Tayabas Heritage Networks Organization Inc.

Website

Tayabas Heritage Networks Organization Inc. Let's keep the cultural heart of Tayabas and Quezon Province beating strong! We're dedicated to preserving and celebrating its rich heritage. Join our advocacy!

15/08/2026

Isang Maningning na Araw ng Tayabas sa Inyong Lahat! 🌟

Bukas ay ipagdiriwang natin ang ika-128 Anibersaryo ng Kalayaan ng Lalawigan ng Quezon, mas kilala din bilang Trece de Agosto!

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang sa pamamagitan ng pag-aabang at pakikiisa sa parada sa ganap na ika-6:00 ng umaga mula sa Nayon ng Mateuna patungo sa ating makasaysayang Basilica Menor ng Tayabas. Ito ang panahon upang ipagmalaki ang ating kultura, kasaysayan, at ang diwa ng pagiging isang tunay na Quezonian.

Magkaisa at magdiwang, Mabuhay ang Lungsod ng Tayabas!

13/08/2026

Isang Maligayang Araw ng Kalayaan sa buong Lalawigan ng Quezon! 🇵🇭

​Ikinagagalak ng EverythingQuezon na makipag-isa sa buong lalawigan sa paggunita ng makasaysayang Trece de Agosto—ang araw noong 1898 nang idineklara ang paglaya ng Tayabas mula sa pananakop ng mga Espanyol.

​Ang dakilang kaganapang ito, kung saan buong giting na iwinagayway ang pambansang bandila sa tore ng Basilika ni San Miguel Arkanghel sa pangunguna ni Heneral Miguel Malvar, ay patuloy na nagpapaalala sa atin sa katapangan at sakripisyo ng ating mga ninuno. Ang kanilang ipinamamanang kalayaan at mayamang kultura ang nagbibigay-inspirasyon sa atin upang patuloy na mahalin, pangalagaan, at ipagmalaki ang ating lalawigan.

​Mabuhay ang Lalawigan ng Quezon! Mabuhay ang lahing Pilipino! 🥥🌴

​

13/08/2026
28/06/2026
12/05/2026
30/12/2025

Kaisa ang buong Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa paggunita sa kabayanihan ni Dr. Jose Rizal ngayong Disyembre 30, sa pagdiriwang ng Rizal Day.

Sa ika-129 na anibersaryo ng kanyang pagpanaw, ating alalahanin hindi lamang ang kanyang sakripisyo, kundi isabuhay ang mga aral na kanyang iniwan: ang malalim na pagmamahal sa bayan, paninindigan sa katotohanan, at pananalig sa kapangyarihan ng edukasyon.

Address

Tayabas
4327

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tayabas Heritage Networks Organization Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category