17/03/2026
Be a CHAMPION. Join the Special Program in Journalism!
Pahayagang Pangkampus ng Sto. Cristo Integrated School
17/03/2026
Be a CHAMPION. Join the Special Program in Journalism!
12/03/2026
Are you an incoming Grade 7 student with a story to tell? Do you have a way with words and a passion for the truth? The Special Program in Journalism (SPJ) is officially looking for the next generation of Cristonian Journalists! Whether you’re a born storyteller or a budding photographer, this is your chance to shine. No experience? No problem—we’re looking for talent and heart!
🌟 ARE YOU ELIGIBLE?
We are looking for Grade 7 applicants who:
• Have at least an 85% average in both English and Filipino (Grade 6).
• Exhibit a strong interest in the world of media and broadcasting.
Requirements
• Certified Copy of the Report Card with At Least 3rd Quarter Grades
• 1pc Latest 2x2 Picture
• Health Declaration Form
• Good Moral Certificate
• PSA Birth Certificate
• Certificate of awards received in journalism
• other awards received
Selection of SPJ Qualifiers
Batch 1
March 13 - Submission of Documents
March 16 - Interview with Writing Test
Batch 2
March 16 - Submission of Documents
March 18 - Interview with Writing Test
QUALIFYING TEST
March 21 / Saturday
Early Registration
March 28 / Saturday
Gerald D. Bulusan
SPJ Coordinator
09171005069
Michael B. Pabalan
SPA English
09933958317
07/03/2026
Haler, Baler!
Cristonians, namayagpag sa RSPC Intensive Training '26; Anim na tiket tungong RSPC, nasungkit!
Ni: Alexa Louise De Juan
Tunay na namayagpag ang mga mamamahayag ng Sto. Cristo Integrated School (SCIS) matapos humakot ng parangal at anim na tiket tungong Regional Schools Press Conference (RSPC) sa ginanap na Intensive Training Cum Awarding of Final Round Qualifiers for the Individual Categories sa Westwood Farm & Resort mula ika-apat hanggang ika-anim ng Marso.
Sa loob ng tatlong araw na pagsasanay, nagkamit ng Unang Gantimpala si James Kyle Porazo at Ikatlong Gantimpala si Sean Ysmael Macaspac sa Pagsulat ng Isports (Filipino) sa ilalim ng tagasanay na si Eric David.
Kasabay nito, tumanggap din ng Unang Gantimpala si Alexa Louise De Juan sa Pagsulat ng Balita (Filipino) sa ilalim ng pagsasanay ni Rose Anne Mary Suagart.
Hindi rin nagpahuli si Faith Ruth Nicoline Dela Cruz sa Pagsulat ng Editoryal (English) na nagkamit din ng Unang Pwesto sa ilalim ng pagsasanay ni Joeann Castro at Jian Paul Romero sa Pagkuha ng Larawang Pampahayagan (Filipino) sa ilalim ng pagsasanay ni Mirasol Rocha.
Maliban dito, humakot rin ng parangal sina Kirsten Ida Margaux Sanedrin at Angela Mae Tabasondra matapos makuha ang Ikalawang Gantimpala at Ikalimang Gantimpala sa Pagsulat ng Lathalain, ayon sa pagkakabanggit, sa pagsasanay ni Sheena Gwendolyn Tamayo.
Bilang tugon dito, kakatawanin ng anim na kalahok ang Dibisyon ng Tarlac City sa nalalapit na RSPC sa Baler, Aurora na gaganapin mula ika-18 hanggang ika-20 ng Marso.
Bukod dito, tumambad din ang 3rd Overall Champion in Individual Category at 3rd Overall Champion in both Individual and Group Category para sa nasabing paaralan.
Cristonioans, Ipinamalas ang Husay sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025
Sa makulay at masiglang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025, muling nasilayan ang walang kapantay na talento at husay ng mga mag-aaral ng Sto. Cristo Integrated School. Sa iba’t ibang larangan ng patimpalak—mula sa masiglang sayaw, himig ng melodiyahan, masining na spoken poetry, malikhaing pagbasa, hanggang sa makulay na paggawa ng slogan at poster—ipinakita ng bawat kalahok ang kanilang galing at dedikasyon. Ang kanilang pagtatanghal ay hindi lamang aliw at sigla ang hatid, kundi nagsilbing patunay na ang Wikang Filipino ay tunay na yaman ng ating kultura at sagisag ng pagkakaisa ng sambayanan.
Higit pa sa isang buwanang selebrasyon, ang Agosto ay naging pagtatanghal ng ating kasaysayan, paniniwala, at pagkakakilanlan. Sa temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa,” naging paalala ang selebrasyon na ang wika ay hindi lamang midyum ng komunikasyon kundi haligi ng pambansang pagkakaisa at salamin ng ating pagka-Pilipino. Ang matagumpay na programa ay pinangunahan ng Departamentong Filipino sa pamumuno ni Gng. Michelle Timbol, katuwang ang suporta ng punong-g**o na si Dr. Lilybeth B. Policarpio, G. Rodelio Quiambao (Assistant Principal), at ang masigasig na mga g**o ng SCIS. Sa kanilang pamumuno at paggabay, higit pang umigting ang diwa ng pagdiriwang.
Sa pagtatapos ng makabuluhan at makulay na selebrasyon, muling pinatunayan ng mga Cristonioans na ang wika ay buhay—na sa bawat tula, awit, galaw, at sining ay naipadama ang tunay na pagkakaisa. Sa sama-samang lakas ng mga mag-aaral at g**o, naitaguyod ang iisang mithiin: ang patuloy na pagpapahalaga, paggamit, at pagmamahal sa sariling wika at kulturang Pilipino.
01/09/2025
SCIS Nagdaos ng Talakayan patungkol sa Kalusugang Pang-kaisipan.
Tagapagbalita
Khane Casley Roque
Lia Monica Andres
Princess Arn Joy Balanditan
Panibagong gusali ng SCIS, opisyal nang nabasbasan
Tagapagbalita:
Kathlyn Joy T. Estrada
Ciatxie Gwyneth E. Bare
Lindsay Kate G. Prillo
Oplan Brigada at Balik Eskwela, sinimulan!
Reporter: Alexa Louise D. De Juan
Videographer: Lianne Trish G. Melegrito
TCSD Teacher I Application Junior & Senior High
Tagapagbalita:
Kathlyn Joy T. Estrada
Ciatxie Gwyneth E. Bare
Lindsay Kate G. Prillo