14/03/2025
ICYMI: Dapat suriing maigi ng mga bumibili ng lupa ang pagmamay-ari nito sa pamamagitan ng pag-inspect sa certificate of title at sa talaan sa Registry of Deeds upang maiwasan ang mga mapanlinlang na transaksyon.
Dapat suriing maigi ng mga bumibili ng lupa ang pagmamay-ari nito sa pamamagitan ng pag-inspect sa certificate of title at sa talaan sa Registry of Deeds upang maiwasan ang mga mapanlinlang na transaksyon.
Ito ang paalala ng sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa kung saan kinatigan ng Third Division ng Korte ang mga desisyon ng Regional Trial Court (RTC) at Court of Appeals (CA) na nagpawalang-bisa sa mga titulo ng lupa sa Sta. Teresita, Angeles City nina Orencio at Eloisa Manalese (mag-asawang Manalese).
Bumili ang mag-asawang Manalese ng dalawang lote ng lupa kay Carina Pinpin (Pinpin), na nagpakita ng mga duplicate na certificate of title sa kanyang pangalan at sinabing binili nila ang mga ari-arian mula sa mga orihinal na may-ari na sina Narciso at Ofelia Ferreras (Ferreras). Nagpakita si Pinpin ng isang deed of sale bilang patunay ng kanyang pagmamay-ari, na nagpapahintulot sa mag-asawang Manalese na ilipat ang mga titulo sa kanilang pangalan.
Pero hinamon ni Danilo Ferreras, ang tagapangasiwa ng Ferreras Estate, ang bisa ng mga titulong ito sa harap ng RTC at sinabing ang mga ari-arian ay legal pa rin na pagmamay-ari ng Estate. Sinabi niya na si Pinpin ay mapanlinlang na nakakuha ng mga duplicate na titulo sa pamamagitan ng pagsusumite ng isang maling affidavit of loss at isang pekeng deed of sale.
Ayon sa Korte, bigo ang mag-asawang Manalese na suriing mabuti kung sino ang tunay na may-ari ng lupa. Iginiit ng Korte na hindi sapat ang pagsaalang-alang lamang sa titulo, lalo na kung may mga palatandaan ng panloloko o iregularidad. Dahil dito, dapat na suriin ang parehong titulo at ang talaan ng Registry of Deeds bago bumili ng lupa ang sinuman.
Dagdag pa ng Korte, walang good faith kung kahina-hinala na ang bentahan pero ito ay binabalewala lang ng bumibili.
Sa ilalim ng Presidential Decree (PD) No. 1529 o ang Property Registration Decree, ang isang re-issued title ay duplicate lamang at walang legal weight di tulad ng orihinal na titulo.
Dahil ang mag-asawang Manalese ay may hawak ng mga duplicate na sertipiko, ang dapat nilang ginawa ay i-verify agad ang mga ito sa Registry of Deeds.
Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-land-buyers-must-check-both-title-and-registry-of-deeds-records/.
Basahin ang buong Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/254046-spouses-orencio-s-manalese-and-eloisa-b-manalese-and-aries-b-manalese-vs-the-estate-of-the-late-spouses-narciso-and-ofelia-ferreras-represented-by-its-special-administrator-danilo-s-fer/.
28/02/2025
ICYMI: Effective 15 March 2025, the Maximum Deposit Insurance Coverage (MDIC) is increased to P1 Million per depositor per bank!
PDIC is glad to announce that effective 15 March 2025, the Maximum Deposit Insurance Coverage (MDIC) is increased to P1 Million.
To learn more about the new MDIC, please visit https://www.pdic.gov.ph/MDIC
14/02/2025
Happy Vday đź’ž
Happy Friday and Happy Hearts Day! ❤️
Remember that love isn’t just about grand gestures—it’s in the little acts of kindness, the words of encouragement, and the time you give to others. Spread love, not just today, but every day. 💕✨
01/02/2025
ICYHMI: Ang mga foreign currency deposit account ay hindi kasali sa mga papatawan ng estate tax sa ilalim ng Republic Act No. 6426 (RA 6426) o ang Foreign Currency Deposit Act of the Philippines.
Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, kinatigan ng First Division ng ang hiling para sa refund ng binayarang estate tax na inihain ng estate ni Charles Marvin Romig (Charles), isang American national na nanirahan sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Namatay si Charles noong 2011 nang hindi nag-iwan ng huling habilin. Nilipat ni Maricel Narciso Romig (Maricel), ang nag-iisang tagapagmana, ang pagmamay-ari ng mga ari-arian ni Charles sa kanyang sarili, kabilang ang isang dollar deposit account.
Sa pag-compute ng estate tax, hindi naisama ni Maricel ang dollar deposit account kaya nagbayad siya ng dagdag na PHP 4.56 milyon para maisama ito. Pero kalaunan, humingi siya ng refund dahil batay sa section 6 ng RA 6426, exempt ang foreign currency deposit account sa estate tax.
Tinanggihan ng Commission on Internal Revenue ang kanyang refund claim, dahil binawi na umano ng 1997 National Internal Revenue Code (NIRC) ang tax exemption sa mga dollar deposit account. Pero nagdesisyon ang Court of Tax Appeals (CTA) pabor kay Maricel.
Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng CTA. Nilinaw ng Korte na ang isang pangkalahatang batas, gaya ng NIRC, ay hindi maaaring bawiin ang ipinagkaloob na tax exemption na ibinigay ng isang special law, tulad ng RA 6426, nang walang malinaw at tahasang probisyon sa pagpapawalang-bisa.
