14/04/2026
Tingnan ang ilan sa kaganapan | Abril 14, 2026
ππππππ πππππππ ππ πππ ππππ! πΏβ¨π
Isang makabuluhan at makulay na hakbang para sa pagpapaunlad ng turismo ang matagumpay na pagdalo sa Orientation on Tourism Guidebook for New Local Tourism Officers of CALABARZON na ginanap nitong Abril 14, 2026 sa Tagaytay City! ππ
Sa pagtitipong ito na pinangunahan ng Department of Tourism Region IV-A, patuloy na pinayayabong ang kaalaman at kakayahan ng mga tourism officers upang higit pang mapalakas ang promosyon ng mga natatanging destinasyon, kultura, at sining ng bawat bayanβkabilang ang ating minamahal na Taytay.
Bitbit ang sigla at dedikasyon, ang Bayan ng Taytay ay nananatiling aktibo sa pagsusulong ng mga programang magbibigay ng mas de-kalidad na karanasan sa mga turista at magpapaangat sa lokal na ekonomiya.
Kaisa ang Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pangunguna nina Mayor Allan De Leon, Vice Mayor JV Cabitac, at ng 13th Sangguniang Bayan of Taytay, Rizal, sa patuloy na pagsuporta sa mga inisyatibong magpapalago sa turismo at magbibigay ng mas maraming oportunidad para sa bawat TaytayeΓ±o.
Sama-sama nating itaguyod ang ganda at yaman ng Taytay
13/04/2026
Isang makasaysayang yugto ng pananampalataya, sining, at pagkakaisa ang ating ipinagdiriwang! β¨π
Sa loob ng 125 taon at higit pa, ang Samahang Lugod ng Bayan HUBO Sinakulista ng Taytay Inc. ay patuloy na nagbibigay-buhay sa makabuluhang tradisyon ng Senakulo isang buhay na pamana na sumasalamin sa sakripisyo, debosyon, at malalim na pananampalataya ng bawat TaytayeΓ±o. Mula sa mga unang pagtatanghal hanggang sa kasalukuyan, nananatiling matibay ang adhikain nitong ipasa ang mayamang kultura at paniniwala sa susunod pang mga henerasyon.
Hindi lamang ito isang pagtatanghal, kundi isang sama-samang paglalakbay ng komunida pinagbubuklod ng pananalig at pagmamahal sa tradisyon. Sa bawat yugto, bawat linya, at bawat sakripisyo, buhay ang diwa ng ating pagkakakilanlan bilang isang bayan.
Ang makabuluhang pagdiriwang na ito ay buong pusong sinusuportahan ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pangunguna ni Mayor Allan De Leon, kasama si Vice Mayor JV Cabitac, at ang 13th Sangguniang Bayan of Taytay, Rizal, na patuloy na nagtataguyod at nagpapalakas sa ating sining, kultura, at pananampalataya.
Mabuhay ang ating mayamang tradisyon! ππ
125 Years & Beyond β tuloy ang kwento, tuloy ang pananampalataya, tuloy ang pamana.
10/04/2026
The Department of Tourism (DOT) warmly welcomes the appointment of Dita Angara-Mathay as Secretary of Tourism by President Ferdinand R. Marcos, Jr., and expresses its full support for her leadership as she brings to the role a wealth of experience in trade, investment, and global partnerships.
The entire Department stands united in working closely with her, alongside stakeholders across government, industry, local communities, and the private sector, to advance a more connected, competitive, sustainable, and resilient Philippine tourism industry.
10/04/2026
LIBRE PO ITO!!
Beat the heat with Gabrielβs HALO-HALO! π§π₯
Ikaw ba ay laging naaabutan ng mahabang pila? O kaya naman ay laging nauubusan? π
Huwag mag-alala dahil ngayong Linggo, April 12, 2026, may pa-cool treat kami para sa inyo!
Mamimigay po kami ng 100 pirasong libreng halo-halo kaya agahan na at huwag palampasin! π
π GABRIELS HALO-HALO
Landmark: malapit po sa Santiago Funeral
π: 1:30 PM po ang start
Kita-kits po tayo! π