Hindi ko kailanman pinagsisihang samahan ang isang lider na ang puhunan ay kalinga at pagmamahal sa kapwa-Engr. Icel Del Rosario Morales. Dahil sa kanyang tapat na paglilingkod, mas naging matibay ang aking paniniwala na sama-sama nating MAIPAPANALO ang LABAN para sa TAUMBAYAN.
Ang pagkakaisa natin ang magiging susi sa tunay na pagbabago.โ ๐โค๏ธ
Espie Cesa Fojas
#TuloyAngLaban para sa Mahal kong SAHUD-ULAN
01/06/2026
๐ Happy Pride Month! ๐
Bawat kulay ay may kuwento. Bawat puso ay may pangarap. Bawat isa ay may karapatang mahalin, tanggapin, at ipagmalaki kung sino sila.
Ang pagkakaiba-iba ay hindi hadlang sa pagkakaisa; ito ang nagbibigay ng mas makulay na larawan ng ating lipunan. Sa bawat hakbang tungo sa paggalang at pagkakapantay-pantay, mas lalo nating pinagtitibay ang diwa ng pagkakapatiran at pagkatao.
Sa buwang ito ng Pride, ipinagdiriwang natin ang tapang ng mga taong piniling maging totoo sa kanilang sarili, ang lakas ng loob na harapin ang mga pagsubok, at ang pag-asang balang araw ay wala nang sinumang matatakot dahil lamang sa kanilang pagkakakilanlan.
Anumang kulay, ating pinagmamalaki. Lahat ng kulay ay may ningning. Lahat ng kulay ay may lugar. Lahat ng kulay ay mahalaga. ๐โจ
Maging inspirasyon tayo ng pagmamahal, paggalang, at pagtanggap. Sapagkat kapag ang bawat isa ay malayang maging sarili, mas nagiging makulay, makatarungan, at mas makatao ang ating mundo.
Happy Pride Month!
31/05/2026
Happy Birthday, Tata Anghel Cesa ๐๏ธ๐
Sa araw na ito, inaalala namin ang iyong kabutihan, pagmamahal, at mga alaalang iniwan mo sa aming mga puso. Bagama't hindi ka na namin kapiling, nananatili kang buhay sa aming mga alaala at panalangin.
Patuloy kang nami-miss araw-araw. Maraming salamat sa mga aral at pagmamahal na iyong ibinahagi.
30/05/2026
Kasama ang Charlie Company, Pisan Annie Cesa aking pamangkin na si Francine Cesa at ang at sa iba pang Volunteer na nakasama namin,lubos akong nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta at pagmamahal sa ating isinagawang Balik Eskuwela 2026.
Ang inyong pakikiisa ay naging malaking bahagi ng tagumpay ng programang ito. Sa pamamagitan ng ating sama-samang pagtutulungan, nakapagbigay tayo ng inspirasyon, saya, at tulong sa ating mga mag-aaral bilang paghahanda sa panibagong taon ng pag-aaral.
Maraming salamat sa inyong kabutihan at dedikasyon sa paglilingkod para sa kabataan at sa ating komunidad.
Sa bawat araw ng paglilingkod, ang aming giling ay para sa inyoโupang maghatid ng pag-asa, kalinga, at serbisyong ramdam ng bawat mamamayan.
27/05/2026
HANDA NA AKO na PAMUNUAN ang LABAN!
Ang tunay na epektibong pamumuno ay hindi nakikita sa dami ng kapangyarihang hawak ng isang tao, kundi sa kakayahan niyang ibahagi ito para sa kapakanan ng nakararami. Sapagkat ang mabuting pamamahala ay hindi naglalayong mangibabaw, kundi magbigay-daan upang ang bawat mamamayan ay magkaroon ng boses, oportunidad, at pag-asang umunlad. .
Ipanalo natin ang TAUMBAYAN!
KAPit lang๐ช
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Contact the business
Website
Address
Tanza
4108
