20/08/2026
Kasama si Gov. Christian Yap, katuwang ang DSWD at MSWD at Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Joyce B. Agustin, tayo’y nakiisa sa pamamahagi ng Food Packs para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Barangay Pao 3rd, Pao 1st, Pindangan 2nd, Poblacion D, Poblacion B at Cacamilingan Norte.
Patuloy po ang pagtutulungan ng ating lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya upang maihatid ang kinakailangang tulong sa mga pamilyang nangangailangan, lalo na sa panahon ng kalamidad.
Please stay safe, alert and prepared. 💚