01/11/2026
| Pinaiigting ng Lokal na Pamahalaan ng Tiwi ang mga paghahanda at pagbibigay-serbisyo sa publiko upang matiyak ang ligtas, maayos, at mapayapang paggunita ng Undas 2026 sa mga sementeryo sa bayan.
Naglagay ng mga signage sa mga pangunahing sementeryo upang magsilbing gabay sa mga dumadalaw, gayundin ng mga itinalagang parking area upang mapanatili ang kaayusan ng daloy ng trapiko. Nakaantabay rin ang mga uniformed personnel upang tumulong sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa mga lugar na dinarayo ng mga pamilya.
Bilang bahagi ng paghahanda, nagtalaga rin ng medical team para sa agarang pagtugon sa mga pangangailangang medikal, kasama ang MDRRMO/PSO booth at mga personnel na handang umalalay sa publiko.
Patuloy na makikiisa ang LGU Tiwi sa pagpapanatili ng kaayusan upang maging ligtas at makabuluhan ang pag-alala sa ating mga mahal sa buhay na namayapa na.