29/08/2026
MULA PAGDIRIWANG TUNGO SA PAGPAPATULOY: WIKA NATIN, IPAGMALAKI NATIN. ๐ต๐ญ
Noong Agosto 27, 2026, matagumpay na isinagawa sa Tolosa Stand Alone Senior High School ang pampinid na pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, na naging makabuluhang pagtatapos at paggunita sa ating wika at kultura.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pambungad na pananalita ni Ginang Bernalyn Pascual, na sinundan ng isang masiglang Intermission na nagbigay-saya at kulay sa pagdiriwang. ๐ญ
Matapos nito, isinagawa ang Awarding Ceremony, kung saan kinilala at pinarangalan ang mga mag-aaral na nagpakita ng husay, talento, at pagkamalikhain sa ibaโt ibang gawain at patimpalak.
Bilang pagtatapos, nagbigay ng huling mensahe si Gng.Floresa Bacho tagapayo Filipino Club na nagsilbing paalala sa patuloy na pagpapahalaga at pagmamahal sa Wikang Filipino at kulturang Pilipino.
Sa pagtatapos ng selebrasyon, dala natin ang mga alaala, talento, at aral na higit na nagpatibay sa ating pagkakaisa at pagmamalaki bilang mga Pilipino.
Isang matagumpay na pagtatapos, isang makabuluhang pagdiriwang, at isang wikang patuloy na buhay sa bawat Pilipino. ๐ต๐ญ
โ๐ป: Shai Maghari
๐ป: John Morillo
๐ท:Stephanie Murphy, Ashley Leones, & Jeona Zabala
Gng. Floresa Bacho | ๐บ๐ข๐๐-๐ก๐๐๐๐๐๐ฆ๐ ๐๐ ๐น๐๐๐๐๐๐๐ ๐ถ๐๐ข๐