12/10/2026
Ang microaggressions ay mga banayad, minsan ay hindi sinasadyang salita, kilos o komento na maaaring magpahiwatig ng pagkiling o diskriminasyon. Bagama’t maaaring tila biro lamang, maaari itong makasakit, makapagpababa ng kumpiyansa at makapagparamdam na ang isang tao ay hindi iginagalang o tinatanggap.
Bilang bahagi ng isang gender-responsive at respetadong workplace, mahalagang gamitin ang wastong pagtawag sa bawat tauhan, iwasan ang gender-based at mapanlait na komento, tiyakin ang pantay na pagkakataong makapagpahayag, kilalanin ang kontribusyon ng bawat isa at patas na ibahagi ang mga gawain.
Ang paggalang sa bawat isa ay nagsisimula sa ating mga salita at kilos. Sama-sama nating itaguyod ang isang workplace na may respeto, pagkakapantay-pantay, disiplina at dignidad para sa lahat.