Brgy. Santol Health Center

Call

Brgy. Santol Health Center Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy. Santol Health Center, Public & Government Service, Ground Floor Multi-Purpose Building, Tanza.

PUROK KALUSUGAN PUROK 7 SAPPHIRE SUBDIVISION
26/10/2026

PUROK KALUSUGAN
PUROK 7 SAPPHIRE SUBDIVISION

24/10/2026
24/10/2026

Kung sakit ang kapalit ng iniinom mo, tutuloy ka pa rin ba?

Ang inaaraw-araw mong matatamis na inumin, nakakasama sa kalusugan. Suportahan ang sweetened beverage tax: mas mataas na buwis sa matatamis na inumin, para mabawasan ang mga nagkakasakit. Protektahan ang kalusugan, protektahan ang kinabukasan!

24/10/2026

PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA KAGAT NG LAMOK NA NAGDADALA NG DENGUE

Detalye sa comment section.






24/10/2026

Did you know? Cervical cancer is the fourth most common cancer in women.Cervical cancer develops in a woman's cervix (the entrance to the uterus from the va**na). Almost all cervical cancer cases (99%) are linked to infection with high-risk human papillomaviruses (HPV), an extremely common virus transmitted through sexual contact.

24/10/2026

SELF-CARE ANG PAG-ACCESS SA MENTAL HEALTH SERVICES.

Kung nakararanas ng alinman sa mga sintomas, magpakonsulta sa pinakamalapit na Primary Care Facility with mhGAP services o PhilHealth YAKAP clinic sa inyong lugar.





24/10/2026

Ligtas ba ang mga bakuna na ibinibigay sa Bakuna Eskwela?

✅ Oo. Ang mga bakunang ginagamit sa Bakuna Eskwela ay ligtas at epektibo.
✅ Ang mga bakunang MR, Td, at HPV ay matagal nang ginagamit upang makatulong na maprotektahan ang mga bata laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pagbabakuna.
✅ Sumailalim ang mga ito sa mga pagsusuri upang matiyak ang kanilang kaligtasan, kalidad, at bisa.

Huwag palampasin ang dagdag na proteksyon para sa inyong anak. Makiisa sa Bakuna Eskwela 2026!

Mula October 12 hanggang December 15, pabakunahan sa mga pampublikong paaralan ang mga batang nasa Grade 1 at 7 laban sa Measles, Rubella, Tetanus at Dipterya. Gayundin ang mga Grade 4 na babae laban sa human papillomavirus (HPV) na nagdudulot ng cervical cancer.

Para sa karagdagang impormasyon, magtanong sa mga g**o at mga healthcare worker sa inyong lugar.

Magpabakuna Na!




!

24/10/2026

ALAMIN ANG ‘YONG OPTIONS PARA SA HIV PREVENTION

May iba’t ibang paraan para maprotektahan ang sarili sa HIV. Karapatan mong pumili ng prevention method na swak sa para sa ‘yo.

✅Abstinence o hindi pakikipagtalik
✅Tamang paggamit ng condom at lubricant
✅Pre-exposure Prophylaxis o PrEP
Paalala ng DOH: Regular na magpa-test para malaman ang ‘yong HIV status. Normal lang ‘to!

Para sa libre at kumpidensyal na HIV services, buksan ang bit.ly/DOH-HIV-Care-Facilities para sa pinakamalapit na HIV Care Facility o YAKAP Clinic.







24/10/2026

Sa pribadong paaralan naka-enroll ang aking anak. Maaari rin ba siyang mabakunahan?

✅ Oo. Maaaring mabakunahan ang inyong anak sa kaniyang pinapasukang pribadong paaralan, sa kondisyon na ang paaralan ay nakikipag-ugnayan sa lokal na health center o Rural Health Unit.

✅ Ito ay upang matiyak ang maayos na koordinasyon at ligtas na pagpapatupad ng pagbabakuna, alinsunod sa mga umiiral na alituntunin ng Department of Health.

Magpabakuna Na!




!

24/10/2026

PROTEKTAHAN ANG SARILI MULA SA ALIKABOK AT USOK NGAYONG EL NIÑO!

Ang tagtuyot ng El Niño ay nagdudulot ng mas maraming alikabok at usok na maaaring magpalala ng hirap sa paghinga. Magsuot ng mask, iwasang lumabas kapag maalikabok o mausok, at huwag magsunog ng basura.

Ingatan ang sarili at pamilya laban sa El Niño. Tumawag agad sa National Emergency Hotline 911 kapag kailangan ng tulong.






Address

Ground Floor Multi-Purpose Building
Tanza
4108

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639959706825

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Santol Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share