18/10/2026
"Ang Tula ng Striker"
Ano at sino ba ang striker sa mata ng madla?
Hindi pa opisyal, ngunit laging masigla!
Nagsimula sa simpleng pagbabasakali,
Nag-aabalang maglingkod nang buong giting mulq umaga hanggang gabi.
Walang hinihinging sweldo o kapalit,
Kahit ang pagod sa katawan ay matindi't masakit.
Sapat na ang libreng kain at simpleng higaan,
Habang hinihintay ang pangarap na serbisyo sa bayan.
Kusa ang kilos, walang nag-uutos,
Sa sakripisyo't disiplina, buong-pusong nagbubuhos.
Ang bawat paglinis at pagtulong sa kampo,
Ay patunay na handa na silang maging totoong sundalo!
STRIKER - mga simpleng mamamayan na naglakas-loob at nagbabasakali na balang araw ay makapasok sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Habang naghihintay ng kanilang opisyal na pagkakataon, pumasok muna sila bilang mga volunteer at nagsisilbi nang walang inaasahang sahod, kapalit lamang ang libreng kain, tulugan, at pagkakataong matuto sa piling ng mga totoong sundalo.
Ikaw, anong kwentong striker mo?