09/11/2025
𝐓𝐀𝐆𝐔𝐈𝐆𝐄𝐍̃𝐎, 𝐌𝐀𝐍𝐀𝐓𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐊𝐀𝐘 𝐒𝐔𝐏𝐄𝐑 𝐓𝐘𝐏𝐇𝐎𝐎𝐍 #𝐔𝐖𝐀𝐍!
Narito ang ilang hakbang para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.
1. Ihanda ang EMERGENCY GO BAG para sa buong pamilya.
- Ito ay portable kit na naglalaman ng mga basic supplies na kakailanganin ng buong pamilya kung mayroong emergency dulot ng bagyo o anumang natural calamities. Siguraduhing tatagal ito ng dalawa o tatlong araw.
Nilalaman ng GO BAG:
a. Emergency gear: flashlight, lighter o posporo, pito o whistle, pocket knife, tissue paper o wet wipes
b. First aid kit: Face masks, band-aid, alcohol, gloves, bandages, betadine, paracetamol at personal and maintenance medications
c. Food: Tinapay, biscuits, crackers, canned goods, cup noodles, bottled water
d. Hygiene kit: Toothbrush, toothpaste, sanitary napkins, sabong panligo, shampoo, hand sanitizer
e. Damit: Damit na magagaan ang tela, kumot, medyas, jacket
f. Tech Equipment: Portable AM radio, power banks, extra batteries
g. Dokumento: birth certificates, medical records, titulo ng lupa, at iba pa.
2. Manatiling naka-antabay sa mga updates mula sa TOWER at PAGASA para sa impormasyon tungkol sa paggalaw ng bagyo o anumang masamang panahon.
3. Huwag lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan.
4. Siguraduhing fully charged ang mga technical equipment tulad ng cellphone at power bank.
5. Kung kinakailangang lumikas ayon sa awtoridad, sumunod nang maayos dahil para ito sa inyong kaligtasan.
6. Agad tumawag sa mga emergency hotline kung kailangan ng agarang tulong.

25/03/2021