Dagdag pa ng Korte, dinisenyo ang RA 6426 para makaakit ng mga foreign investment sa pamamagitan ng pag-exempt ng mga foreign currency account mula sa lahat ng buwis.
Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-foreign-deposit-accounts.../
Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/262092-commissioner-of.../
Ang mga foreign currency deposit account ay hindi kasali sa mga papatawan ng estate tax sa ilalim ng Republic Act No. 6426 (RA 6426) o ang Foreign Currency Deposit Act of the Philippines.
Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, kinatigan ng First Division ng ang hiling para sa refund ng binayarang estate tax na inihain ng estate ni Charles Marvin Romig (Charles), isang American national na nanirahan sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Namatay si Charles noong 2011 nang hindi nag-iwan ng huling habilin. Nilipat ni Maricel Narciso Romig (Maricel), ang nag-iisang tagapagmana, ang pagmamay-ari ng mga ari-arian ni Charles sa kanyang sarili, kabilang ang isang dollar deposit account.
Sa pag-compute ng estate tax, hindi naisama ni Maricel ang dollar deposit account kaya nagbayad siya ng dagdag na PHP 4.56 milyon para maisama ito. Pero kalaunan, humingi siya ng refund dahil batay sa section 6 ng RA 6426, exempt ang foreign currency deposit account sa estate tax.
Tinanggihan ng Commission on Internal Revenue ang kanyang refund claim, dahil binawi na umano ng 1997 National Internal Revenue Code (NIRC) ang tax exemption sa mga dollar deposit account. Pero nagdesisyon ang Court of Tax Appeals (CTA) pabor kay Maricel.
Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng CTA. Nilinaw ng Korte na ang isang pangkalahatang batas, gaya ng NIRC, ay hindi maaaring bawiin ang ipinagkaloob na tax exemption na ibinigay ng isang special law, tulad ng RA 6426, nang walang malinaw at tahasang probisyon sa pagpapawalang-bisa.
Dagdag pa ng Korte, dinisenyo ang RA 6426 para makaakit ng mga foreign investment sa pamamagitan ng pag-exempt ng mga foreign currency account mula sa lahat ng buwis.
Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-foreign-deposit-accounts-exempt-from-estate-tax/
Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/262092-commissioner-of-internal-revenue-vs-estate-of-mr-charles-marvin-romig-represented-by-its-sole-heir-mrs-maricel-narciso-romig/
19/01/2025
ICYMI: "Ang labis na pagdidisiplina sa isang bata ay maituturing na child abuse kapag mayroong malinaw na layuning sirain ang dignidad ng isang bata.
Hinatulang guilty ng Korte Suprema ang isang ama ng child abuse o paglabag ng RA No. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act matapos isailalim sa marahas at labis na disiplina ang kanyang 12-anyos na anak na babae at 10-anyos na anak na lalaki.
Mula 2017 hanggang 2018, binugbog ng ama ang kanyang mga anak — sinipa, hinila ang buhok, hinampas ng kahoy na pamalo at dustpan, at pinagmumura.
Sa ilalim ng Section 3(b) ng RA No. 7610, ang anumang pagkilos na nagpapababa sa dignidad ng isang bata ay itinuturing na child abuse.
Ayon sa Korte, malinaw na lumabag sa makatwirang pagdisiplina ang ginawa ng ama, na nagpapakita ng isang malinaw na layunin na sirain ang dignidad ng mga bata.
Bagama't may karapatan ang mga magulang na disiplinahin ang kanilang mga anak, paalala ng Korte, ang mga naturang hakbang ay hindi dapat maging marahas, sobra-sobra, o higit pa sa maling nagawa.
Ang Desisyon ay mula sa Second Division ng Korte Suprema na isinulat ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez.
Ang labis na pagdidisiplina sa isang bata ay maituturing na child abuse kapag mayroong malinaw na layuning sirain ang dignidad ng isang bata.
Hinatulang guilty ng Korte Suprema ang isang ama ng child abuse o paglabag ng RA No. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act matapos isailalim sa marahas at labis na disiplina ang kanyang 12-anyos na anak na babae at 10-anyos na anak na lalaki.
Mula 2017 hanggang 2018, binugbog ng ama ang kanyang mga anak — sinipa, hinila ang buhok, hinampas ng kahoy na pamalo at dustpan, at pinagmumura.
Sa ilalim ng Section 3(b) ng RA No. 7610, ang anumang pagkilos na nagpapababa sa dignidad ng isang bata ay itinuturing na child abuse.
Ayon sa Korte, malinaw na lumabag sa makatwirang pagdisiplina ang ginawa ng ama, na nagpapakita ng isang malinaw na layunin na sirain ang dignidad ng mga bata.
Bagama't may karapatan ang mga magulang na disiplinahin ang kanilang mga anak, paalala ng Korte, ang mga naturang hakbang ay hindi dapat maging marahas, sobra-sobra, o higit pa sa maling nagawa.
Ang Desisyon ay mula sa Second Division ng Korte Suprema na isinulat ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez.
Basahin ang buong press release: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-excessive-discipline-that-harms-a-childs-dignity-is-child-abuse/
Basahin ang buong teksto ng Desisyon: https://sc.judiciary.gov.ph/268457- # # #-vs-people-of-the-philippines/