09/09/2026
π MALUGOD NA PAGBATI, MAYOR MATRO! π
Buong pagmamalaki at kagalakan ang ipinapaabot ng Barangay Lambingan kay Mayor SM Matro sa pagkilala bilang #1 Top Performing Municipal Mayor sa buong Cavite! ππ
Ang parangal na ito ay patunay ng inyong masipag, tapat, at mahusay na pamumuno, gayundin ng inyong patuloy na malasakit at dedikasyon sa paglilingkod sa bawat mamamayan.
Saludo kami sa inyong pamumuno at sa mga serbisyong patuloy ninyong inihahatid para sa ating mga kababayan. π
Muli, malugod na pagbati, Mayor Matro!
Ang buong Barangay Lambingan ay lubos na ipinagmamalaki ang inyong tagumpay! π
Serbisyo at Malasakit! ππ΅π
Taos-pusong pasasalamat po sa pagkilalang ito bilang Top 1 Performing Municipal Mayor sa buong Probinsiya ng Cavite. Maraming salamat po sa ating mga minamahal na TanzeΓ±o sa tiwala at suporta. Ang pagkilalang ito ay hindi lamang para sa atin, kundi para sa bawat isa na nakikiisa sa ating layunin na maghatid ng Serbisyo at Malasakit.
Nagpapasalamat tayo sa One Research Philippines Inc. sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito at sa pagbibigay ng pagkakataon upang maipakita ang pananaw ng ating mga mamamayan. Asahan ninyo po na magpapatuloy ang ating pagsisikap na maihatid sa bawat sulok ng ating bayan ang serbisyo at malasakit ng Pamahalaang Bayan ng Tanza.