Team MPM

Team MPM

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Team MPM, Political Party, Tanauan.

Photos from Team MPM's post 20/11/2023

Personal tayong nanumpa kasama ang aking pamilya sa harap ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes at kinatawan ng ikatlong distrito ng Batangas Maria Theresa V. Collantes bilang ganap na Punong Barangay sa ikalawang pagkakataon sa ating Barangay Pantay Bata.

Sa akin pong mga kabarangay na muling nagtiwala at sumuporta maraming maraming salamat po.

Photos from Team MPM's post 16/11/2023

Roll Out of Amended Tanauan City Gender and Development Code and Childrens Welfare Development Code

Photos from Team MPM's post 14/11/2023

Maraming maraming salamat po sa ating Punong Lungsod Sonny P. Collantes sa pagbibigay kaalaman patungkol sa batas tungkol karapatan ng kababaihan at pantay na pagtrato sa kasarian sa aming mga kabarangay, nakatanggap din ang mga dumalo ng grocery mula sa ating Pamahalaang Lungsod.

Muli maraming maraming salamat po sa lahat ng dumalo at nakiisa sa nasabing programa.

Photos from Team MPM's post 14/11/2023

Sa lahat po ng dumalo at nagbigay ng suporta sa araw ng ating pasasalamat sa muling pagtitiwala na patuloy na maglingkod bilang Punong Barangay sa Pantay Bata maraming maraming salamat po.

Umasa po kayo sa tuloy tuloy na matapat na paglilingkod at progreso ng ating Barangay para sa kapakinabangan ng ating mga kabarangay.

Photos from Team MPM's post 14/11/2023

Personal na nagpaabot ng pagbati sa inyong lingkod ang ating minamahal na Maria Theresa V. Collantes kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Batangas at Punong Lungsod Sonny P. Collantes sa ating araw ng pasasalamat, pinaunlakan nila ang ating paanyaya para sa munting salo salo.

Dumalo din ang ating Bokal Fred Corona ng Ikatlong Distrito ng Batangas, Konsehal BGen. Ben Corona at Konsehal Eric Manglo ng Lungsod ng Tanauan kasama sina Punong Barangay Mike Biscocho ng Poblacion 7 at Darwin Tan ng Barangay Trapiche kung saan masayang nakipag kwetuhan at nakadaupang palad ang ating mga kabarangay.

Mula po sa inyong lingkod maraming maraming salamat po, ang inyong prisensya sa aking araw ng pasasalamat ay malaking parte sa muli kung pamumuno sa aming Barangay Pantay Bata.

Photos from Team MPM's post 14/11/2023

Personal na dumalo ang ating minamahal na Mayor Sonny P. Collantes sa ating araw ng pasasalamat, dito ay personal niyang binisita ang Multi Purpose Gymnasium upang makita ang mga dapat ipaayos upang mas higit na mapaganda ang ating gymnasium para sa kapakinabangan ng ating mga kabarangay.

Sa atin pong Mayor Sonny P. Collantes maraming maraming salamat po sa walang sawang pagpapaabot ng tulong, programa at proyekto sa aming Barangay Pantay Bata.

Photos from Team MPM's post 14/11/2023

Matapos ang motorcade naglaan tayo ng oras upang personal na maabot at makapaghandog ng panalangin sa ating mahal na patron ng San Vicente Ferrer kung saan lubos ang ating pasasalamat sa muling pagtitiwala ng ating mga kabarangay na manungkulan bilang Punong Barangay.

Photos from Team MPM's post 14/11/2023

Pinangunahan ng inyong lingkod Punong Barangay Miguel "Michael" Manalo ang motorcade ng pasasalamat upang personal na makapagpaabot ng taos pusong pasasalamat sa ating mga kabarangay sa muling pagtitiwala at sumuporta na muling pamunuan ang ating Barangay Pantay Bata.

Sa lahat po ng sumama at sumuporta maraming maraming salamat po.

Want your business to be the top-listed Government Service in Tanauan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Tanauan