kiko Pangilinan sa Senado!

Bitbit ang pinagsama-sama nating pwersa, dalhin natin ang Gobyerno sa Tao. 🌸

Happy 79th Anniversary, sa ating lahat! Mabuhay ang Partido Liberal! Mabuhay ang Mamamayang Pilipino!

Want your business to be the top-listed Government Service in Taguig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Taguig